CHAPTER FOURTEEN

5.7K 78 11
                                    

CHAPTER FOURTEEN: Phone Calls

“Maybe I just missed talking to you…I miss you…friend” pakiramdam ni Charlie ay gusto nyang batukan ang sarili nya pagkasabi ng huling salita. Bakit mo ba sinabi yun? Okay na yung mga sinabi mo eh!

“What I mean is…” babawiin sana nya ang huling sinabi pero biglang nagsalita I Cinderella.

“Yeah…me too! I miss you too…friend!” narinig pa nya ang paghinga ng malalim ni Cinderella.

“Cinderella, what I really want to tell you is…”

“Uhm…Charlie, pwedeng next time na lang uli tayo mag-usap? Inaantok na kasi ako. Ang dami ko kasing ginawa kanina sa opisina kaya sobra akong napagod” narinig pa nya itong mahinang naghikab.

“Ganun ba? Sure. You must be really tired. You better take a rest” may panghihinayang pa nyang pagsang-ayon dahil gusto pa talaga nyang marinig ang boses ng dalaga.

“You too. Pasensya ka na talaga ha?” malambing na sabi ni Cinderella.

“That’s fine with me. Sige na magpahinga na tayo. Hangout na lang tayo some other time?” tanong pa nya sa dalaga.

“Sure, no problem. Good night Charlie.”

“Good night my Cinderella. Sweet dreams” masuyo na sabi ni Charlie sabay waring hinalikan pa ng matunog ang receiver ng telepono.

“Sweet dreams” at narinig nyang naputol na ang linya ng telepono.

Patalon syang nahiga sa kanyang king size bed sa condo unit nya. Nakatulala sya sa puting kisame sabay naglabas ng malakas na buntong hininga.

“Coward!” malakas nyang sigaw sabay kusot sa mukha nyang dalawang palad nya.

Sa loob ng dalawang araw ay sinikap nyang di tawagan si Cinderella. Sa kabila ng paglaban ng kanyang kalooban dahil sa aminin man nya o hindi sa sarili ay nasanay na syang ang boses ng dalaga ang huling naririnig nya bago sya matulog tuwing gabi. Pakiramdam nga nya ay di na sya sanay na di nya ito nakakausap o nakikita. Tiniis nya pa rin ito dahil nguguluhan na sya sa damdaming unti-unting namumuo sa loob nya. Pero sa gabing iyon ay di na sya nakatiis. Pakiramndam nya ay mababaliw na sya pag di pa nya tinawagan si Cinderella o kahit marinig lamang ang boses nito..

Alam nyang may nararamdaman na sya para kay Cinderella. Pero di nya alam kung paano ito tutugunan o kung dapat ba nya itong ipaalam sa dalaga. Basta ang alam nya ay espesyal sya para sa kanya. At gagawin nya ang lahat para alagaan at pasayahin ito, ang lahat para lang ipaglaban ito at di pa masaktan. Pero paano nya ito gagawin kung di rin sya sigurado kung kaya nyang protektahan ito mula sa kanyang sarili.

Kinuha nya ang litrato sa loob ng drawer nya. Ang litrato nila habang pasakay sila sa log jam, habang inaalalayan nya si Cinderella. Napangiti sya sa pag-alala sa mga sandaling iyon.

Sa loob ng tatlong buwang pamamalagi nya sa bansa, inaamin nyang ang mahigit dalawang buwang nakilala at nakasama nya ang mga bagong kaibigan, lalo na si Cinderella ay di nya kailan man malilimutan. Those were few if not the happiest moments of his life. At natatakot syang masira iyon dahil lang gusto nyang maglevel up ang relationship nila ng dalaga. Kaya nagtatalo ang loob nya kung ano ba talaga ang dapat nyang gawin. Lalo na pag nalaman ng dalaga ang inililihim nya.

Ngaulat sya ng biglang nagring ang cellphone sa loob ng bulsa, agad syang naupo sa kama para sagutin yun.

“Hello…” yun pa lamang ang nasasabi nya ng deretsong nagsalita ang nasa kabilang linya. Nailayo pa nya ang telepono sa tenga dahil sa malakas na boses ng kausap.

“Young man, you need to explain everything to me right now!” malakas na sabi ng babae sa kabilang linya.

“Mom?” agad nyang nabosesan ang kausap.

“It’s good to know that you still recognize the voice of your own mother, after you decided to leave without further notice!” halatang galit na sermon ng kanyang ina.

“I’m sorry mom? I didn’t mean to offend you or something. I just thought of having an early vacation. I remembered asking your permission regarding that matter?” nananantsyang paliwanang nya sa ina.

“Yes, you asked but you told me that you’re going to Hawaii. Why didn’t you tell me that you’re going to the Phillipines? You know that we already have plans of going there” patuloy na panenermon kay Charlie.

“Yes I know mom. And I’m sorry again? I just got too excited because I received lots of job offers here. That’s why I decided to came earlier than planned. Sorry again?” paglalambing nya sa ina na kahit di nakikita ay nagawa pa nyang magpapungay ng mata.

“What kind of job offers?” biglang naging mahianhon ang boses kaya napabuntong hininga pa si Charlie.

“Photoshoots and some feature articles.”

“From which?” tanong uli ng ina.

“From Viscount of course”

“Good. I thought you accept offers from other company. At least I know you’re in good hands. Wait a minute, where are you staying?” muling naging matalas ang tono ng kausap.

Napakagat ng labi si Charlie dahil nakikinita na naman nya ang magiging reaksyon ng ina. “I acquired a condo unit here in Makati.”

“What? Why didn’t you just stay in our house? Why do you have to live somewhere else? Our house is far better than some condominium! And it’s more secure! Are you sure there’s enough security in there? You know it’s not safe for you” naiimagine na nya na umuusok na naman ang ilong ng ina nya.

“Mom, it’s safe here. There’s enough security. Trust me. And besides, I know that Dad’s already have me followed” napailing pa sya nang maalala ang lalaking nakita nila ni Phillip sa coffeeshop.

“Well that’s good to hear. I’m sorry son, me and your father are just concern about your safety” kumalma na ang boses ng kausap nya kaya nakahinga na rin sya ng maluwag.

“I know mom and thank you. But trust me, I’m fine here and I’m enjoying myself” napangiti pa sya dahil sa concern ng mga magulang.

“Well, at least now that I know you’re in good condition and happy I can breathe more. And besides in just few days, we’ll be joining you there.”

“Can’t wait mom” sweet na sabi ni Charlie.

“Okay now, I know it’s already late there. So you better sleep. I miss you son” malambing na sabi ng ina sa kabilang linya.

“I miss you too mom. Tell dad that I miss him too.”

“I will. Good night baby. I love you. Sweet dreams” at narinig pa ni Charlie ang paghalik ng ina sa receiver ng telepono.

“Good night mom. I love you” pamamaalam nya sa kausap.

Pagkababa ng cellphone sa side table ay inilatag nya agad ang pagod na katawan sa malambot na kama sabay malakas na buntong hininga. Napapailing pa sya sa pagiging malambing ngunit madalas ay over protectiveness ng mga magulang. Isa sa mga dahilan kung bakit di nya pinaalam na uuwi sya nanag mas maaga sa bansa kesa sa kanila.

Ilang sandali pa ay unti-unti na ring inagaw ng matinding antok ang kanyang diwa.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon