CHAPTER THIRTY: Good Night Kiss
(Now playing…Fallng in Love by Six Part Invention)
“So…birthday mo pala di mo manlang sinabi” mahinang sabi ni Cinderella habang nas sasakyan sila at pauwi na.
“Ha? Eh hindi naman masyadong big deal yun eh” kibit balikat na sabi ni Charlie habang nagdadrive.
“Anong hindi big deal? Birthday kaya yun. Saka nakakahiya, di manlang ako nakapagready ng gift sa’yo” nahihiyang sabi ng dalaga.
“Sus, di na naman kailangan yun. Being with you today is more than enough for me” seryosong sabi ni Charlie ngunit may maliit na ngiti sa sulok ng kanyang mga labi. Sinulyapan pa nya ang katabi.
Si Cinderella naman ay nagblush sa tinuran ng binata kaya di agad nakasagot.
“And seeing you with my friends while helping and playing with the kids is one of the most precious gifts I could ever receive on any occasions of my life” seryosong dagdag pa ni Charlie na mas lalong nakapagpapula ng psngi ni Cinderella.
“Masarap naman kasi sa pakiramdam yung makatulong at makapagpasaya ng mga nangangailangan eh” nakangiting sabi niya.
“I remember the time when I saw you on that charity event. Naalala mo ba yun?” tanong ni Charlie.
“Of course, it’s the second time I saw you” sagot naman ni Cinderella na napangiti din.
“Yes. I remember exactly how you looked while giving foods to those kids” napangiti si Charlie habang inaalala yung mga panahon na yun.
“Bakit? Ano ba ang itsura ko? Siguro mukha akong super haggard ano kaya ka nakangisi noon?” wari pang tampo ni Cinderella.
“No! It’s not like that! Actually…you look so cute then with your black t-shirt and braids. Naalala ko lang kasi how you really cared for those poor kids, with how you gave them an encouraging smile while giving them packs of spaghetti” kwento pa ni Charlie.
Si Cinderella naman ay hindi maitago ang tuwang nadarama dahil sa mga sinabi ni Charlie lalo pa at naalala pa nito ultimo ang suot at itsura nya noon.
“Well, they needed encouragements for their spirits as well as foods for their stomachs” sinserong sabi ni Cinderella.
Napatingin si Charlie kay Cinderella at napangiti. “Now that’s what I really love about you.”
Nagulat si Cinderella sa salitang ginamit ni Charlie. ‘Tama ba ang narinig ko? What he really loves about me? Hay naku Cinderella, walang ibang meaning yun!’ saway nya sa sarili.
“Hey, tahimik ka dyan?” untag ni Charlie sa natulalang katabi.
“Ha? Ah…eh…napagod lang siguro ako” pagdadahilan nya.
“Naku pasensya ka na ha napagod ka tuloy kagagaling mo nga lang pala sa sakit” napakamot pa sa batok na sabi ni Charlie.
“Ano ka ba hindi naman sa ganun. Kahit nakakapagod eh masaya naman. Nandito na pala tayo!” ang sabi ni Cinderella nang makita ang bahay nila.
Iginilid ni Charlie ang kotse at bumaba para pagbuksan ng pinto si Cinderella. Sakto namang paglabas ni Cinderella ay parating ang kotse nila sakay ang mag-iina. Binuksan ng madrasta nya ang bintana ng kotse.
“Cinderella, saan ka nanggaling?” mataray na tanong nito.
“Ma…may pinuntahan lang po kami ni Charlie” sagot ni Cinderella.
“Good evening ma’am, I’m Charlie. I just asked Cinderella to accompany me. Sorry po kung ginabi na kami?” magalang na sabi ni Charlie sa matanda.