CHAPTER TWENTY FIVE: The Grand Masquerade Ball
(Now Playing: Got to Believe in Magic)
Mabilis na ipinark ni Jessie ang kotse sa harap ng entrance ng hotel.
“Kinakabahan ako eh. Wag na kaya akong tumuloy?” kinakabahang sabi ni Cinderella sa mga kasama.
“Ano ka ba? Nandito ka na oh. Saka tignan mo nga yang sarili mo ang ganda ganda mo kaya” encouraging na sabi ni Jessie.
“Tama si ma’am Jessie, señorita. Kakabugin mo lahat ng mga sosyalerang nandyan sa party no” pampalakas ng loob na sabi ni Doris.
“Eh kinakabahan talaga ako. Baka mamaya makita ako nila mama. Tiyak ko magagalit ang mga yun ng sobra” kita pa rin anmg takot sa mga mata niya.
“Hindi yan! Nakamaskara ka eh. Saka I’m sure lahat ng tao dyan nakamaskara kaya tiyak na walang makakakilala sa’yo” sabi ni Jessie.
“Tama! Saka parang di mo naman kilala yung madrasta at mga kapatid mo, tiyak na sa sobrang mangha nila sa party na yan eh di ka na nila mapapansin” napairap pang sabi ni Doris.
“Korek! Kaya sige na, go na! Wag kang mag-alala nandito lang kami ni Ate Doris sa kotse. Magtext ka lang pag may kailangan ka ha?” tulak pa ni Jessie kay Cinderella.
“Sure ba kayong okay lang kayo dito?” nag-alala namansya sa mga kaibigan.
“Naman!” pinakita pa ni Doris ang dala nyang baraha.
Natawang bahagya si Cinderella.
“Sige na friend pumasok ka na sa loob. Enjoy yourself!” binuksan pa ni Jessie ang lock ng kotse. Nakita iyon ng valet sa labas na naghihintay kaya binuksan nya ang pintuan ng kotse para makalabas si Cinderella.
“Salamat ha. Tatawagan ko kayo. Thank you” sabi nya sa valet matapos magpaalam sa mga kaibigan.
Nang makita nyang umalis na ang kotse at papunta sa parking area ay humarap na sya sa entrance. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan nya. Sinabi nya sa receptionist ang name nya at matapos iconfirm ang invitation nya ay pinapasok na sya nito. Kitang kita sa mga mukha ng mga iyon ang pagkamangha kay Cinderella.
Bawat marahang hakbang paakyat sa grandyosong hagdanan ay sya namang lakas ng kabog ng ng kanyang dibdib. Nagbukas ang French door para papasukin sya. Pagpasok pa lamang sa loob ng ballroom ay natuon na sa kanya ang paningin ng lahat ng naroon.
Suot nya ang isang white princess cut gown, sweetheart shape top at gawa sa mamahaling tela, punung-puno iyon ng nagkikinangang mga crystals and rhimestones. Iyon ang pinakamagandang gown na dinesign ng ina nya na binigyang buhay naman ng napakabuting ninang Renee nya. Ang buhok nya ay nakaset sa isang eleganteng side bun at naaadornahan din ng mga maliliit na mga semi precious stones. Natatakpan ang kalahati ng mukha nya ng isang puting maskara na may mga crystal beads at white feathers. Pero ang pinakamaganda sa lahat ng suot nya ay ang kanyang hikaw na suot. Maliit iyon na hugis stiletto at may maliliit na diamonds. Bigay naman sa kanya iyon ng kanyang pumanaw na ama.
Luminga sya sa mga taong naroon at binigyan nya ng isang matipid na ngiti. Agad nyang nakita ang tatlong babae sa isang mesa na nakatingin din sa kanya ng matalim. Kahit nakamaskara ay makikilala nya ang mga iyon dahil sa mga suot nila.
Napahinto sya dahil di nya alam kung saan sya pupunta. Lalo tuloy syang kinabahan. Bigla nyang naisip kung tama nga ba ang desisyon nyang magpunta sa party na iyon.
Pagpasok palang ni Cinderella ay napukaw nya agad ang atensyon ng lahat ng naroon sa party. Isa na roon ang isang matipunong lalaki na nasa presidential table. Tila nahipnotismo sya sa pumasok na babae. Pakiramdam nya ay nakakita sya ng isang anghel. Hindi nya napigil ang sariling tumayo at lapitan ang babae. Sa unang pagkakita palang nya sa babae ay may kung anong damdamin na nabuo sa loob nya. Agad na nahulog ang loob nya dito.