CHAPTER FORTY TWO

4.6K 65 0
                                        

CHAPTER FORTY TWO: The Evil Step Sister

“Cinderella! Please let me in? Just listen to me first, please?” pagmamakaawa ni Charlie sa labas ng kwarto ni Cinderella.

Si Cinderella naman ay nakaupo lang sa kama nya at iyak nang iyak. Paulit-ulit na nagrerewind sa isip nya ang eksenang naabutan nya. Nakayakap si Annie sa balikat ni Charlie. Samantalang hawak naman ni Charlie ang braso ni Annie. At akmang maglalapit na ang mga labi nilang dalawa. Nang makita nya iyon ay paulit-ulit din nyang naririnig muli ang mga sinabi sa kanya ni Annie.

“And if I were you, pagsusuotin ko si Prince ng helmet at baka bigla na lang mauntog at marealize na hindi ka pala nababagay sa kanya. Dahil mas bagay sa kanya ang isang babae na classy, sosyal, at maganda hindi isang…manang.”

Naiisip nyang paano kung tama ang ate Annie nya? Paano kung isang araw ay bigla na lamang magising si Charlie sa katotohanan na hindi isang tulad nya ang nababagay sa binata. Hindi isang simple at ordinaryong babae ang nababagay na makasama nya kung hindi isang babaeng kayang makipagsabayan sa estado at katayuan nya sa buhay.

“Love, please listen to me? It’s not what you think!” sigaw uli ni Charlie.

Nilapitan pa sya ni Doris. “Sir Charlie, teka subukan ko ha? Ella! Pwedeng kausapin mo na si Sir Charlie?”

Pero hindi pa rin sumasagot si Cinderella.

“Ate Doris, nakita mo naman siguro yung nangyari diba? Alam mo namang hindi ko kayang gawin yun kay Cinderella, right?” tila naghahanap ng kakampi si Charlie.

Ngumiti lang si Doris. “Oo naman. Alam ko namang hindi mo magagawa yun kay Ella lalo pa at kay Annie. Alam ko na kung bakit ganyan ang naging reaksyon nya sa nakita nya kanina sa inyo. Dahil siguro sa sinabi ni Annie noon.”

“Anong sinabi nya?” malungkot na tanong ni Charlie.

“Na baka daw isang araw eh magising ka na lang at maisip mo na hindi si Cinderella ang babaeng nababagay sa’yo kung hindi isang sosyal at magandang tulad nya” inis na kwento ni Doris.

Napabuntong hininga si Charlie sa magkahalng lungkot at inis kay Annie.

“Cinderella, you have to trust me. I will never do such thing to hurt your feelings, especially with a girl like Annie” malumanay na sabi ni Charlie.

“So ibig sabihin, pwedeng sa ibang babae?” biglang tanong ni Cinderella kay Charlie na may himig pagtatampo.

Nagulat si Charlie sa tanong ng dalaga, pero natuwa na rin sya dahil kinausap na sya nito.

“I’m sorry. Let me rephrase it. I will never do such thing to hurt your feelings, even with Annie or any other girl. Dahil ikaw lang ang gusto kong yakapin, ang mga labi mo lang ang gusto kong halikan, at ikaw lang ang tanging babaeng gusto kong mahalin. I love you Cinderella, you know that. So please trust me. At kung pwede, buksan mo na yung pinto? Gusto ko na kasing makita ang pinakamagandang babae sa buong mundo” malambing na sabi ni Charlie.

Si Doris naman ay kinikilig pa sa mga narinig kay Charlie. Marahang bumukas ang pintuan at dahan-dahang lumabas si Cinderella na may bahid pa ng luha sa mga mata.

“Bolero” mahina nitong sinabi kay Charlie.

Natawa naman si Charlie sa sinabi ni Cinderella. “Hindi kaya. Love, you have to trust me okay?”

Tumingala pa si Cinderella para makita ang magagandang mga mata ni Charlie. “I trust you, you know that. It’s Ate Annie I don’t trust.”

“Naku wag na nga nating pansinin yung step sister mo na yun. Panira lang ng moment yun eh! Mabuti pa, alis na lang tayo!” nakangiting aya ni Charlie.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon