CHAPTER TWENTY THREE: Shattered Dreams
"Ate ano na? Isasama ba talaga natin si Cinderella?" mahinang tanong ni Giselle sa kapatid.
Kibit balikat lang ang isinagot ni Annie.
"Ate akala ko ba ayaw mong isama sya dun? May paplano plano ka kunwari yun naman pala hindi mo naman pala kaya!" pang-aasar pa ni Giselle.
Pinahinto ni Annie ang make-up artist sa ginagawa nya para harapin ang makulit na kapatid. Sinenyasan pa nyang lumabas muna ang mga ito para makapagusapa sila ni Giselle. "Bakit ba kasi hindi ka makapaghintay? Hindi pa tapos ang plano ko. Actually ngayon pa nga lang talaga nagsisimula eh!"
Tumayo ito at pumunta sa ibabaw ng credenza. Kumuha ito ng isang kopita at nagsalin ng red wine. Naglakad sya dahan dahan palapit sa kapatid. Dahan dahan ay ibinuhos nya ang red wine sa suot nyang yellow gown.
Nanlaki ang mga mata ni Giselle sa ginawa ng kapatid. "Ate! Anong ginawa mo?"
Napangiti si Annie sa reaksyon ng kapatid. At inilaglag ang kopita sa carpeted na sahig. "Oh no! My gown!" malakas nyang sigaw.
Nagulat na nagtaka si Giselle.
"Mama! Mama!" sigaw ni Annie sa ina na nasa kabilang kwarto at naghahanda na rin para sa party.
Mabilis na dumating ang ina at si Cinderella sa kwarto at laging gulat nila nang makita ang itsura ng gown ni Cinderella. "Anong nangyari? Bakit nagkaganyan ang gown mo?"
"Mama si ate Annie kasi..."
"Eh kasi mama iinom lang sana ako ng red wine pangtanggal kaba, kaso nung naglalakad ako natalisod ako sa carpet kaya natapon yung dala kong wine sa gown ko" imbentong kwento nito.
"Ate Annie? Hindi naman..." naputol na sabi ni Giselle.
"Giselle diba nakita mo ang nangyari?" waring kaawa awing tanong ni Annie sa kapatid.
Natahimik lang si Giselle.
"Paano na yan? Paano na ako makakapunta sa ball nang ganito ang gown ko?"
"Cinderella, meron ka pa bang gown dyan na pwedeng isuot ni Annie?" tanong ni madam Gretta.
"Wa...wala na po mama. Yung mga gown nyo lang po ang nagawa ko...saka yung akin" parang kinabahan siya sa mga nangyayari.
"Mama naman, alangan namang yung damit pa ni Cinderella ang isuot ko? Nakakahiya naman sa kanya pag ganun. Anong isusuot nya? Hindi naman pwedeng itong gown ko ang isuot nya may mantsa na kasi. Lalong hindi naman pwedeng...hindi sya sumama. Diba? Nakaset na syang sumama eh" kunwaring concern na sabi ni Annie.
Natahimik si Cinderella sa sinabi ng kapatid.
"Lalong hindi naman pwedeng ikaw ang hindi sumama! Chance mo to para makilala ng mga malalaking tao sa society. Saka tiyak kong maraming mga media dun, exposure to!" mataray na explain ni madam Gretta.
"Eh paano nga mama?"
"Cinderella, alam kong gusto mong sumama sa party. Pero isispin mo naman ang ate Annie mo! Mas kailangan nya to kaysa sa'yo! Saka, hindi ka pa naman nakaayos eh. Kaya...okay pa sa iyong hindi sumama. Diba Cinderella? Naiintindihan mo naman siguro ako diba?" nakataas ang kilay na tanong / pamimilit ni madam Gretta kay Cinderella.
Hindi makasagot si Cinderella. "Pero..."
"Mama, wag mo nang pilitin si Cinderella kung ayaw nyang ipagamit sa akin yung gown nya, Mahirap naman kasing pilitin ang ayaw. Okay lang. Dito na lang ako magbuburo buong magdamag!" pagmamaktol ni Annie.
