CHAPTER FORTY THREE: A Loving Heart of Stone
“Ate Annie, ikaw ang may gawa nun?” nababasag ang boses na tanong ni Cinderella na halos di makapaniwala sa mga narinig.
Ang kaninang gulat ay nakabawi at nakataas pa ang kilay na lumapit sa kinatatyuan ni Cinderella.
“Eh ano naman ngayon kung sabihin kong ako nga ang may gawa nun?” mataray na tanong ni Annie.
“Bakit? Bakit mo ginawa yun? Ano bang ginawa kong masama sa’yo para gawin mo sa akin yun?” mahina ngunit emosyonal na tanong niya sa kapatid.
“Alam mo kung bakit? Masyado ka kasing pasikat! Lahat ng bagay gusto mo na sa’yo. Pati atensyon ng mga tao gusto mo nasa iyo rin! Nakuha mo na nga ang atensyon ni Prince pati ba naman ang atensyon ng madla gusto mo kunin din?! Ano ka sinuswerte?!”
“Pero ate, yun lang naman ang pangarap ko eh. Ang sundan ang yapak ng mama ko. Hindi ko naman gustong agawin yung atensyon ng mga tao” naiiyak na sabi ni Cinderella.
“Ayan! Dyan! Dyan ka magaling! Sa pagpapaawa effect! Bait baitan effect ka parati kaya nakukuha mo ang simpatya ng lahat ng nakapaligid sa’yo! Akala mo kung sinong santa santita, may tinatago namang kulo sa loob!”
“Naku, tama na Annie! Kaya mabuti pa huwag nyo nang pag-aksayahn ng panahon yang babaeng yan!” singit naman ni madam Gretta.
Patalikod na sila nang magsalitang muli si Cinderella.
“Ano po bang ginawa kong kasalanan sa inyo? Lahat naman po ng gusto nyo ginawa ko. Lahat naman po ng ayaw nyong gawin ko hindi ko din ginawa. Lahat po para mapasaya ko lang kayo. Para mahalin nyo rin po ako na parang tunay nyong anak at kapatid. Kahit nga po alam kong mali at di na patas, sinusunod ko pa din para lang matanggap nyo din ako…para lang matutuhan nyo rin akong mahalin. Kahit nasasaktan na ako” umiiyak na sabi ni Cinderella sa mga walang imik na madrasta at step sisters.
Si Giselle naman ay tahimik at nangingilid na rin ang luha.
“Nung dumating kayo sa buhay ni papa, sa buhay ko, buong puso ko po kayong tinanggap dahil nakita kong napasaya nyo ang papa ko. Natuwa ako kasi naisip ko kayo na yung ina na pupuno sa nararamdaman kong lungkot dahil sa pagkawala ng mama ko. Naisip kong kayo yung mga kapatid na matagal ko nang pinapangarap. Yung mga kapatid na makakasama ko sa paglalaro, sa pag-aaral, sa lahat ng mga bagay na pagdadaanan ko pa. Pero sa halip na ituring nyo akong kapamilya, pinasakitan nyo pa ako. Inagaw nyo ang lahat ng iniwan sa akin ng mama at papa ko. Pero sa maniwala kayo o sa hindi, sa kabila nang lahat ng ginawa nyo sa akin, pamilya pa rin ang tingin ko sa inyo. Mahal na mahal ko pa rin kayo. Dahil kayo na lang ang natitirang kapamilya ko” patuloy ang pag-agos ng luha ni Cinderella.
“Cinderella! Anong nangyari dito?! Are you okay love? Anong ginawa nyo sa kanya?!” galit na tanong ni Charlie sa mag-iina matapos nyang abutan ang nobya na umiiyak.
Niyakap nya nang mahigpit si Cinderella na patuloy pa din sa pag-iyak.
“Hindi pa ba sapat lahat ng sakit at hirap na pinadanas nyo sa kanya?! Kulang pa ba ang mga pagpapahirap na ginawa nyo? Ang pag-agaw sa lahat ng dapat ay sa kanya! Wala ba talaga kayong mga puso?!” galit na galit na tanong ni Charlie.
“Tama na Charlie” mahinang pag-awat ni Cinderella.
Seryoso ngunit may bahid ng pagkapahiya ang mukha ng tatlo.
“Tara na girls. Pumasok na tayo sa loob” mahina ngunit awtorotibong sabi ni madm Gretta.
Pagpasok ng tatlo ay naiwan ang magkasintahan. Niyakap nang mahigpit ni Charlie si Cinderella sabay halik sa buhok nito. Dahil doon ay lalong napaiyak ang dalaga.