CHAPTER FORTY FIVE

4.1K 69 4
                                    

CHAPTER FORTY FIVE: Bad Karma

"Attorney...pwede ko po bang makausap muna kayo ng sarilinan?" mahina at malungkot na tanong ni Cinderella.

"Of course hija."

Pumasok muna sila Cinderella at nagpunta sa loob ng Study room para makapagusap ng maayos. Samantalang naiwan naman ang iba sa sala.

"Uhm excuse me lang po. Gusto nyo po bang magdala ako dito ng kahit anong makakain o maiinom?" nag~aalangang tanong ni Doris.

"Do you think makakakain pa kami after all that happened? My gosh Doris mag~isip ka nga!" galit na sita ni Annie.

Tumaas ang kilay nina mama Renee, Jessie at Doris.

"Sabagay ako man yung guilty talagang hindi rin ako makakakain" pasaring ni Jessie.

"And because of that, I think I want something to drink. Jessie lets go? Mabuti pa sumama na lang tayo kay Doris sa kusina baka mas fresh ang hangin dun" sarkastikong sabi ni mama Renee.

Nagpunta muna ang tatlo sa kusina. Samantalang ang mag~iina ay naiwan sa sala na parang mga manok na napeste.

"Mama what are we going to do now?" parang batang tanong ni Annie.

Umiling ang nakatatandang babae. "Hindi ko alam. Hindi ko alam."

Walang anu~ ano ay tumawa ng malakas si Giselle. Nagtaka naman ang dalawa.

"And what seems to be funny Giselle?" inis na tanong ni Annie.

"Nakakatawa ang sinapit natin ano? Noong mga nakaraang araw lang para tayong mga reyna at prinsesa na nakahiga sa limpak limpak na kayamanan at luho. But look at us now? Parepareho tayo ngayong nakatakdang matulog sa malamig at maruming sahig ng bilibid! What an irony!" pang~uuyam ni Giselle sa sitwasyon nila.

Natahimik naman ang dalawang kaharap.

"Alam nyo kung kaninong kasalanan to? Sa ating tatlo! Ang tawag sa mga nangyayaring ito ay isang malaking karma! Nakakarma na tayo dahil sa lahat ng kasamaang ginawa natin sa isang tao na walang ginawa kung hindi magpakita ng kabutihan at tratuhin tayo ng parang tunay na pamilya! Sa halip kasi na magpasalamat tayo eh umabuso pa tayo. Hinangad pa natin ang isang bagay na hindi naman atin! Naging mga sakim tayo!" magkahalong galit at lungkot na pahayag ni Giselle.

Nangingilid ang luhang natahimik lang si madam Gretta.

"Walang ginawa sa atin si Cinderella at si papa Arnulfo kung hindi patuluyin tayo sa tahanan nila, alagaan tayo at tanggapin tayo ng buong~buo. Pero ano ang iginanti natin? Wala! Sa halip minaltrato pa natin si Cinderella! Kay hindi ko masisisi si Cinderella kung ipatapon tayo sa loob ng bilangguan kasama ang mga daga at ipis!" nalngingilid na din ang luha ni Giselle.

"Ngayon isa na lamang ang kailangan at dapat nating gawin... Ang humingi ng tawad kay Cinderella at umasang hindi na nya tayo ipakulong."

Ilang sandali pa ay lumabas na si Cinderella at Attorney Vergara mula sa study room. Sakto namang pabalik na rin sina mama Renee.

“Uhm...nakapagdesisyon na si Cinderella” seryosong sabi ng abogado.

Napalunok pa si Cinderella bago magsimulang magsalita. Halatang pigil na pigil rin ang pag-iyak nya.

“Mama Gretta, Ate Annie, Ate Giselle...sa mga nalaman ko ngayong araw na ito...aaminin ko sa inyo. Sobra akong nasaktan. Yung mga ginawa nyo sa akin noon, kaya kong...kinaya kong tanggapin at tiisin dahil para sa akin ang mahalaga kasama ko kayo. Mayroon akong pamilya. Pero nang malaman kong pati pala ang kompanyang itinayo at minahal ng mga magulang ko ay nagawa nyo pa ring pagsamantalahan, sobra na yun!” umiiyak na pahayag ni Cinderella.

Nagulat sila dahil sa unang pagkakataon ay narinig nilang magtaas ng boses si Cinderella.

“Tinanggap po kayo ng ama ko nang buong puso. Minahal kayo bilang isang tunay na pamilya. Pero bakit nagawa nyo pa rin pagnakawan ang kabuhayan na pati po kayo ay nakikinabang? Hindi pa po ba sapat lahat ng kaginhawahang tinamasa nyo? Hindi pa po ba sapat lahat ng pagpapahirap nyo sa akin? Bakit kailangan nyo pa pong gawin yun?!” masama ang loob na sabi ni Cinderella.