Tinignan ng masama ni Madam Gretta si Cinderella na di malaman ang sasabihin at gagawin.
"Si...sige po. Ate Annie...ikaw na lang ang gumamit nung gown. Tama naman si mama. Mas importante sayo na makaattend dun...kaysa sa akin. Hindi na lang ako sasama. Saka hindi naman ako...sanay sa mga ganung party eh. Kaya okay lang" malungkot na sabi ni Cinderella.
"Are you sure, Cinderella? Are you sure na ipapagamit mo sa akin yung gown mo?" nakangising tanong ni Annie.
Marahang tango lang ang isinagot ni Cinderella.
"Sandali lang po. Kukunin ko lang po sa kwarto ko yung...gown" at malatang lumabas si Cinderella sa kwarto ni Annie.
Tahimik na nagmamasid lang si Giselle sa mga pangyayari. At sa unang pagkakataon ay nakaramdam sya ng pagkaawa para kay Cinderella.
Ang mag-inang Gretta at Annie naman ay tahimik na nagngingitian. Isang ngiti ng tagumpay para sa masama nilang balak.
Si Cinderella naman ay tahimik na tumutulo ang luha habang kinukuha ang gown nya para ibigay sa kapatid.
"Bakit ka naman pumayag? Gown mo yan! Pinaghirapan mo yan! At kung may roon mas may karapatang umattend sa party na yun, ikaw yun hindi sila!" galit na tanong ni Doris.
"Ba...bayaan mo na ate Doris. Hindi rin naman ako sanay sa mga ganung party eh. Kaya tiyak ko hindi rin ako magiging kumportable dun. Saka madami pa naman sigurong ibang pagkakataon. Diba ate Doris?" naiiyak na tanong nya sa kaibigan.
Hindi nakasagot si Doris. Sa halip ay niyakap nya nang mahigpit si Cinderella. "Bakit ba kasi sobrang bait mong bata ka!"
Ibinigay ni Cinderella ang gown kay Annie para isuot. Matapos magbihis ay masayang masaya itong umikot ikot pa sa harap ng salamin para tignan ang itsura nya.
"Bagay na bagay talaga sa akin ito no? Mas bagay pa nga yata kaysa dun sa yellow gown eh. Salamat talaga Cinderella ha? Ang bait mo talaga. Bayaan mo pagtapos kong isuot isosoli ko rin agad sa'yo" at muli ay umikot pa sya para tignan ang itsura sa huling pagkakataon bago sila umalis.
Lumabas na sila ng bahay at sasakay na sa kotse na maghahatid sa kanila sa hotel.
"Cinderella ikaw na ang bahala dito ha? Wag ka nang umalis at walang bantay tong bahay eh. Wag kang mag-alala, uuwian ka naming ng souvenir. O kaya naman ikakamusta ka na lang naming kay Lady Priscilla!" pahabol pang sabi ni madam Gretta bago pa sumakay ng kotse.
"Thank you talaga Cinderella! Ihahalik nalang kita kay Prince!" maarteng sabi ni Annie.
"Cinderella...pasensya ka na ha? Sayang talaga hindi ka makakasama...sige aalis na kami. Pasensya na talaga" mahinang sabi ni Giselle kay Cinderella.
"Giselle ano ba? Ang tagal mo naman? Bilisan mo nga!" hiyaw ni Annie sa kapatid.
Pinagmasdan ni Cinderella ang pag-alis ng kotse. Hinawakan ni Doris ang kamay nya para ayain na sa loob ng bahay. Muli ay nag-uunahan ang mga luhang tumulo sa mga mata nya. Pakiramdam nya ay unti-unting gumuguho ang mga pangarap nya sa harap nya. Pakiramdam nya ay pinagkait sa kanya ang isang pagkakataon na tuparin ang kanyang mga pangarap.
A/N
naku paano n kya makakapunta c cinderella sa ball. mkapunta p kya sya? kayo po ano po sa tingin nyo? excited to hear your thoughts.
next update within this week. promise!
thanks po sa sobrang daming support sa I Am Cinderella.