CHAPTER FIVE

6.9K 81 0
                                        

CHAPTER FIVE: Charity Event

“Mga hija, you need to be there to represent our company. Kailangang makita ang presence natin sa event na yun” nakataas ang kilay na sabi ni Madame Gretta habang nagaapply ng eyeliner.

“But Mama, you know the place. It’s in the squatters area!” maarteng sabi ni Giselle

“That’s right mama! It’s so filthy there. And like there are so many madungis kids. Ewww!” tila namang diring-diring sabi ni Annie.

“Hay naku wag na muna kayong umarte dyan no! Kailangang nandun kayo kasi maraming press doon. Saka tiyak na marami ding mga mayayaman at sikat na tao dun, yung mga socialites, mga elitist, artista, politiko at iba’t-iba pa. At malay nyo dala-dala nila ang mga anak nilang mga binata” panenermon ng ina sa kanyang mga anak.

Nagkatinginan ang dalawang dalaga at nagkangitian. Biglang nagbago ang reaksyon at tila mas excited na sa lakad.

“Mama, ayos na daw po yung truck ng mga damit at groceries na dadalhin natin sa evacuation center” sabi ni Cinderella na sumilip mula sa pintuan ng kwarto ng madrasta.

“Ah ganun ba? E ikaw ayos ka na ba?” tanong naman ng matanda sa kanya.

“Opo mama. Sige po intayin ko na lang po kayo sa ibaba” at bumaba na si Cinderella palabas sa bahay.

“Mama, bakit kasama pa si Cinderella?” tanong ni Giselle sa ina.

“Kailangan sya doon” simpleng sagot ni Madame Gretta.

“But mama, what if sya ang makita ng mga gwapong anak ng mga mayayaman dun?” pamaktol na sabi ni Giselle.

“Luka! Sa tingin mo sa itsurang iyon ni Cinderella papansinin sya ng mga yun? Eh baka nga mas magaganda at sosyal pa ang mga maids nila kesa sa kanya e. Saka mainam nga na nandun si Cinderella eh” sabi ni Annie habang sinusuring maigi ang bagong manicure nyang mga kuko.

“Ano naman ang kinainam nun?” maarteng tanong ni Giselle.

“Look my dear little sister, while we pose for the camera and look so adorable and charitable, Cinderella on the other hand will do all the work for us. Unless, gusto mong careerin ang pagaabot ng relief goods” all knowing na sagot ni Annie.

Nagliwanag ang mukha ni Giselle sa explanation ng kapatid. “That’s right ate. You’re so smart talaga!”

Umirap pa si Annie.

“Kaya nga Giselle dapat manahin mo yang katalinuhan ng ate mo na nagmana sa akin. Ginagamit ang utak. Hindi yung puro paganda ka lang ng paganda! Naku tara na nga at baka abutin pa tayo ng traffic sa daan!” sermon ni madame Gretta sabay bitbit ng kanyang shoulder bag.

Pagbaba nila sa sasakyan ay agad silang pinagbuksan ng pintuan ni mang Ador. Isa-isang sumakay ang tatlo suot ang kanilang mga naggagandahang dresses at matataas na sapatos at kung todo make-up.

Samantalang si Cinderella ay nakasuot lamang ng isang simpleng maong na pantaloon, rubber shoes at black tee, nakatirintas lamang ang mahabang buhok at walang make-up. Tinulungan nya si Doris na bitbitin ang isang basket ng packed lunch para sa byahe nila.

Nilagay nila iyon sa likuran ng van.

“Saang flores de mayo pupunta yung mga yun?” pabulong na sabi ni Doris.

Mahinang natawa lang si Cinderella sabay kurot sa tagiliran ng kaibigang kusinera. Matapos noon ay umupo na sya sa tabi ni mang Ador.

Dumating sila sa evacuation area kung saan gaganapin ang isang event na binuo ng isang malaking TV station at sponsored ng ilang malalaking kumpanya kasama ang kumpanya nila Cinderella.

Nakaset-up na ang medical equipment sa isang area ng gymnasium kung saan gaganapin ang medical mission. Samantalang sa isang area naman ng gym ay naroon ang mga nag-aabot ng mga relief goods.

