CHAPTER THIRTY EIGHT: The Knight in Shining Armor
(Now playing…I’ll be by Edwin McCain)
“You know what my dear, you really deserve this big break!” pampalakas ng loob na sabi ni mama Renee sa inaanak.
“Sa tingin nyo po ba ninang talagang kaya ko na pong maglaunch ng sarili kong collection?” tanong naman ni Cinderella.
“Of course! Look at your designs! They all look so great! The public will surely love them!” sabi pa ng ninang nya habang binubuklat ang kanyang portfolio.
“Ewan ko po ba ninang, kinakabahan po kasi talaga ako eh” di pa rin kumbinsidong sabi ni Cinderella.
“Don’t worry anak, I will help you” nakangiting sabi ng matanda.
Ngumiti naman si Cinderella. “Thank you so much po ninang.”
Niyakap pa ni mama Renee ang inaanak.
Sa loob ng ilang lingo ay naging busy si Cinderella sa pagaasikaso ng kanyang binubuong collection. Balak nyang ilaunch iyon sa ilalim ng Ever After. Ang collections nya ay binubuo ng mga Sunday dresses, casual dress, formal to long gowns. At makikita sa mga designs nya ang pagiging feminine ng mga ito.
“Good afternoon beautiful!” sabi ni Charlie mula sa likuran ni Cinderella sabay halik sa pisngi ng dalaga.
“Beautiful? Saan galing yun?” natatawang tanong ni Cinderella.
“At bakit? Talaga namang beautiful ang girlfriend ko ah!” nakangiting sagot ni Charlie.
“Yeah right! Upo ka muna! Do you want anything?”
“No thank you. Aren’t you finished yet?” tanong ni Charlie sabay buklat ng ilan sa mga ginagawa ni Cinderella.
“Actually, I’m just about to finish. Just this one last stitch” sabi ni Cinderella sabay buhol ng sinulid sa inaadjust na damit.
At tinulungan pa sya ni Charlie sa paggupit ng sinulid.
“Thank you” malambing na sabi ni Cinderella sa boyfriend.
“Anything for you my Cinderella” pinindot pa ni Charlie ang ilong ng dalaga.
Kinunot naman ni Cinderella ang ilong nya at pinisil naman ang pisngi ni Charlie.
“Ligpit lang ako tapos alis na tayo okay?” tanong ni Cinderella sabay abot ng mga gamit sa ibabaw ng working table nya.
“Sure, I’ll help you. So are you ready for your fashion show on Friday?”
Napabuntong hininga pa si Cinderella. “I don’t know. Sana magustuhan ng public yung mga designs.”
“I’m sure they’ll do. Take a look, they are all beautiful. Every guy would love to see their girl wearing any of those dresses. And I’m not saying that just to get a kiss from my gorgeous and talented girlfriend” nakangisi pang sabi ni Charlie.
Mahinang napabungisngis pa si Cinderella. “Aww, you’re so sweet!”
“That’s why you love me.”
“You’re right! I’m done! Let’s go?” aya ni Cinderella kay Charlie.
“Wait!” pigil ni Charlie sa kamay ni Cinderella.
“Bakit?” nagtaka naman si Cinderella.
“Nasaan ang kiss ko?” with matching puppy dog eyes pa.
Natawa si Cinderella sa itsura ng lalaki. Bumalik sya at hinalikan si Charlie sa dulo ng ilong nito.
“Sa ilong?” nakangisi pang reklamo ni Charlie.
“Grabe ah! Ikaw demanding ka na ngayon ah!” natatawang sabi ni Cinderella.
“Joke lang. Sige na tara na nga!” hawak ang kamay na lumakad papunta sa pinto.
Natatawang hinila ni Cinderella pabalik si Charlie sabay mabilis na halik sa labi ng binata. Matapos noon ay derederetsong lumakad si Cinderella palabas ng pintuan. Naiwan ang nakatulalang si Charlie.
“Hey! Ano pang ginagawa mo dyan?” biro ni Cinderella na nakasilip sa pintuan.
Pailing iling na natatawa si Charlie. Napakamot pa sya sa batok nya habang sinasara ang pintuan ng workshop ng opisina ng kumpanya nila Cinderella.
Paglabas nila sa building ay agad na sumalubong sa kanila ang ilang media para kumuha ng kanilang litratong magkasama. Simula noong naging sila ay naging laman na rin silang dalawa ng mga tabloids at ilang entertainment news. Naging malaki rin kasing issue ang madalas na pagkakita sa kanilang magkasama matapos ang paglabas ni Charlie sa public eye.
Mabuti na lamang at may mga kasamang security si Charlie kaya kahit papaano ay madaling nacocontrol ang mga ito at hindi masyadong nahaharass ang dalawa lalo na si Cinderella.
********
“Oh ano hija, okay ka lang ba?” tanong ni Mang Ador nang ihatid niya si Cinderella sa opisina kinabukasan ng umaga para ihanda na ang mga damit na dadalhin sa venue ng fashion show.
“Okay na po ako mang Ador, sige po puntahan nyo na po sila mama baka hinihintay na po kayo” magalang na sagot ng dalaga.
“Oh sige, basta tumawag ka lang pag may kailangan ka pang ipadala dito ha?”
“Okay po. Salamat po! Ingat po kayo!” paalam ni Cinderella sa matandang lalaki.
Pumasok sya sa loob ng opisina. Paghawak pa lamang nya sa doorknob ay nagtaka na agad sya. Bukas iyon. Nagmadali sya sa pagpasok sa loob dahil may kung anong kaba syang naramdaman. Agad syang pumasok sa loob ng workshop nya. At laking gulat nya sa tumambad sa harap nya.
Ang mga manikin ay nakabagsak sa lapag. Ang ilang mga damit na huli nyang ginawa ay nakakalat sa semento. Ang kanyang mga luha ay unti-unting bumabalon sa kanyang mga mata. Sya man ay humandusay na sa lapag at isa-isang pinulot ang mga damit. Mas nadurog ang puso nya ng makitang ang mga damit ay gupit-gupit. Hindi na napigil ang mga luhang nag-uunahang pumatak. Yakap yakap ang mga damit na winasak ng kung sino mang walang pusong gumawa nun.
“Cinderella?!” malakas sabi ni Charlie na pumasok mula sa pintuan at agad na hinanap ang girlfriend.
Nakita nya si Cinderella na tahimik sa harap ng working table na puno ng mga sirang damit. Kitang-kita at ramdam na ramdam nya ang lungkot na nararamdaman ng dalaga sa mga sandaling iyon. Marahan syang lumapit dito.
“Cinderella” mahina nyang tawag dito.
Marahang tumingin sa kanya si Cinderella. At pagkakita pa lamang ni Cinderella kay Charlie ay di na nya napigil pa ang muling pagpatak ng mga luha.
Mabilis na lumapit si Charlie at niyakap ng mahigpit ang babaeng minamahal. “It’s okay now. I’m here. I’m here for you.”
“Charlie, anong nang gagawin ko? Bakit kailangang ngayon pa mangyari to? Ano bang ginawa ko para gawin nila sa akin to? Napakasama ko bang tao para pati ang simpleng pangarap ko ipagkait pa sa akin?” umiiyak pa ring tanong ni Cinderella.
“Sshh. Don’t say that. Stop blaming yourself. You didn’t do anything wrong” napahinga pa ng malalim si Charlie.
“Pero bakit nangyayari sa akin lahat to? Ano bang ginawa kong kasalanan?”
“It’s not you love. So stop crying, okay? We’ll think of something. I promise you that everything will be alright. I’m here for you honey, I’ll never leave you. I promise you that. Okay love?” buong pagmamahal na pag-alo ni Charlie kay Cinderella.
Punung puno ng sari-saring damdamin ang loob ni Charlie ng mga sandaling iyon. Galit para sa kung sino man ang gumawa ng napakasamang bagay na iyon sa nobya, awa kay Cinderella para sa lahat ng hirap na pinagdaanan nito para lang matupad ang pangarap nyang iyon, at lungkot dahil di nya alam ang gagawin para maibsan ang lungkot at sakit na nararamdaman ng kanayng pinakamamahal.
Nang mga oras na iyon ay tanging mahigpit na yakap at halik sa noo lang ang naisip nyang gawin para iparamdam kay Cinderella na hindi sya nag-iisa.
