CHAPTER NINE

6.4K 84 1
                                    

CHAPTER NINE: Ferris wheel

“Sure ka bang sasakay tayo dyan?” halatang kinakabahang tanong ni Cinderella.

“Ano ka ba naman? Nakasakay ka na sa Space Shuttle, sa anchors away, sa log jam at kung saan saan pang mas nakakatakot, tapos sa Wheel of Fate lang natatakot ka? Just take a look. It’s so slow. It looks so relaxing” di makapaniwalang balik tanong ni Charlie.

“Yun na nga eh. Ang bagal ng andar kaya mas nakakatakot. Kasi makikita mo talaga yung mga nasa ibaba” sabay napalunok pang sabi niya.

“Nonsense! Ayan na tayo na! Let’s go!” sabay hila sa kamay ni Cinderella pasakay sa ferris wheel.

Pagkasakay pa lang ay tila nanigas na si Cinderella. Nakahawak sya sa bakal sa gitna. Si Charlie naman ay natatawa sa reaksyon ng kasama.

“Relax sweetheart!” nakangising biro ni Charlie.

“Tse! Sweetheart ka dyan! Ayan na!” napahiyaw si Cinderella nang biglang umandar ang rides.

Napahalakhak si Charlie. Kaya para mawala ang nerbyos ng kasama ay umusad sya sa tabi nito at isiniksik si Cinderella sa kanya.

Nawala nga ang takot ni Cinderella sa rides pero naramdaman naman nyang bigla syang ninerbyos dahil sa pagkakadikit ng kanilang katawan. Dahil maliban sa papa nya at kay mang Ador a parang pangalawa na nyang ama, ngayon lang sya napalapit sa isang lalaki. Pero sa aminin man nya sa sarili o hindi, kumakabog man ang dibdib ay parang natural lang at payapa ang kalooban nya.

“Are you okay now?” tanong ni Charlie saby tingin sa mukha ni Cinderella.

Marahan lang syang tumango at ngumiti. Alam ni Cinderella na nagbablush sya kaya laking pasalamat nya dahil palubog na ang araw at medyo madilim na kaya malamang ay di na iyon mapansin ni Charlie.

Makalipas ang ilang sandaling katahimikan, si Charlie ang unang nagsalita.

“So, I just want to ask” napalingon si Cinderella sa binata.

“What?” simpleng tanong nya.

“What’s the story about your name? Why Cinderella, of all the names in the world, why is that?” curious na tanong ni Charlie.

Tumaas naman ang kilay ni Cinderella at naisip nabaka may punchline na namang kasunod ang tanong na iyon. Kaya naisip nyang unahan na ang kausap. “At least it’s not Snow White or Sleeping Beauty or Little Mermaid.”

Napanganga si Charlie sa sinagot ng dalaga saka napabuntong hininga. “Seriously Cinderella.”

“Okay, sorry. I thought you’re joking. Well according to my mother, it’s as simple as she loves fairytales. Lalo na yung story ni Cinderella. Bata pa lang daw kasi sya yun na ang favorite story nya sa lahat. Sa lahat daw kasi ng mga fairytale characters si  Cinderella lang yung pinakamabait. Of all the princesses, she’s the only one who shows humility, honesty, generosity, hope, patience, faith and love, and all the other virutes. Saka yung love story daw kasi nila ni Prince Charming ang pinaka romantic. Imagine hindi sya royal princess pero minahal sya ni prince charming sa unang beses pa lang nilang pagkikita. At kahit nalaman na nyang hindi princess si Cinderella pinakasalan pa rin nya. The typical story of a person who struggle but never lose hope. From rugs to riches, form pauper to princess. A story which will give you hope that someday, true love will sweep you off of your feet, and will rescue you from sorrow and misery” nakatingin sa malayong kwento ni Cinderella.

Si Charlie naman ay nakangiting nakatitig lamang sa mukha nya.

“Feeling kasi ni mama, sya si Cinderella eh. Hindi naman kasi sila mayaman, working student sya kasi kailangan nyang tulungan ang mga lolo at lola, at the same time gusto nyang makatapos ng pag-aaral. Nang makapagtapos sya ng course nyang designing, nakapagtrabaho agad sya. At take note nakuha rin syang model nung company na pinagtatrabahuhan nya, kasi hindi naman sa pagmamayabang, maganda talaga ang mama ko. Doon sila nagkakilala ng papa. Na love at first sight daw kasi sa kanya si papa sa isang fashion show na kasama si mama. Simula noon, hindi na daw sya tinantanan ng papa hanggang mapasagot sya. Nang paging mag-asawa sila tumigil na si mama sa pagmomodel at inasikaso nalang kami. Saka nagstart sila ni papa ng business. At nung oras na malaman nyang pinagbubuntis na nya ako, at malamang babae pala ako, Cinderella na agad ang naisip nyang ipangalan sa akin. Para daw kasing ganda at kasing bait ako ni Cinderella. Na hindi naman nangyari” bahagya pa syang natawa sa kwento nya.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon