CHAPTER SIX: On Bended Knees
“Oops!” sigaw ng lalaki nang masalo nya ang dalawang bote ng tubig.
Ibinaba na ni Cinderella ang iba pang dala sa bleachers.
“Heto ang water mo miss” inabot iyon ng lalaki.
“Thank you po” nakangiting sabi ni Cinderella sa lalaki. Laking gulat nya nang mag-angat sya ng paningin.
“Hi miss! What a very pleasant surprise seeing you here!” todo ang ngiti nito na nagpalabas sa magagandang ngipin nito.
“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” masungit nyang tanong.
“Doing the same job, I guess? And I can see you’re still doing the same thing too” nakangiti pa din nitong sabi.
Si Cinderella naman ay napakunot ang noo sa ibig sabihin ng lalaki.
“Throwing foods” simple nitong sabi.
“Excuse me? I’m not throwing away foods. They just accidentally slip and fall from my hands! At sa pagkaalala ko hindi ko naman nahulog yung pagkain ko noon. Nagkataon lang na may isang aroganteng lalaki na bumunggo sa akin kaya natambak yun sa damit ko” sarkastikong sabi ni Cinderella.
“Oh! I can see that you’re still the same spitfire! And I can also see that spaghetti is your favorite” nang-iinis pa rin pero may pagkacute na ngiti nito.
“It’s none of your business! And can you just please leave me alone? So I can enjoy my favorite spaghetti?” ngumiti din si Cinderella pero may halong pagkainis sabay upo sa bleachers.
Bumuntong hininga ang lalaki at napailing sa reaksyon ng dalaga. Sa halip na umalis ay naupo sya sa harap ni Cinderella.
Tinaasan sya ng kilay ng dalaga.
“Seriously miss. I’m just here to apologize for the last itme. I’m really sorry. I don’t mean to be arrogant and fresh. It’s just that, I found you…cute” tila nabigla pa sya sa huli nyang sinabi.
Si Cinderella naman ay hindi pa din sumasagot pero halatang nabigla sa sinabi nitong cute sya.
“What I mean is…ang…ang cute mo kasing mainis” tila unsure nitong dugtong sa sinabi nya.
“Ano?! Nacutan ka lang sa akin habang naiinis ako sa iyo? Ganun lang? Kaya ininis mo ako lalo” di makapaniwala si Cinderella sa narinig.
“Look miss, I hope you can find in your heart to forgive me? I’m really sorry? Saka nakita ko naman na mabuti kang tao lalo na kanina habang incharge ka dun sa foods. Please? Ilang gabi na kong di makatulog sa kaiisip sa’yo” with matching puppy dog eye.
“Ano kamo? Hindi ka makatulog sa kaiisip sa kin? At bakit naman?!” mas shock na tanong ni Cinderella.
Nagulat din ang lalaki sa sinabi nya. “Ang ibig kong sabihin…ano lang…kasi nga hindi ako nakahingi ng maayos na sorry sa’yo. At umalis kang inis sa akin. Ayoko pa namang may naiinis sa akin.”
“So? Am I forgiven? Please? You want me to get down on my knee and beg for your forgiveness? I’ll do it!” aktong luluhod na ang lalaki.
“Teka! Anong ginagawa mo dyan? Tumayo ka nga dyan! Ano ka ba nakakahiya sa mga tao! Tumayo ka dyan!” mahina pero tarantang uto ni Cinderella.
“Not until you forgive me” at nakaluhod pa rin sya sa harap ni Cinderella.
“Ano ka ba? Ano ‘to sapilitan? Sige na sige na! I forgive you! Now stand up!” namumula na siya sa hiya.
“Talaga? Totoo bang pinapatawad mo na ako?” hindi pa rin sya tumatayo.
“Oo na nga e. Sige na tumayo ka na dyan!”