Agad silang tumulong sa pagset-up, actually si Cinderella at Mang Ador lang dahil ang tatlo ay nakatayo lang sa isang sulok habang namamaypay at halata ang iritasyon.

Nang matapos ang pagseset-up ng lahat ay pormal na nagbukas ang event. Panay ang pose at ngiti ng tatlo tuwing dadako sa kanila ang mga camera ng tv station at iba pang mga press na naroon.

Pero sa pagkadismaya ng mag-iina, naroon nga ang malalaking mga kumpanya pero karamihan ng mga tao doon ay mga representative lamang.

“Ma, akala ko ba maraming mga socialites at sikat na tao ang pupunta dito? Nasaan na sila? Meron ngang ilan kaso puro oldies na o kaya mga not so beautiful people” bulong ni Giselle sa ina sabay ngiti dahil may kumuha ng picture.

“Aba malay ko ba naman na puro representative lang ang papupuntahin nila dito” bulong din ni Gretta sa anak.

“Ma I need to get out of here na. I feel so mabaho na like this place” maarte pang dagdag ni Giselle.

“O sige sandali nalang at eeskapo na tayo dito” sagot ng matanda sabay abot ng isang plastic bag sa isa sa mga nakapila doon.

“Oh ayan, ito ang para sa’yo!” masayang sabi ni Cinderella sa isang batang babae na nakapila para abutan nya ng isang supot na may lamang spaghetti at sandwich. Doon sya pinalagay ng mga kapatid dahil ayaw nilang madumihan ang kanilang mga kasuotan kung sakaling may aksidenteng makatapo ng pagkain nila.

“Salamat po ate” mahina at mahiyaing sabi ng bata. Wala pa ring patid ang pila ng taong naroon, pero tila di alintana ni Cinderella ang pagod at init dahil masayang masaya syang makapag-abot ng tulong sa mga nasalanta ng nagdaang bagyo sa probinsyang iyon.

Nagulat sya ng biglang may nagclick at flash sa tagiliran nya. Napalingon sya sa pinanggalingan noon at laking gulat nya ng makita nya ang isang pamilyar ng lalaki. Napanganga pa sya nang ibinaba ng lalaki ang kayang camera at kinindatan sya sabay ngiti na parang nang-aasar.

“Uy friend, ibigay mo na kaya sa bata yang hawak mo” untag sa kanya ng kaibigang si Jessie. Isa sa mga kaunting kaibigan nya si Jessie noong college masyado kasi syang mahiyain at loner kaya kaunti lamang ang mga naging kaibigan nya pero lahat naman ng mga iyon ay mga tunay at tapat nyang kaibigan. Si Jessie ay isang morena at maliit na babae, pero stand out pa rin ang kanyang Filipina Beauty.

“Ay! Naku pasensya na. Ito oh” nagblush sya dahil sa sandaling pagkawala sa sarili.

“Naku mabuti pa kaya, pahinga muna kayong dalawa. Sila May naman ang papalit sa inyo dyan. Magmerienda muna kayo sa likuran” concern na sabi ng isa sa mga organizer na naroon.

“Sige po. Thank you po tita!” masiglang sagot ni Jessie sabay hila kay Cinderella papunta sa likuran.

 “Ella, cr muna ako ha” paalam ni Jessie sa kaibigan.

“Sige. Kukuha na kita ng pagkain” nakangiti namang sagot ni Cinderella. Kumuha sya ng dalawang styro na may lamang spaghetti, dalawang sandwich. Matapos noon ay naghanap sya ng mauupuan. Nakakita sya ng bakanteng pwesto sa may bleachers. Bago sya pumunta roon ay kumuha muna sya ng dalawang bottled mineral water. Binalanse nya ang mga dala nyang yun habang papunta sa nakitang pwesto.

Nang malapit na sya ay tila mahuhulog na ang mga dala nya. Nabuwal ang dalawang mineral water sa ibabaw ng mga styro. Pilit na hinabol iyon ni Cinderella pero tuluyan na iyong nalaglag. Inintay nyang bumagsak iyon sa sahig pero di iyon nangyari dahil nasalo iyon ng isang kamay.

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon