CHAPTER TEN: Guinea Pig
“So sino naman yung poging lalaki na yun? Ikaw ha hindi ka nagkukwento” wari pang kinurot ni Doris si Cinderella sa tagiliran.
“Naku ate Doris, kaibigan ko lang yun no. Sya yung kinukwento ko sa’yo” nakangiting sabi niya habang papasok sa loob ng bahay.
“Sino si spaghetti boy?” nanlaki ang matang tanong ni Doris.
Nagulat na natawa si Cinderella sa tawag ni Doris kay Charlie.
Pagpasok sa pintuan ay nagulat sila ng Makita ang madrasta na nakaupo sa sofa at waring galit na naghihintay.
“Dumating ka din sa wakas. Saan ka naman nanggaling?” mataray na tanong ni Gretta kay Cinderella.
“Namasyal lang po” mahinang sagot ni Cinderella.
“Eh sino naman yung naghatid sa’yo?” singit ni Annie habang pababa sa grand staircase ng bahay nila.
Nagulat si Cinderella na napatingin sya sa mga pababa. “Uhm…kaibigan ko, si Charlie.”
“Friend? Talaga lang? Infairness ha gwapo at nakamini cooper pa, mukhang mayaman” sabad naman ni Giselle na kasunod ni Annie.
Hindi nakasagot si Cinderella.
“Siya ba yung nasa charity event? Yung photographer?” tanong uli ni Annie na umupo sa tabi ng ina.
Tumango lang si Cinderella.
“Saan mo naman nakilala yung lalaki na yun?” tanong uli ni Gretta.
‘Ano to,interrogation?’ nasa isip niya.“Nakilala ko po sya sa charity event. Kumukuha po kasi sya ng mga documentations doon.”
“Taga saan naman sya?” patuloy na pagtatanong ng matandang babae.
“Ang alam ko po taga Makati lang po sya” mahinang sagot nya.
“Saan sya nagwowork?” tanong naman ni Giselle.
Napalingon naman si Cinderella sa katabing si Doris na pareho nyang naguguluhan sa ginagawang interrogation ng tatlo.
“Doris bakit ka ba nandyan? Bumalik ka na nga sa kusina!” utos ni Annie.
Tinanguan lang ni Cinderella si Doris kaya tahimik at nag-aalalang umalis si Doris.
“Ang alam ko po freelance photographer sya. Pero kinukuha din po sya ng Viscount Publications for some job” sabi ni Cinderella.
“Oh my God! Sa Viscount Publications? International publication yun ah. Maraming mga supermodel ang naguunahan makapagcover lang o kaya mafeature lang sa isa sa mga magazines nila. Bigtime!” maarteng kwento ni Giselle.
“I never thought na pinagaaralan mo rin pala ang mga importanteng bagay maliban sa mga walang kwenta mong asianovelas” nakangiting mapang-asar si Annie. Inirapan lang sya ni Giselle.
“Of course! I’m not dumb you know!” maarte pang depensa ni Giselle.
“So ibig sabihin maaaring yung kinukuhanan nya sa charity events ay para sa Viscount?” curious na tanong ni Annie kay Cinderella.
Nagkibit balikat lang si Cinderella dahil di nya alam ang isasagot.
“Oh my gosh! That means maaring nakuhanan nya kami sa event? Naku bakit ba kasi tayo umalis agad dun baka mamaya nyan di nya ako nakuhanan” excited naman na tanong ni Giselle.
Napansin ni Cinderella na nawala na sa kanya ang atensyon ng mga kausap dahil kanya kanya na sila ng bulungan.
“Pwede na po ba akong umakyat sa taas?” mahinang tanong niya.
Napatigil ang tatlo sa kwentuhan nila.
“Sige na” maiksing sagot lang ni madame Gretta.
Kaya umakyat na si Cinderella sa hagdanan. Pero tinawag uli sya ng madrasta.
“Ah Cinderella!”
Lumingon uli sya. “Bakit po?”
“Pwede mong imbitahan si Charlie minsan para magdinner dito” at ngumiti ito ng parang may ibangpinaplano.
Tumango lang si Cinderella at saka nakakunot ang noong pumasok sa kwarto nya. Alam nyang may pinaplano na naman ang madrasta at mga kapatid.
*****
“Kumusta naman ang date nyo ni Charlie?” isang pilyang ngiti ang ibinigay ni Jessie sa kaibigan nang dumalaw sya sa opisina nila Cinderella.
Nakakunot ang noong tinignan ni Cinderella ang kaibigan. “Date ka dyan?”
“I heard ang saya saya daw ng lakad nyo ah. And I saw some pictures on Instagram and FB. Tinag ako ni Charlie. And it looks like you really enjoyed each others company” at nagwiggle pa ang mga kilay ni Jessie.
“Talaga nakita mo na yung mga pictures?” excited na tanong ni Cinderella.
“Kung kasi naman kasi mag create ka na ng Instagram, Twitter o kahit Facebook na lang. Ikaw na lang yata ang walang FB account sa mundo no! Ultimo nga yung kapitbahay naming aso may sariling FB, Instagram at twitter account!” pairap pang litanya ni Jessie dahil di sya makapaniwala na walang mga ganun ang kaibigan.
“Weh di nga?” biro naman ni Cinderella. “Seriously speaking, aanhin ko naman kasi yung mga yun? Aksaya lang sa oras yun no. E di magtrabaho na lang ako.”
“Hay naku friend, you’re so impossible! Napakaserious mo sa buhay! Wala kang kasocial social life.Anyway back to your date, mukhang ang saya-saya nyo talaga ha” at muling nagbalik ang mapanuksong tingin ni Jessie.
“Eh kasi naman may isang bata kasi dyan last minute na lang umurong pa” waring nagtatampo pang sabi ni Cinderella.
“Aba eh kung pwede lang talaga no. At kung di lang dumating ang mga lolo at lola ko na ilang buwan ko ding di nakita eh di sana kasama nyo ko sa mga pictures na yan no” at pinakita pa ni Jessie ang mga pictures sa kanyang I Pad.
Natuwa naman si Cinderella ng makita ang mga pictures nila ni Charlie. “Sabi ko nga eh. So how are your grandparents?”
“Okay naman sila. Ayun groovy pa rin as ever. Iniiba mo naman ang usapan eh. Kumusta ba ang date nyo?” tanong uli ni Jessie.
“Ay ang kulit. Sinabi nang hindi yun date no. Pero okay naman. Infairness ah, masarap talagang kasama si Charlie. Napakakalog saka game na game. Imagine, hinila ako sa lahat ng rides na pwede naming sakyan. Super hilo ako ah! At pag-uwi ko plakda talaga ako sa kama” masayang kwento ni Cinderella.
“Mabuti naman at nag-enjoy kayo. Inggit tuloy ako. Pero okay lang atleast nasolo mo si Charlie”
“Sira ka talaga” kiniliti pa ni Cinderella si Jessie.
“Saka diba sabi ko naman sayo mabait si Charlie at masaya kasama. Siguro naman ngayon di mo na tatarayan si Charlie kasi close na kayo” nakangiting sabi ni Jessie.
“Kaya ko lang naman sya natatarayan kasi lagi nya akong inaasar eh.”
“Pero infairness friend ha. Natutuwa ako sa improvement mo”
“Anong improvement ko? Yung nagtataray na ako? Nakakatuwa ba yun?” takang tanong ni Cinderella.
“Hindi naman sa ganun ang ibig kong sabihin. Kasi alam mo yun, yung all your life lagi ka lang mabait, masunurin, oo lang ngoo, lagi na lang ikaw ang nagbibigay. At least ngayon, kahit kay Charlie lang naiba naman” seryosong sabi ni Jessie.
“Was that supposed to mean as a compliment or an insult? Parang gusto ko yatang maawa kay Charlie dahil sa sinasabi mo para syang guinea pig na pinagpractisan ko sa pagtataray ko eh” nakangiting sabi niya sa kaibigan.
“Oo nga no? Ang cute naman nyang guinea pig?” sabay tawa ni Jessie nung maimagine nya si Charlie bilang guinea pig at natawa din si Cinderella sa naisip.
Buong lunch break silang nagkwentuhan habang tinitignan ang mga pictures nina Cinderella at Charlie.
