Chapter V

393 9 10
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 5 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, hindi ko na masyado nakikita si Xavier pero minsan si Zedrick dumadaan sa harap ng classroom namin so nakikita ko pa rin siya dahil na rin siguro yung faculty room ay medyo malapit sa amin. Naghehello siya kapag napapansin niya ko. Baka busy lang talaga siguro sila kahit naman kasi ako busy busyhan na rin pero joke lang. Ako pa. Di ako masipag pero grade conscious ako. 

Si Zedrick nakakatuwa lalo na kapag nagkakasabay yung breaktime namin kasi nagkikita kami sa canteen tapos iiwanan niya yung friends niya tapos lalapit sakin para sabihin na sabay na daw kami. Di ba nakakakilig?! ^___^ Minsan kasi ako lang mag-isa kumakain, marami kasing pinapagawa sila ma'am kay Christelle.

Napapansin ko rin minsan na ang sweet ng mga gm ni Zedrick. Ganon ba talaga siya or sa pagbabasa ko lang ng mga text? sino kaya yung mga pinapatamaan niya? Ang swerte talaga ng mga nagiging girlfriend niya. Nakakainggit naman!!!! pero kahit papaano natutuwa na rin ako at least hindi niya ako nakakalimutang kaibigan niya ako at kahit gm ay napapadaanan pa rin. Aray! Kaibigan lang!?! hanggang doon nga lang siguro yun. Masyado akong umaasa.

Malapit na rin magsummer at merong organization sa isang university na pang-summer class pero hindi summer class dahil mababa ang grades mo kundi para maadvance ka. Gusto ko sumali kaya sasali ako. Sana makapasa ako. Alam ko kasi may mga screening test pa yon at dahil marami ding benefits yon kaya gusto ko sumali.

Natapos ang exam at kami ni Christelle ay nakapasa. Yipeee~~~ Super unexpected kasi hindi ko naman talaga aakalain na makakapasa ako. Medyo mahirap pero mabuti na rin at nakapasa ako. Kahit na wala akong summer this time mukhang masaya naman. :)))

"Nic! Excited na ko sa summer. Di ko alam kung bakit pero mukhang di naman boring kahit puro lecturan nanaman iyon" si Christelle yon kausap ko habang naglalakad na kami pauwi.

Nakauwi na ko sa wakas at ngayon kumakain kasama si mama, papa at kuya.

"Ma, Alam mo bang may nanliligaw na kay Cole?" Sabi ni kuya bago siya sumubo.

"Anong nanliligaw ka dyan! Kuya manahimik ka dyan ah!" Ako naman sumagot kaagad. Halata bang defensive ako?

"Anak, tsaka na ang mga yan. Bata ka pa ah." Si papa naman naniniwala kaagad

"Hindi naman po totoo yun eh." Ako ulit habang sinisipa ko yung paa ni kuya. Nakakaasar siya Arrgghhh!

"Hindi daw? may nakita kaya ako sa cellphone mong ang text ay muaahh" Hala! Baka yun yung text sakin ni Xavier kagabi.

"Sige na. Tama na yan. Nasa harapan ng pagkain nag-aaway kayo." Buti na lang si mama sumabat agad kundi ano na lang sasabihin ko?

Maraming araw na ang nakalipas at grabe naalala ko nung ball ng higher years. Nakakaasar! Bakit ba kasi hindi ko kabatch si Zedrick! Yan tuloy iba yung First dance niya samantalang ako nagmumukmok sa bahay. Ang swerte talaga ng nakakasayaw niya pati yung mga palagi niyang kausap.

Magbubukas na lang nga ako ng facebook. Alam niyo bang mahilig din akong magbasa sa net. Alam niyo yung site na wattpad? Doon! Lagi akong nagbabasa ng mga kung ano ano dun. Buti pa yung mga character sa nababasa ko may happy ending sila, tapos ako? Wala?Kawawa naman ako.

*ting* (tunog ulit sa chat sa fb)

Xavier: Gising ka pa?

Ako: Bakit ayaw mo ba?

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon