CHAPTER FORTY SIX: A Fresh Start
“Can I come in?” nakasilip sa pintuan ng kwarto ni Cinderella si Charlie.
Tumingin ang maga ang mga matang si Cinderella saka marahang tumango.
Naupo si Charlie sa sofa na nakadikit sa may bintana kung saan nakaupo ang dalaga habang tila malalim ang iniisip. Inakbayan ni Charlie si Cinderella at isinandal ang ulo nito sa kanyang balikat.
Wala namang tutol na inihilig na lamang ng dalaga ang kanyang ulo. Pakiramdam ni Cinderella ay naging payapa ang pakiramdam nya sa presensya ng nobyo.
“Jessie told me about what happened earlier. Are you okay?” mahinang tanong ni Charlie na nakikisimpatya sa nararamdaman ni Cinderella.
Nagkibit balikat lamang si Cinderella. “I don’t know.”
“I know how hard it is for you. I wish I’m here for you during those times” masuyong sabi ng binata.
Iniangat ni Cinderella ang ulo at tumingin sa lalaki saka marahang ngumiti. “But you’re here now. It’s more than enough.”
Hinalikan ni Charlie ang noo ng dalaga. “You want to talk about it? If you don’t want, I perfectly understand.”
Muling humilig si Cinderella sa balikat ni Charlie. “Ang sama ko ba?”
“Ha? Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong ni Charlie.
“Doon sa naging desisyon kong paalisin sila dito at sa kompanya” muling nagingilid ang luha ni Cinderella.
“Alam mo, sa totoo lang gusto kang kalbuhin nila Jessie at mama Renee dahil sa desisyon mo” nangingising sagot ni Charlie.
Napangiti din si Cinderella dahil naiisip nya ang itsura ng dalawa.
“At ako man, iniisip ko nga kung nasa katinuan ka pa eh. Dahil kung ibang tao talaga yun malamang ngayon pa lang nabubulok na sila sa bilangguan. Pero naiintindihan ko ang desisyon mo, ang nararamdaman mo.”
“Kahit naman kasi ganun ang mga ginawa nila sa akin sa pamilya ko, hindi ko pa rin maalis na isipin na pamilya ko pa rin sila. At hindi ko din kayang isipin na makukulong sila. Lalo na si ate Giselle. Mahal ko pa rin sila.”
“You know what love, that makes you different. That makes you special” nakangiting sabi ni Charlie habang pinagmamasdan ang magkahawak nilang mga kamay.
“Bakit dahil para akong tanga?” mahinang tanong ni Cinderella.
Natawa si Charlie. Iniharap nya si Cinderella sa kanya. “Aside from that...”
Tumaas ang kilay ni Cinderella na nakapagpatawa kay Charlie.
“You’re different and special because of your heart. You have a heart that is so forgiving, kind, affectionate, hopeful, and faithful which only have so much love for others. And because of that, right now I feel like the luckiest man in the whole universe for having the most wonderful and beautiful girl in my arms” at saka nya nginitian si Cinderella nang ubod ng tamis.
Natouched na ngumiti si Cinderella. “Thank you. Thank you for always being here for me.”
“And thank you for loving me my Cinderella” at marahang naglapit ang kanilang mga labi para sa isang buong pagmamahal na halik.
*********
Ilang araw pagkatapos noon ay umalis na ang mag-iinang Gretta sa mansion ng mga Buenavista.
“Cinderella, pwede ka bang makausap sandali?” mahinang tanong ni Giselle kay Cinderella na hindi lumalabas ng kwarto dahil nasasaktan din syang makitang aalis na nag pamilya na nakasama nya sa loob ng maraming taon.