Chapter XVIII

201 6 5
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 18 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Nix! Sorry na talaga oh!" Kanina pa talaga siya nagsosorry... Ako naman sagot ng sagot na hindi naman niya kailangan magsorry! paulit ulit lang kami eh.

"Xavier naman eh.. Di mo naman kailangan magsorry! Wala ka talagang kasalanan." Ayan nanaman kami eh.

"Eh di mo kasi ako pinapansin.. Bakit di mo kasi ako pinapansin? Sige na! patawarin mo na ako"  Bakit nga ba? Hindi ko rin  talaga alam ang dahilan. 

"Okay na talaga. promise! Papansinin na kita. Tumayo ka na dyan. Dali!" Paano ba naman kasi lumuhod pa talaga siya. Yung dalawang tuhod pa ah! masakit yun.

Uy! wag kayo magalit sa akin. Di ko siya pinaluhod. Sabi ko ngang wag siya lumuhod kaso siya mismo ang gumawa nun para mapatawad ko daw siya. 

"Talaga? Di ka na galit sa akin? Papansinin mo na ako?" Nahihilo ako.. paano ba naman kasi tumayo nga tapos niyuyugyog naman ako.

"Opo. Kaya wag mo na ako iyugyog dyan. Nakakahilo eh." Pagrereklamo ko sa kanya.

"Kasi naman! Ang saya ko kasi akala ko talaga di mo na ako papatawarin tapos di mo na rin ako kakausapin. Masaya talaga ako. Bati na tayo ah! Wag ka na kasi magalit. Di ko tuloy alam kung bakit ka nagalit. Wala ng bawian."  ang kulit talaga niya.

"Oo nga po.Basta wag ka na rin makipagsuntukan. Nakakatakot ka kasi eh. Ikaw ba talaga iyon? Parang hindi kasi." 

"Oo naman. Ako yun. Astig ko nga di ba? Inaway ko para sa'yo?" Ay ewan ko sa'yo Xavier. Di ko alam pinagsasabi mo.

"Ay oo nga pala! Ano nga pala yung ibig sabihin nung 'Wala na ba akong pag-asa?'" Ayoko lang mag-assume kaya nagtatanong ako. Curious talaga ako.

"Ahh! Wala na ba akong pag-asang...." Nagkamot pa sa ulo niya. Baliw ba siya? Nagugulo kaya buhok niya pero ang cute niya.

CUTE? Teka! Saan nanggaling ang salitang iyon? Ay ewan! Onga pala! Cute na gwapo na nilalang nga pala siya. Sige na siya na pero di ko siya crush or kung ano ah.

"Ano nga?" Ang tagal kasing dugtungan eh.

"Pag-asang maging...." Ay nambibitin?

"Eh?" Haha! Wala kasi akong masabi eh. Ang bagal kasi magsalita.

"Wala na ba akong pag-asang maging kaibigan mo ulit! Ayun. Ayun ibig kong sabihin doon. Tsk.. Basta ngayon okay na tayo. Ayos na yun. Friends na ulit tayo di ba?" Ang kulit talaga. Paulit ulit? So iyon lang pala talaga ang ibig sabihin niya? 

Akala ko naman kung ano kasi may pabitin bitin effect pa siyang nalalaman.

"Tsk! Oo na nga po eh. Kulit talaga! Sige na pasok ka na. Malalate pa kayo sa klase niyo oh." Sabay turo ko sa classroom nila.

"Sige! Basta! Bati na tayo ah!" Tumayo na siya tapos paalis na rin papunta sa classroom nila habang pasigaw na sinasabi yan.

Tumango na lang ako bilang pagtugon sa kanya.

"Honey. nagseselos ako. Tsk. Doon sa lalaking yun. Halatang may gusto sa'yo yun eh." Aba! Nagtatampo pa sa akin ngayon ang bee ko habang tinuturo ang likod ni Xavier.

Pagkaalis kasi ni Xavier lumapit bigla si Zed sa akin. Pagselosan daw ba ang di naman dapat pinagseselosan?

"Bee naman eh.. Selos ka pa? Saan? Haha! Ang cute mo magselos!" Pinisil pisil ko ung pisngi niya!

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon