Chapter VIII

323 8 5
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 8 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Nicole?" Napalingon ako nung narinig ko yung nagsalita ng pangalan ko at nagulat ako ng si...

"Z-Zedrick?"

O___O Bakit siya nandito? Narinig niya kaya yung sinigaw ko?

Hala?! Anong sasabihin ko? Wala na akong mukhang ihaharap sa kanya. Wala na! Alam niya na yung tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. 

Tinignan ko siya sa mukha niya kung ano ang reaksyon niya pero nakatingin lang siya sa kamay namin ni Xavier kaya naman agad kong hinatak yung kamay ko para makawala sa pagkakahawak ni Xavier.

Nung nawala na ko sa pagkakahawak ni Xavier napatingin ulit ako sa kanya pero parang wala pa rin siyang reaksyon. Wala akong mabasang reaksyon sa mga mukha niya. Kaya nag-umpisa na kong magsalita dahil ang awkward na ng mga nangyayari ngayon..

"Z-Ze-Zedrick...." Ano ba yan?! Nauutal ako. Hindi ko alam sasabihin ko. Nahihiya na talaga ako pero kailangan kong magsalita

"Ba-bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? At saka,... kanina ka pa ba dyan?" 

"Nicole, aalis na ko at siguro kailangan niyo muna mag-usap na dalawa." Sabi sakin ni Xavier at naglakad na siya papalayo sakin pero papalapit siya kay Zedrick. Hindi ko alam kung may binulong ba siya kay Zedrick kasi nakita ko siya na tinapik yung balikat ni Zedrick.

Hala!? Ayan na talaga. Dalawa na lang kami. Anong sasabihin ko? Hindi ko alam. Isa pa naalala ko nagpapatulay pa siya kay Christelle tapos ngayon alam niya ng may nararamdaman ako para sa kanya. Ano ba namang buhay meron ako? Magkakalovelife na lang napakacomplicated pa.

"Kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko ng makaalis na ng tuluyan si Xavier.

"Hindi. Kararating ko lang. Boyfriend mo ba siya?" Nako. Hindi ah. Hindi talaga.

"Hindi. Hindi talaga kami magboyfriend or kung ano pa man. Magkaibigan lang talaga kami. Wala lang yung nakita mo. Tinulungan niya lang talaga ako. Wala lang yung holding hands namin. Wala lang talaga yun. Baka kasi mamisinterpret mo. Hindi ko talaga siya boyfriend" Ayan ha. Todo explain and deny ko na pero sana naman maniwala siya. Siya lang naman talaga yung gusto ko. 

"Ahhhh.." Yan lang sagot niya. Ni ang haba haba ng pagdedeny ko yun lang? Nakakainis naman tong lalaking to.

Eto kami ngayon nakaupo na sa isang bench. Ang tahimik namin pareho kasi wala naman ni isa sa amin ang gustong magsalita. Lalo na sinigaw ko pa yung mga katagang mahal ko siya. 

Ano ba naman Nicole! Nakakahiya  ka! Lalo na sa public place ka pa kasi nagsisisigaw. Gusto ko lang naman kasi talagang ilabas ung nararamdaman ko. Nahihirapan na ko....

Nagumpisa na kong magsalita kasi ang boring kaya kapag walang nagsasalita sa aming dalawa. Isa pa nasasayang yung oras lalo na kasama ko pa naman siya kaya dapat umpisahan ko na to.

"About nga pala sa pagpapatulong mo kay Christelle...." Lumingon siya nung sinabi ko yun. Kaya agad naman akong napatingin sa floor. 

"Hindi mo naman kailangan gawin kung ayaw mo. Di naman kita pipilitin." Sagot niya. So ibig sabihin may gusto nga talaga siya. 

Wala na kong nasabi kasi parang may tumusok sa puso ko. Bakit siya ganyan? Nasasaktan ako kapag may kasama siyang ibang babae pero tiniis ko lang. Tapos ngayon.... ngayon na nagpapatulay siya mas nasasaktan naman ako. Isa pa ngayon ko lang nalaman na ngayon lang siya magpapatulay. Bakit? Dahil ba sobrang mahal niya na talaga si Christelle kaya todo ang effort niya?

Sabagay sino ba naman ako para hadlangan yun di ba?

Zedrick's POV

Ang saya saya ko ngayon kasi nalaman ko ang nararamdaman niya para sakin pero hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nakita ko kanina. Magkaholding hands sila! Buti na lang at mukhang wala talaga siyang gusto sa lalaking yun. Di hamak naman na mas gwapo at mas maappeal ako kaysa sa kanya. Wag na wag niya lang akong kakalabanin pagdating kay Nicole.

"About nga pala sa pagpapatulong mo kay Christelle...." Nagulat ako ng sinabi niya yan kaya napatingin agad ako sa kanya.

Mahahalata mo sa mukha niya na malungkot siya kasi umiwas siya bigla ng tingin at tumingin siya sa sahig. Pero Nicole hindi ko talaga gusto yang best friend mo. Sasabihin ko naman sa'yo eh. Wag mo naman sana mamisinterpret.

"Hindi mo naman kailangan gawin kung ayaw mo. Di naman kita pipilitin." Sagot ko sa kanya. Baka kasi kapag sumang-ayon siya makakasama niya ko at maiilang lang siya nun. Ngayon sasabihin ko na talaga.

"May sasabihin ako...." Wow! Ayos to. Sabay pa talaga kami nagsalita.

Napalingon kami parehas sa isa't isa at biglang nagkailangan kami kaya parehas kaming tumingin sa sahig.

"May gusto kasi ako sa'yo noon pa!" Astig sabay na sabay kaming magsalita. Biruin niyo yun sakto sa sinabi ko yung sinabi niya. 

Wala na kong kailangan pang hilingin. Mahal niya rin ako. Ano pa ba?! Si Nicole? na pinangarap kong mapasakin ngayon nagtapat na ng pag-ibig niya.

 "Pero... Paano si Christelle? Di ba gusto mo siya?" Hala! Oo nga pala hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"Tungkol doon. Hindi ko siya gusto. Dahil lang talaga yun kay Amber. Tulungan ko daw siyang ligawan ang kaibigan mo." 

"Talaga?! Talaga?! Di nga?" Makikita mo sa mga mata niya ang sayang nararamdaman niya at masaya akong nakikita siyang ganyan. 

Nicole! Hinding hindi kita sasaktan at paiiyakin. I'll promise it to myself.

"Oo. Totoo yun. Ikaw talaga ang nilalaman ng puso ko." Sabay hawak ko sa dibdib kung saan nasaan ang puso ko.

"Hindi ako makapaniwala na... na ikaw.. si Zedrick , may gusto sakin. Ikaw na playboy o chickboy. Ikaw na babaero, nagkagusto sakin.. Hindi talaga ako makapaniwala! Zedrick! Totoo ba talaga ito o panaginip ko lang? Sana hindi na ko magising!" Natawa na lang ako sa mga sinabi niya. Talagang sinabi niya pa na playboy ako pero kaya ko namang magbago basta para sa kanya.

Bigla siyang tumayo at.....

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon