Chapter I

696 13 12
                                    

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 1~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Sana mahalin niya rin ako."

"Your wish is my command"

"COLE! Gising na! Malalate ka na!" sumisigaw nanaman 'tong kuya ko

Ano ba naman yan! Inaantok pa ko eh. Anong oras na ba? 

"6:00??!!! Shemay naman oh!!" Nasabi ko sa sarili ko.

Malalate nga naman ako nyan. Actually 7 pa ang pasok ko kaso ayoko ng 6 na nagigising feeling ko kasi late na ko.

"BABABA NA POOO!" sigaw ko.

Nga pala. Ako si Francheska Nicole Sanchez. You can call me Franch, Ches, Cheska, Nic, Cole at kung ano ano pang gusto niyong itawag. Syempre wag naman nega di ba? Nasa 2nd year college na ko at kasalukuyang kumakain kasama ang aking mahal na kuya Dylan

"Tulog mantika ka kasi eh. Yan tuloy malalate na tayo." Mangasar daw ba? Kita ng malalate na yung tao. 

"Kuya naman eh!!!" Sigaw ko sa kanya.

"Bilisan mo na kasi. Idadamay mo pa ko." Oo nga pala sabay kasi kami niyan kung pumasok. Nadadaanan naman kasi yung school ko.

"Eto na. Malapit na. Magbibihis na lang" Syempre tapos na ko maligo di ba? Nagmamadali eh.

Naglalakad na kami ni kuya ngayon papuntang sakayan ng jeep. Syempre, alam niyo na. Di kami ganon kayaman para magkaroon ng kotse pero di rin naman kami mahirap. May kaya lang kaya eto, lakad at jeep. Mag-aaral talaga ako ng mabuti para magkaroon ako ng malaking bahay, kotse at maraming pera. Gusto niyo yun di ba? Ako rin syempre! Sino ba ang ayaw?

"Oy! Pagbutihan mo pag-aaral mo. Wag puro lovelife." Kaasar naman tong kuya ko. Batukan daw ba ko? Kita ng nag-iisip yung tao eh.

"Eh bakit ikaw kuya? May love life ka naman na ah. Bakit ako bawal?" Oo. meron na yang lababu. Syempre matanda na eh. Hahaha! Papogi ng papogi yan eh. Walang ginawa kundi magpaporma sa girls niya.

"Matanda ako sa'yo kaya sumunod ka na lang" Kita niyo yun? Walang masasabing maganda yan. Puro dadak lang yan.

"Opoooo!" Pang-aasar ko sa kanya.

Ayan nasa school na ko. Late kasi ako nakapasok kasi dapat nung monday pa. Wednesday na ngayon. Alam niyo na. Mali kasi yung napagtanungan namin. Sabi nung adminstrator nung enrollment next week pa dapat kaso tinawagan ako ng best friend ko. Buti na lang!

"Hoy! Bruhilda! Buti pumasok ka na. Akala naman namin ayaw mo ng mag-aral." Iyan yung best friend ko. Si Christelle.

Kitang kakapasok lang kung makapagsalita talaga. Siya nga pala yung nakilala ko nung first year high school pa ako. Siya kasi yung katabi ko noon eh kaya no choice kundi kausapin siya at naging kaclose ko rin naman na. Super bait niyang best friend na parang magkapatid na talaga kami. Di ko ipagpapalit to kahit kanino. Love ko siya eh. 

"Anong ayaw mag-aral? Kitang masipag ako no. Mali kasi yung napagtanungan namin eh. Mali yung info na binigay. Kainis nga eh. 'Yan tuloy may absent na ko." Sagot ko na lang habang papunta na sa upuan ko.

"Uy! Nic! May papakita ako sa'yo." Sabi niya habang hinahalungkat kung ano man yung nasa bag niya. Syempre katabi ko pa rin siya.

"Ano yon?" Ano nanaman ba ipapakita nito sakin. 

"Look! Ang cute niya no? Gwapo pa." Oo. Ano pa ba iisipin niyo? Isang picture ng lalaki.

"Hmm.. Okay lang." yan lang nasagot ko. Di ko siya gusto. Gwapo naman kaso wala lang. Di ko mood magboy hunting ngayon. 

"GWAPO niya talaga!" Nakaemphasize talaga yung gwapo na word? Sus! Pakialam ko naman kung gwapo.

"Alam mo ba? Ang daming nagkakagusto sa taong yan kaso ewan ko ba hanggang ngayon wala pa rin nagiging girlfriend." Dagdag niya pa. Ako naman tinititigan pa rin yung picture niya.

Wala pa rin siyang nagiging girlfriend? Nakakapagtaka naman. Baka naman bakla? Sige na nga! I admit gwapo siya pero di ako magkakagusto dyan.

"Akin na nga yan" Sabay agaw sakin ng picture? Tinitignan ko pa eh.

"Baka matunaw yan. Gusto mo ba ng kopya?" Tanong niya habang tinatago na yung pinakita niyang picture.

Gusto ko ng kopya? Hmmm...

"Hindi! Di ko siya gusto kaya ayoko ng picture niya." Yan na lang nasabi ko. Totoo naman. Hinding hindi ako magkakagusto. Gwapo pero basta wala, ayoko.

"Sige, sabi mo yan ah. Ako kasi gusto ko siya. Hahaha! Kinikilig ako kapag dumadaan siya sa room natin. Daming nakatingin sa kanya. Gwapo talaga niya! KYAAHH" Ano ba yan! Kinilig na lang?

"Tumahimik ka nga diyan. Di magkakagusto yun sa'yo." Hahaha! Asarin ko na lang kaya siya

"Sus! Sama mo naman! Maganda naman ako ah!" Pagdedepensa sa sarili. Halatang gusto nga niya yung guy.

"Teka, kanina ka pa kinikilig dyan. Alam mo ba pangalan?" Curious ako kung anong pangalan eh. Pake niyo? ^____^ V

"Ahh! Oo nga pala. Xavier tawag sa kanya pero ang full name niya ay Patrick Xavier Santos. Magaling magdrawing! Kaya nga siya yung pinanlaban last year sa contest eh. Nanalo kaya siya." 

Nanalo? Wala naman akong alam sa mga nangyayari sa school eh. Hayaan na nga! 

"Tumahimik ka na nga. Dami mong sinabi, pangalan lang hiningi ko eh." 

"Tatahimik na. Hahaha! Nic! Gwapo niya talaga!" Namumula na ata pisngi nito kakasabi ng gwapo. Di ba siya magsasawang sabihin iyon?

"Oo na! Gwapo na kung gwapo. Tumahimik ka lang. Maguumpisa na yung klase eh."

Tumahimik na rin siya kasi sinabihan ko. Mabait yan at masunuring bata. 

"Ma'am, may I go out?" Magc-cr muna ako. Inaantok pa kasi ako. Hilamos mode muna. 

Eto, naglalakad na ko papunta sa cr namin. Syempre public lang ung school namin baka kasi isipin niyong private yung maraming kaekekan. Yung may cr sa loob ng room pwes dito hindi ganon. Sana nga ganon na lang para di na malayo yung pupuntahan pero okay na rin kasi madadaanan naman yung canteen at makakakain na rin.

"Sorry! Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh" Aba! Sampalin ko kaya tong lalaking to. Ako? Di tumitingin sa dinadaanan? Kapal!

"Ako? Baka ikaw? Sorry din kasi di mo alam na may nabangga ka!" umagang-umaga babadtripin ako?

"Hahaha! Bilis mo mainis. Sorry na po sinadya ko talaga yon."

"Umalis ka na. Baka masampal kita dyan eh"

"Ows? Di nga? Masakit yon!" Sino ba tong lalaking to at parang pamilyar? Saan ko ba to nakita?

"Ows! Ows! ka pa dyan. Tabi! Magc-cr ako eh!"

"Ano muna pangalan mo?" Aba! Strangers! Bawal kausapin ang strangers! Di ba?

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon