CHAPTER FORTY SEVEN

4.5K 74 0
                                    

CHAPTER FORTY SEVEN: Glass Shoes

 “Saan ba talaga tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Cinderella kay Charlie.

“Basta. Just trust me okay? It’s a surprise” malambing na sagot ni Charlie sa dalaga habang nagdadrive.

“Alam mo ang dami mong arte ngayon. May pasurprise surprise kapa talaga ha?” natatawang sabi ni Cinderella.

Ilang sandali pa ay itinabi ni Charlie ang kotse sa gilid ng kalsada.

Napagmasdan ni Cinderella ang lugar kung saan sila huminto. Naging seryoso ang mukha nya nang makilala ang lugar. “Bakit tayo nagpunta dito?”

Hinawakan ni Charlie ang kamay ng dalaga at tinitigan sa mga mata saka marahang ngumiti. “May dadalawin lang tayo. I know that you really missed them. And I think it’s time for you to introduce me to them. Let’s go?”

At marahan ding sumilay ang matipid na ngiti sa magagandang labi ni Cinderella. Magkahawak kamay silang naglakad sa pathway. Malakas at malamig ang ihip ng hangin sa tahimik na lugar na iyon.

Ninanamnam ni Cinderella ang tahimik at payapang paligid. Kabisado nya ang lugar na iyon. Sa tuwing nalulungkot sya at sa tuwing masaya sya, doon sya nagpupunta.

“Are we here yet? Is this the place?” tanong ni Charlie.

“Tignan mo tong taong to. Sya ang mag-aaya pero di pala alam ang kung saan talaga pupunta” wari pang inirapan ni Cinderella ang nobyo. Inilabas nya ang isang lumang susi sa loob ng bag nya saka binuksan ang malaking gate ng museleo.

Tahimik silang naglakad sa harap ng dalawang puntod na gawa sa marmol. Nakasulat doon ang pangalan ng mga magulang ni Cinderella.

Kumuha si Cinderella ng dalawang kandila at itinulos iyon sa candle holder na naroon saka sinidihan. Paluhod syang naupo sa harap ng mga iyon. Di na nya iyon pinagpag dahl malinis naman. Regular nya iyong dinadalaw at pinapapaalagaan din nya ang lugar kasama ng mga naggagandahang mga halaman sa paligid noon. Mahilig kasi sa halaman at mga bulaklak ang mga magulang lalo na ang ina kaya pinataniman nya iyon ng iba’t-ibang uri ng orchids na isa sa mga pinakapaboritong bulaklak nito.

Tinapik ni Cinderella ang tabi nya para paupuin si Charlie pero di pa rin umupo ang binata.

“Upo ka oh” aya niya sa lalaki.

Umling lang si Charlie.

Nagtaka si Cinderella. “Don’t tell me natatakot ka?”

“Of course not. I just don’t think it’s proper for me to sit in front of them.”

Napataas lang ng kilay si Cinderella dahil di nya maintidihan ang sinabi ng lalaki.

“You’re not yet introducing me to them properly” halos pabulong na sabi ni Charlie.

“Ha?! Hay naku ikaw talaga. Papa, Mama, pinapakilala ko po sa inyo si Prince Charlie Montecarlo. Boyfriend ko po” hinawakan pa nya ang kamay ni Charlie.

Yumukod pa si Charlie sa harap ng dalwang puntod. “Good morning Mr. and Mrs. Buenavista, pasensya na po kayo, pasaway po itong anak nyo eh di ako pinakilala agad sa inyo.”

Napanganga pa si Cinderella sa narinig at saka pigil na pigil ang tawa.

“Anyway sir, madame, I actually came here today to talk to you about your daughter, Cinderella” seryosong sabi ni Charlie na para talagang may kausap.

Si Cinderella naman ay nagulat na nagtataka sa inaakto ng kasintahan. Para itong di mapakali, aakalain mo tuloy na kaharap talaga ang mga magulang nya.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon