CHAPTER TWO

8.6K 106 1
                                    

CHAPTER TWO: Living the Legacy

 “Mang Ador doon po tayo susunod na pupunta sa shop ni ninang Renee. May pinapakuha lang po sila ate Annie na damit doon” sabi ni Cinderella

Nagdrive ang matandang lalaki papunta sa shop ng designer na sinabi ni Cinderella.

“Anak dito na lang ako sa sasakyan. Tawagan mo na lang ako pag kailangan ha” sabi ni mang Ador nang pinagbuksan nya ng pinto ng kotse ang dalaga.

“Opo mang Ador. Salamat po” agad syang pumasok sa isang sosyal na dress shop.

Pagpasok mo pa lang sa receiving area ng shop ay makikita mo na agad ang kasosyalan ng shop. May mga magagandang damit na nakadisplay roon.

“Good morning Aya! Si ninang Renee nandyan ba?” tanong nya sa magandang receptionist na naroon.

Agad syang nginitian ng babae. “Good morning Ella! Nasa loob ng office nya. Mabuti naman at nadalaw ka dito.”

“May pinapapick up lang na mga damit ang mga kapatid ko e” masaya nyang sagot sa babae.

Tumango lang ang kausap. “:Sige pasok ka na, I’m sure matutuwa si mama Renee pag nakita ka.”

Kumatok muna sya sa pinto. Nang marinig nya ang boses na nagsasabing pumasok sya ay marahan nyang binuksan ang pinto ng opisina. Nang makita sya ng hinahanap ay biglang tumayo ito sa upuan at masayang sinalubong sya.

“Cinderella! My gosh, mabuti naman at dinalaw ako ng napakaganda kong inaanak! Please come in!” masayang bati ng isang gay na nasa mga edad 50 na.

“Ninang, kumusta na po kayo?” nakipagbeso pa sya sa matanda.

“Heto, mabeauty pa rin!” sabay flip ng kanyang maiksing itim na buhok. “Sit down my dear. Ikaw kumusta ka na?”

“Thank you po. Heto po okay naman. Mana pa rin ako sa ninang kong maganda” at ngumiti sya ng matamis. At umupo sila sa isang sofa na naroon.

Pinisil naman ng kausap ang pisngi nya. “Tama ka dyan! Teka nga pala, bakit ka nga pala nadalaw?”

“Actually, napakiusapan po ako ni Mama na kuhanin yung mga damit nila ate.”

“Pinakiusapan o inutusan?” nakataas ang kilay na tanong ni mama Renee.

Tanging kiming ngiti lang ang isinagot ni Cinderella.

“Hay naku ang inaanak ko talaga napakabait. Nga pala, would you like something to drink or eat?” concern na tanong ng kausap. Sumilip sya sa pinto para kausapin ang assistant na kuhanin ang mga damit.

“Naku ninang wag na po kayong mag-abala. Okay lang po ako. Saka di na rin naman po ako magtatagal eh. Bilin po kasi sa akin nila mama e iuwi ko agad itong mga damit” sagot niya.

“Sure ka ha? By the way kumusta na nga pala yung pagdedesign mo? May nabuo ka na bang collection?” excited na tanong ni mama Renee. Pumasok ang assistant niya at nilapag ang dalawang malaking kahon sa harap nila.

“Okay naman po. Konti pa lang naman po. Saka hindi ko naman po sure kung maganda yung mga yun e” nahihiyang sagot nya.

“Ano ka ba? I’m sure bongga yung mga yun! Ikaw pa, mana ka yata sa Mama mo at syempre sa akin. Pag ready ka na ipakita mo sa akin ah, tapos maglabas tayo ng collection mo” encouraging na sabi nya sa dalaga.

“Sige po. Promise, kayo ang una kong papakitaan nung mga yun. Paano po ninang, kailangan ko na pong iuwi muna itong mga damit nila. Papadala na lang daw po ni mama yung payment” tumayo na sya at inihatid sya ng ninang nya sa labas.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon