CHAPTER FORTY ONE

4.7K 73 10
                                    

CHAPTER FORTY ONE: Pointless Revenge

Nang matatapos na ang fashion show at lumabas na ang lahat ng models para sa final walk ay pinakahuling lumabas ang magbestfriend na Cinderella at Jessie. Agad na sinalubong nila mama Renee si Cinderella para abutan ng isang bouquet ng bulaklak. At ang ikinatuwa ng lahat ay nang umakyat si Charlie at inabot kay Cinderella ang isang malaking bouquet ng assorted flowers. Hinalikan pa nya ang dalaga sa pisngi kaya panay ang kislapan ng mga camera na naroon.

“Congratulations my Cinderella” bulong ni Charlie sa dalaga.

“Thank you for making my dreams come true” isang magandang ngiti ang ibinigay nya sa nobyo.

“You deserve it love” at muli ay hinalikan nyang muli sa pisngi si Cinderella bago bumalik sa upuan katabi ang mga magulang.

Napuno ng malakas na palakpakan ang loob ng venue. Matapos ng show ay nagkaroon pa ng isang cocktail party. At doon sa party na iyon ay marami na ang umorder at nagpareserve ng mga damit na nakita sa fashion show.

Sa isang sulok ng events hall na iyon ay may mga pares ng mata na nakamasid sa mga pangyayari at kitang kita ang inggit at galit sa mga iyon.

“Kasi naman mama, dapat nandyan ako ngayon eh! Kayo naman ang KJ nyo ni Ate Annie! Eh di sana nakikipagrubbing elbows na ako sa mga rich and famous!” pagmamaktol ni Giselle.

“Tumahimik ka nga dyan! Pumalpak na nga ang plano nating sirain yang fashion show ni Cinderella nag-iinarte ka pa dyan!” singhal ni madam Gretta sa anak.

“Eh kasi naman bakit ba kasi kailangan nating sirain ang mga plano ni Cinderella? Eh ayos nga yun eh, lalakas ang Ever After tapos kami ni Ate Annie makakasama pa sa mga fashion shows nya. Imagine dapat kaming dalawa ni Ate ang nasa finale! Eh di sana sikat na kami ngayon!” inis pang sabi ni Giselle.

“I don’t plan to be under Cinderella ever! Even under her shadow!” seryosong sabi ni Annie na matalim ang tingin kay Cinderella na masaya sa piling ng mga kaibigan lalo na ng lalaking minamahal.

“What are you planning my dear daughter?” nakangising tanong ni madam Gretta.

“Just wait and see mother” at ngumisi din si Annie.

Natahimik naman si Giselle habang pinapanood ang masasamang ngiti sa mukha ng ina at kapatid.

**********

Inihatid pa ni Charlie sina Cinderella at Doris nang madaling araw pagkatapos ng fashion show. Pagpasok ni Cinderella ay nakasalubong pa nya si Annie na papunta naman sa kitchen.

“Oh, look who’s here! The upcoming fashion designer of the year” sarcastic na sabi ni Annie habang hawak ang isang baso ng tubig.

Napabuntong hininga pa si Cinderella ngmakita ang step sister. “Ate Annie, bakit hindi kayo dumating?”

Napatawa pa si Annie. “Saan? Sa cheap mong fashion show?”

Si Doris naman ay gusto nang sigawan ang kaharap pero hinawakan lang ni Cinderella nang mahigpit ang kamay nya.

“Ate nagpromise kayo na pupunta kayo ni ate Giselle. Diba nga ikaw pa ang magsusuot ng finale dress?” malungkot na tanong ni Cinderella.

“Do you really think that I’m going to wear and model one of your cheap designs? Please! I’m still in my right mind!” maarteng sabi ni Annie sabay talikod.

Nasaktan si Cinderella sa mga sinabi ng step sister pero mas pinili na lamang nyang di sumagot.

Biglang humarap muli si Annie. “Oh, before I forgot. Bagay sa’yo yung gown na sinuot mo. Dowdy and tasteless. And if I were you, pagsusuotin ko si Prince ng helmet at baka bigla na lang mauntog at marealize na hindi ka pala nababagay sa kanya. Dahil mas bagay sa kanya ang isang babae na classy, sosyal, at maganda hindi isang…manang. Au revoir!”

I AM CINDERELLATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon