CHAPTER TWENTY ONE

5.8K 66 1
                                        

CHAPTER TWENTY ONE: Pinkie Promise

“Sure ka ba talagang walang hidden agenda yang mga witch este step sisters at step mother mo?” tanong ni Jessie habang sinasamahan si Cinderella na mamili ng mga gagamitin sa mga gowns.

“Ewan ko. Baka. Malamang. Pero okay lang atleast finally, naipakita ko din ang mga designs ko sa kanila. At nakita ko naman na totoong naappreciate nila yung mga designs ko. Saka sabi naman nila na nirecommend daw kasi ng ninang Renee” kwento ni Cinderella habang binubuklat ang mga tela sa harap.

“Sabagay irecommend ka ba naman ng isang Renee Acosta no! Saka totoo namang magaling kang designer eh! At malay mo this is your chance to shine. Kahit naman papaano mga models mga step sisters mo kaya tiyak kong magandang magdala ng damit ang mga iyon. At pag nakita ng mga tao iyon ay naku friend sisikat ka na!” excited pang pagiimagine ni Jessie.

“Sikat agad? Anyway kumusta na kayo ni Phillip?” pagiiba ni Cinderella ng usapan.

“Okay naman. Medyo busy sya ngayon sa family business nila. Pabalik balik sya sa Seoul kaya medyo madalang kaming magkita these past few days. Pero madalas naman kaming magskype eh” kwento pa ni Jessie.

“Natutuwa talaga ako sa’yo friend! Sa wakas mukhang may stable love life ka na!” kinikilig na sabi ni Cinderella.

“Kung makapagsalita ka naman, para namang napakaplaygirl ko. Choosy lang ako no! Maiba tayo, eh kayo ni Charle?” tanong ni Jessie.

Nagulat si Cinderella. “Ano kami ni Charlie?”

“Kumusta na kayo?”

“Okay lang.”

“Okay lang?” inilapit pa nya ang mukha kay Cinderella.

Tango lang ang isinagot ni Cinderella sa kaibigan.

“Nagtapat na ba?” biglang tanong ni Jessie.

Naubo si Cinderella. Saka waring tumawa. “Ano naman ang pagtatapat nya?”

“Ang feelings nya!” nakibuklat si Jessie ng tela.

“Sira! Friends nga lang kami nung tao!” waring busy sa pagtingin ng iba pang tela.

“Friends? Friend nyong mukha nyo! Alam mo kayong dalawa na lang ang naniniwalang friends lang kayo eh! Sige try nyo pang paniwalain ang sarili nyong walang ibang namamagitan sa inyong dalawa! Saan ka nakakita ng friends na gabi-gabi magkausap sa phone bago matulog at walang ibang bukambibig kundi ang isa’t-isa! Sige nga! Sige nga ate sabihin mo nga, mali ba ako? Friends lang ba yung ganun? Ganun ba kayo ng friend mo?” pati ang tindera ng tela ay isinama ni Jessie sa usapan.

“Hindi no. Nung magsimulang maging ganun ang samahan namin kami na. kaya nga sya na ang asawa ko ngayon no!” sumagot naman ang tinder.

“See!”

Natawa pa si Cinderella sa nangyari. ‘Ikaw talaga pati si ate dinadamay mo sa kalukahan mo!”

“Pinopoint out ko lang yung bagay na di nyo makita or ayaw nyo lang pansinin! Alam mo sabi nga ni Phillip gusto nyang paguntugin na lang kayong dalawa eh. O kaya naman ilock kayong dalawa para mapagusapan nyo kung ano ba talaga kayo!” litanya pa ni Jessie.

“Bakit ba kasi kami ang pinoproblema nyo?” nakangiting tanong ni Cinderella.

“Eh kasi kaming dalawa wala kaming problema. At kayo lang talaga ang kaproble problema no!”

“Hay naku mabuti pa mamili na lang tayo okay?” pag-iiba nya ng usapan.

Napairap pa si Jessie. “Sabagay malay natin hindi pala si Charlie ang kapalaran mong maging dyowa. Baka naman nakatakda ka para kay Prince Montecarlo! Wow, award yun sister! Big time!”

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon