PROLOGUE

15.9K 148 1
                                        

Bawat marahang hakbang paakyat sa grandyosong hagdanan ay sya namang lakas ng kabog ng ng kanyang dibdib. Pagpasok pa lamang sa loob ng ballroom ay nakatuon na sa kanya ang paningin ng lahat ng naroon.

Agad nyang nakita ang tatlong babae sa isang mesa na nakatingin din sa kanya ng matalim. Kahit nakamaskara ay makikilala nya ang mga iyon dahil sa mga suot nila.

Napahinto sya dahil di nya alam kung saan sya pupunta. Lalo tuloy syang kinabahan. Bigla nyang naisip kung tama nga ba ang desisyon nyang magpunta sa party na iyon.

Tila dagat na nahati ang mga taong nagsasayaw sa dance floor nang tumayo ang isang makisig na lalaki at lumakad papunta sa gawi nya.

Nakatitig lamang sya sa papalapit na lalaki. Kahit nakamaskara ay kitang kita nya ang magagandang mga mata nito. At sa mga sandaling iyon ang mga matang iyon ay nakatitig sa kanya.

Nang huminto sa harapan nya ang lalaki ay biglang dumilim ang buong paligid maliban sa spotlight na nakatutok sa kanilang dalawa.

“May I have this dance?” baritonong tanong sa kanya ng lalaki habang nakalahad ang kanyang kamay.

Pakiramdam nya ay nalunok nya ang kanyang dila kaya tanging marahang tango at matipid na ngiti lamang ang naisagot nya sa lalaki. Iniabot nya ang kamay sa lalaki. Sa sandali pa lamang na pagdampi ng kanilang kamay ay naramdaman nya ang mahinang kuryenteng dumaloy doon.

Dinala sya ng lalaki sa gitna ng dance floor. Inilagay ang isa pang kamay sa kanyang bewang. Maingat naman nyang inilagay ang kanyang bahagyang nangangatog na kamay sa balikat ng lalaki. Hindi nila maalis ang pagkatitig sa isa’t-isa.

Tumugtog ang orchestra ng isang classic love song at dinala sila ng musika. Sa kabuuan ng music ay nagsayaw lang sila nang walang salitang namagitan sa kanilang dalawa. Pakiramdam nila ay sila lamang ang tao sa buong mundo nang mga oras na iyon. Wala silang malay sa mga matang nakamasid sa tahimik na pagpapalitan nila ng paghanga sa isa’t-isa. Ilang music din ang tumugtog ngunit ganun pa din sila. Tahimik na nagsasayaw.

“Would you like to rest for a while and have a drink? Or catch some fresh air?” unang mga salita na nasabi ng lalaki sa buong gabi.

Ngumiti sya. “Sure, that would be nice.”

At inalalayan sya ng lalaki papunta sa may veranda na nakaharap sa malawak na garden ng five star hotel na iyon. Nagdaan ang isang waiter na may dalang isang tray champagne. Kumuha ang lalaki ng dalawa at inabot sa kanya ang isa.

“Thank you” at nginitian nya ang lalaki sabay marahang inom ng champagne. Paglabas nila sa veranda ay mas nakaramdam sya ng ginhawa. Dahil pakiramdam nya ay napakasikip sa loob ng ballroom.

“So, nag-eenjoy ka ba sa party? I hope I’m not getting you bored?” mahinang tanong ng lalaki na bahagya pang ngumiti na nagpakita ng magaganda nitong mga ngipin.

“No! I mean no, I’m not bored. Enjoy naman yung party e” bahagya pa syang nagblush.

Tumango lang ang lalaki at ngumiti habang di pa rin inaalis ang pagkatitig sa kanya.

“You know what? I don’t mean it to sound cliché, but do I happen to know you? Alam mo na, medyo mahirap kasi irecognize because of this mask. But you seems so familiar, especially your eyes. I know it sounds like a pick up line and it’s so corny, but, have we met before?” naalangan pa nyang tanong

“I don’t think so. Sa tingin ko ngayon lang tayo nagkakilala, pero mukha ka ring pamilyar e” nahihiya din nyang sagot.

“Alam mo sa tingin ko, mas mainam kung tanggalin na natin tong maskara natin para makita naman natin ang isa’t-isa. What do you think? Sino ba kasi ang nakaisip ng masquerade party na’to e?” nakatawa pang tanong ng lalaki.

“Sa tingin ko tama ka” natawa din sya sa sinabi ng lalaki.

Medyo nahirapan pang tanggalin ng lalaki ang maskara nya. “By the way, I’m Prince. Prince Montecarlo.”

Sandali syang nahinto sa pagaalis ng maskara nya nang madinig ang pangalan ng lalaki.

“Malapit nang magmidnight at kanina pa tayo magkasama, di ko manlang pala natatanong ang pangalan mo” napakamot pa sa batok ang lalaki habang tinatanggal pa din ang maskara.

Kung nagulat sya sa pangalan ng lalaki ay mas nagulat sya sa sinabi nito na malapit nang magmidnight. “Ano kamo? Malapit nang magmidnight? Patingin nga?” hinila pa nya ang braso ng lalaki para tignan ang orasan.

“Oo. Kaya pwede ko na bang malaman ang pangalan ng misteryosang babaeng kasayaw ko buong gabi?” nakangiti pa ito.

Pero wala na ang atensyon nya sa lalaki. Sinilip nya ang loob ng ballroom at tila may hinahanap. “Naku po, umalis na pala sila” taranta nyang sabi.

“Sino? Sinong sila?” takang tanong ng lalaki sa kanya sabay silip din sa loob ng ballroom.

“I’m sorry Prince. Pero kailangan ko nang umalis e” di na sya mapakali.

Halata ang pagkagulat sa mukha ng lalaki. “Ano? Aalis ka na? Pero bakit? Bakit biglang bigla naman?”

“Basta e!” at nagmamadali syang pumasok sa loob ng ballroom pero nahila pa ng lalaki ang kamay nya.

“Teka sandali! Hindi mo manlang ba sasabihin sa akin ang pangalan mo? Kung san ka nakatira? Kahit ang number mo, paano kita makokontak?” malungkot nyang tanong habang hawak nya ang kamay ng dalaga.

Nakatingin lang siya sa mga mata ng lalaki. Gusto nyang sagutin ang mga katanungan ng kausap pero mas nananaig ang takot na nararamdaman nya. Kaya binawi nya ang kamay sa lalaki at mabilis na tumakbo papalabas ng ballroom.

Hirap na hirap sya sa pagtakbo dahil sa mataas na heels dagdagan pa ng maskara na suot nya. Kaya hinablot na nya ito kahit magulo pa ang buhok nya. Nalaglag ito sa hagdanan. Babalikan pa sana nya ito pero nakita nyang nakasunod ang lalaki sa kanya kaya hinayaan na lamang nya ito. Pagdating nya sa parking lot ay nakita nya agad ang sasakyan at ang kaibigang naghihintay sa kanya. Mabilis syang sumakay at pinaandar na iyon ng kaibigan nya.

Hinabol nya ang babae. Pero mabilis iyong nakatakbo. Nanlulumo sya na napahinto sa pagtakbo dahil ni hindi man lamang nya nalaman ang pangalan ng babae. Hawak ang maskara nyang sa wakas ay nahubad na nya ay napatingin sya sa hagdanan at nakita nya ang isang maskara. Pinulot nya iyon. Iyon ang maskara ng misteryosong babae. Biglang may nalaglag na isang bagay mula doon. Pinulot nya iyon at nakitang isa iyong diamond earring pero isang paa lamang.

Napabuntong hininga sya. “Sino ka ba?” nailing pa syang pinamulsa ang maskara at ang hikaw.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon