CHAPTER SEVEN: New Found Friend
“So friend, ano nagparamdam naba sa’yo uli si Charlie?” tanong ni Jessie minsang nagkaayaan sila ni Cinderella na mamasyal sa park. Nakadekwatro pa si Jessie habang prenteng nakasakay sa sidecar ng bisikleta.
Naihinto bigla ni Cinderella ang pagdadrive dahil nagulat sya sa tanong ng kaibigan. Nakakunot ang noong tinignan ang kaibigan. “Bakit naman sya magpaparamdam? Multo ba sya?”
Waring inirapan pa ni Jessie ang kausap. “Ang ibig kong sabihin, tumawag na ba sya o nagtext manlang?”
Lalong naguluhan si Cinderella. “Bakit naman nya ako tatawagan o itetext? Di naman kami close. Saka di naman nya alam ang number ko” ngumiti pa sya ng bahagya.
“Meron kaya!” malakas na sabi ni Jessie.
Tinabi muna ni Cinderella ang bisikleta dahil nakahinto sila sa gitna ng daan. “Teka paano naman sya magkakaroon ng number ko e hindi ko naman binigay yun sa kanya?”
Ngumiti ng matamis si Jessie sabay papungay ng mata na halatang may ginawang kalokohan.
“Don’t tell me binigay mo sa kanya yung number ko?!” gulat na tanong ni Cinderella.
“Eh…hiningi nya eh. Di ko naman sya matanggihan kasi paano mo naman matatanggihan yung ganun kagwapo” kinikilig pang sabi ni Jessie.
“Ikaw talaga, nangitian ka lang nung tao eh para ka nang hibang dyan” natawa pa sya sa itsura ng kaibigan.
“Di naman sa ganun friend! Nakilala mo na naman yung tao, mukha namang mabait saka mukha namang desente. Saka number lang naman yun eh. Pwede mo namang di sagutin pag tumawag sya o nagtext. Pero kung ako yun sasagutin ko agad yun” nakangiti pang sabi ni Jessie.
Nagkibit balikat si Cinderella. “Sabagay may point ka naman dun. Saka tignan mo nga halos isang linggo na rin nung huli natin syang nakita pero di naman sya tumawag or nagtext.That means he’s not interested.”
Naningkit pa ang mata ni Jessie nang may panunukso. “Eh bakit parang disappointed ka?”
“Naku Jessie ah! Ayan na naman yang wild imaginations mo!” nagblush pa si Cinderella saka pilit na tumawa.
“Bakit nagbablush ka? Uy! Ang friend ko may crush na!” panunukso pa ni Jessie.
Lalong namula si Cinderella. “Ano ka ba? Crush ka dyan! Hindi no! Hindi ko sya type no! Kahit sabihing pang gwapo sya!”
“Sinong gwapo? Ako ba ang pinaguusapan nyo?” biglang sabi ng lalaki mula sa likuran ni Cinderella.
Tila nanigas si Cinderella sa pagkarinig ng boses na iyon. Samantalang si Jessie naman ay pigil-pigil ang pagtawa.
“Hi Jessie, hi Cinderella! Kumusta?” at nginitian nya ng ubod ng tamis ang dalaga.