CHAPTER FIFTEEN: Ice Cream
(Now playing: Just The Way You Are by Bruno Mars)
"Here's your ice cream! Cheese flavor as you wished my lady" inabot ni Charlie ang isang ice cream cup saka naupo sa damuhan sa tabi ni Cinderella.
Naroon sila sa paborito nilang pwesto sa park na lagi nilang pinapasyalan habang nakatingin sa man made lagoon kung saan maraming namamangkang magkakapamilya, magkakabarkada at mga lovers.
"Thank you...hay naku inindian na naman tayo ng mga magagaling nating mga kaibigan" napangiti pang sabi ni Cinderella kay Charlie.
"Naku bayaan mo na. It looks like they really fell head over heels with each other" napangisi naman si Charlie sabay subo ng kanyang ice cream.
"Mukha nga. At dahil dun lagi nalang silang may sariling lakad. Ikaw tuloy ang laging naiiwan at napipilitan para samahan ako. Lagi ka tuloy nabobored" isang mahiyaing ngiti ang ibinigay nya kay Charlie at sinimulan na ring kainin ang ice cream.
"Sino namang may sabi na nabobored akong kasama ka at lalong sinong may sabi na napipilitan lang ako?" bahagya pang inilapit ni Charlie ang mukha para silipin ang mukha ng nakayukong si Cinderella.
"Eh kasi lagi nilang tayong iniwanan. Saka alam ko namang di ako enjoy kasama. Saka I'm sure kung may choice ka mas pipiliin mong iba na lang ang kasama mo" nahihiyang sagot ni Cinderella na nakayuko at di makatingin kay Charlie.
Kumunot ang noo ni Charlie habang pinagmamasdan ang pagbablush ng kausap. "At sino naman sa tingin mo ang gusto kong kasama?"
Hindi agad nakasagot si Cinderella dahil di sya sigurado sa gusto nyang isagot. Napakibit balikat pa sya.
"Well?" naghihintay si Charlie ng sagot.
"I don't know. Maybe...maybe your girlfriend?" huli na para bawiin ni Cinderella ang nasabi kaya napapikit nalang sya.
Biglang napatawa si Charlie ng malakas na ikinagulat ng dalaga. Kaya tinignan nya ang lalaki ng may pagtataka.
"Bakit ka natawa? May nakakatawa ba sa sinabi ko?"
Napailing lang si Charlie habang napabuntong hininga. "Wala lang. Nakakatawa lang kasi eh."
"Ano ngang nakakatawa dun?" tinulak pa nya ang balikat ni Charlie.
Napabuntong hininga si Charlie. "Do you think I'll be with you today and all the other times if I have a girlfriend? Baka naman ikaw ang nabobored na kasama ako kaya gusto ko mo na akong itaboy?" pabiro pang sabi ni Charlie.
"Hindi ah! Ikaw pa! Ang saya mo kayang kasama! Walang dull moment kapag ikaw ang kasama ko" parang nagulat si Cinderella sa sinabi nya.
"Talaga? So nageenjoy kang kasama ako?" lalo pang inilapit ni Charlie ang mukha sa dalaga.
"Ha? Uh...oo...oo naman. Ang kengkoy mo kaya!" muli ay hinampas nya ang balikat ng katabi para bahagyang ilayo ito dahil pakiramdam nya ay ang lakas ng kabog ng dibdib nya sa lapit nito.
"Baka naman kaya ayaw mo na ako kasama kasi baka nagagalit na ang boyfriend mo kasi ako ang lagi mong kasama?" seryosong tanong ni Charlie habang titig na titig sa mukha ni Cinderella.
"Wa...wala naman akong boyfriend no. Saka...saka sino namang magkakagusto sa isang tulad ko? Pag tinabi nga ako sa mga kapatid ko tiyak ko magmumukha lang akong alalay nila eh" mahina pa syang pilit na tumawa sa sarili.
Lalong naging seryoso ang mukha ni Charlie sa sinabi ni Cinderella. Hinawakan nya ang dalawang kamay nito. "Cinderella, for how many times do I need to tell you that you're a much better person than what you think you are? You're smart, you have a very wonderful personality, and you're very pretty. Especially when you smile, everyone around you start to smile too because you have a very contagious smile. Every guy would be so lucky to have you as his girlfriend."