Ang mag-iinang Gretta ay pawang mga nakayuko. Si Giselle ay walang patid ang mga luha gayun din sina Jessie. Lumapit pa si mama Renee kay Cinderella para pakalmahin.

“Naging mahirap po ang desisyon kong ito. Nagtatalo po ang isip at loob ko kung ano po ba ang dapat at tama kong gawin. Pero kahit ano po ang maging desisyon ko isa pa rin po ang nangibabaw sa akin...iyon po ay ang tinuro sa akin ng mga magulang ko. Na lahat ng tao ay may pag-asang magbago. At naniniwala po ako na sa kabila po ng mga ginawa ninyo...matututo rin po kayong makita ang mga kamalian nyo at magsisi. Naniniwala din po ako na lahat ng tao ay may karapatang mapatawad sa mga nagawa nilang kasalanan. Sa ngayon po hindi ko po alam kung kaya ko na po kayong patawarin. Pero bilang pagtupad po sa ipinangako sa mga magulang ko, sa kabila po ng lahat ng nagawa ninyo sa akin, para po sa akin kayo pa rin po ang ikalawa kong ina at mga kapatid. At sa maniwala po kayo o hindi mahal ko pa rin po kayo. Kaya...hindi ko po kayo ipapakulong” mahaba at emosyonal na pahayag ni Cinderella.

Umiiyak na napahawak si madam Gretta sa kamay ni Cinderella. “Naku Cinderella, maraming salamat! Maraming salamat talaga! At sorry. Sorry sa lahat ng mga nagawa namin sa’yo. Napakabuti mo talaga!”

“Pero...hinihiling ko po sana na...umalis na po kayo dito” malungkot na sabi ni Cinderella.

Nagulat ang lahat sa desisyon ni Cinderella.

“Pinapaalis mo na kami dito?” mahinang tanong ni Annie.

“Hindi ko na alam kung kaya ko pang...kung kaya ko pang makasama kayo. Sa kabila nang lahat ng mga nangyari. Sige po aakyat lang po ako sa kwarto ko” malungkot at punung puno ng sakit na pagpapaalam ni Cinderella.

Naiwan ang mag-iina na mga nanlulumo.

“Actually, may isa pang pinasasabi si Ms Buenavista. Aside from hindi na nya kayo kakasuhan, ay lahat ng nasa accounts ninyo ay hindi nyo na kailangang isauli” tila di makapaniwalang sabi ng abogado.

“What?! You mean lahat ng kinuha nila sa company ay sa kanila na? I really can’t believe Cinderella!” gulat na sabi ni Jessie.

“Ginawa ni Cinderella yun?” di rin makapaniwalang tanong ni madam Gretta.

“But...you also have to leave the company. From now on, Ms. Cinderella Buenavista will be the sole owner of Ever After. And everything will be in effect as soon as possible.”

“Kailangan na naming iwan ang bahay at ang kompanya? Paano na kami?” tanong ni Annie.

“Actually hija, kung tutuusin you must be thankful to Cinderella. Dahil kung ibang tao ang ginawan nyo ng ganun, or ako na lang, baka hindi lang yan inabot nyo. Baka ngayon palang kinakaladkad ko na kayo palabas ng bahay na’to or humihimas na akyo ng malamig na rehas. I really can’t believe Cinderella. Tignan nyo nga kung gaano kabuting tao ang ginawan nyo ng masama? You should be ashamed of yourselves” pailing iling na sabi ni mama Renee.

“Mama Renee, aakyatin ko lang po ang friendship ko ha? I’m sure masamang masama ang loob nun” paalam ni Cinderella bago tuluyang umakyat sa kwarto n Cidnerella para damayan ang kaibigan.

“So I guess, I’m done with my duties for today. Mrs. Buenavista, I’ll just see you tomorrow for the rest of the paper works?” tanong ng abogado.

Tanging nanlalatang tango lang ang isinagot ng matandang babae.

“I’ll see you to the door Attorney” sabi ni mama Renee nang ihatid ang abogado palabas ng pintuan.

“Paano na tayo ngayon mama?” parang batang tanong ni Annie.

“Ate Annie, alam mo hindi nga ako kasing ganda at talino mo. Pero I’m sure hindi rin ako kasing manhid mo! Pasalamat na lang tayo at hindi tayo pinakulong ni Cinderella. Paano mama, aakyat lang ako para simulan nang iligpit ang mga gamit ko. Ate tawagin mo lang ako sa kwarto kapag kailangan mo ng tulong sa pagiimpake ha?” pang-uuyam ni Giselle sa kapatid.

Naiwan si madam Gretta at Annie na iyak ng iyak at sising sisi sa mga nagawa nila.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon