CHAPTER THIRTY FIVE: The Lost Pair of Shoe
Kinabukasan ay wala nang pinalampas na oras pa si Charlie. Agad syang sumakay sa kotse nya at handa na syang pumunta kay Cinderella para ipagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman.
Bago nya paandarin ang kotse ay naisipan nyang tawagan si Phillip para sabihin ang binabalak. Hinanap nya ang cellphone sa mga bulsa, ngunit may nakapa syang isang kahon sa bulsa ng jacket nya. Dinukot nya iyon. Isa iyong jewelry box na kulay asul. Binuksan nya ang maliit na kahon at nagulat nang makita roon ang isang paa ng hikaw na nalaglag sa misteryosang babae.
Hinawakan nya ang hikaw at tinitigan nya ito. Bigla nyang naalala ang mahiyaing pagngiti ng babae at ang mga mata nitong may kislap. May kung anong damdamin syang naramdaman ngunit nang mga oras na iyon ay bigla ring pumasok sa isip nya ang mga ngiti at ang magagandang mga mata ni Cinderella.
Isang paghahambing sa isip nya ang nabuo. May kung anong kaba ang bigla nyang naramdaman sa pagalala sa dalawang babae.
“Nagpunta si Cinderella sa ball pero di ko sya nakita and on that same night I saw that mysterious girl. Hindi kaya…” muli nyang ibinalik ang hikaw sa kahon saka pinamulsang muli.
“Hello?” sagot ni Phillip sa kabilang linya.
“Phillip, I’m going to Cinderella’s right now. And I’m going to tell her everything…including my real feelings for her!” derederetsong sabi ni Charlie sa kaibigan.
“What?! Really? Well good luck bro! I’ll follow…” hindi pa tapos magsalita si Phillip ay binaba na ni Charlie ang telepono at pinaandar agad ang sasakyan.
“Mang Ador nandyan po ba si Cinderella?” tanong ni Charlie sa matandang driver ng pamilya Buenavista.
“Prince Charlie Montecarlo? Naku po eh…ano kasi eh…” hindi alam ni Mang Ador ang isasagot dahil nabigla sya sa biglang pagsulpot ng binata.
“Please Mang Ador, kailangan ko po syang makausap?” pakiusap ni Charlie.
Biglang lumabas ang mag-iinang Gretta. Nang makita nila si Charlie ay tila nakakita sila ng paborito nilang artista. Mga hindi magkandatuto.
“Mang Ador! Ano ba’t hindi mo pinapapasok si Prince? Buksan mo ang gate ngayon din!” utos ni madam Gretta.
“Opo madam” sumunod ang matanda at binuksan ang gate para papasukin si Charlie.
“Pumasok ka hijo. Naku natutuwa naman ako at napadalaw ka!” excited na salubong ni madma Gretta.
“Good morning ma’am. Gusto ko lang po sanang makausap si Cinderella?” magalang na sabi ni Charlie.
“Si Cinderella? Uhm, wala sya ngayon dito. Umalis nang hindi nagpapaalam eh. Hindi ko alam kung anong oras yun babalik” may pagkadisgustong sagot ng matandang babae.
“Ganun po ba? Sige po at siguro po babalik na lang po ako sa ibang araw” pagpapaalam ni Charlie.
“No hijo, maupo ka muna. Doris! Doris!” pilit na pinaupo ni madam Gretta si Charlie sa sofa.
“Ano po iyon madam?” nagmamadaling tanong ni Doris.
“Ipaghanda mo nga si Prince ng makakain!” utos niya kay Doris.
Nagulat pa si Doris nang makita si Charlie.
“Ano pang ginagawa mo? Bakit di ka pa kumilos dyan?” mataray na sabi ni madam Gretta.
“O…opo” mabilis na tumalima si Doris.
“Naku pasensya ka na hijo sa mga tulala naming mga katulong dito. Sa totoo lang kung hindi lang sila binilin ng yumao kong asawa eh matagal ko na silang pinalitan” mapagpanggap na nakangiting sabi ng matandang babae.