Chapter XXXII

153 5 4
                                    

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 32~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"COLLLLEEEE Gising na!" Ano ba naman yan. Kay aga-aga nanggigising agad. Wala na naman pasok eh. Bakasyon na.

"Cole! Sasama ka daw ba kanila Zedrick para mag-Baguio?" Nakapikit ako pero alam kong boses ni mama yun. Ang hinhin kasi magsalita eh.

"Opooo.." Mamaya pa naman yun eh. Mga 5 am. Maaga pa naman di ba? 

"Di ka pa ba babangon? Andito na si Zedrick o." Sabi ni mama. Nandito na si Zedrick? Ang aga naman niya. Excited ba siya?

"Sige po." Yun na lang naisagot ko kay mama at tumingin na ako sa alarm clock na katabi ng kama ko.

"WAAAAHHH!!!!" Napasigaw ako ng di-oras! 4:50 am na pala! Hala! Hala! Hala!

"Cole! Ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" Si mama yun. Narinig yung sigaw ko hanggang labas ng kwarto? Waaaahhh!

"Ma! Wala. Okay lang ako." 

"Sige. Blisan mo na lang at naghihintay si Zedrick dito." 

"Opo.Opo." Ayun, multi-tasking na tong ginawa ko. Sabay sabay na talaga. Ligo, toothbrush, ayos ng buhok, bihis at kung ano ano pa. Bumaba ako ng 5:15 am. Late tuloy kami ng dahil sa akin.

"Oh, Nicole, Okay ka na ba?" Tanong sa akin ni Bee! Napatayo kasi siya nung nakita niya na ako.

"Ahh.. Okay na ako.." Nagugutom ako! Ang sinungaling ko.

"Eto oh. Baunin niyo habang bumabyahe kayo." Binigay ni mama yung sandwich na ginawa niya. Buti na lang.

"Salamat ma!" Sabi ko sa kanya sabay hug.

"Mag-iingat kayo ah. Sige na umalis na kayo." Pinapaalis na ako oh. Haha!

"Sige po tita. Alis na po kami." Sabi naman ni Bee.

"Ingatan mo yang baby ko ah." Ayiee. Si mader talaga binebaby pa rin ako. 

"Sus. Baby pa ba yan?" Eto talagang kuya ko may pagkapraning.

"Haha! Sige po. Iingatan ko po talaga siya." Sabay bless niya kay mama. Ang galang no? Haha! Syempre. Si Bee yan eh. "Tara na?" Tanong naman niya sa akin.

"Tara." Ayun nag-umpisa na kaming maglakad papunta sa car niya. Nasa likod kami umupo  since may driver naman siyang sinama para magdrive.

Pinagbuksan niya lang ako ng pinto tapos pumasok na rin siya.

"Inaantok ka pa?" Tanong niya sa akin. Magkatabi kasi kami sa likod. Yung mga gamit nasa compartment ng car.

"Medyo. Di kasi ako nakatulog eh." Sabi ko naman sa kanya.

"Tulog ka muna. Mahaba pa naman yung byahe eh." Pag-aalok niya.

"Okay lang sa'yo?" Kasi naman di ba nakakahiya. I mean di kaya siya mabore sa loob nito samantalang wala siyang makakausap?

"Okay lang. Ikaw naman eh. Ganito na lang. Yakapin mo na lang ako tapos yung ulo mo sandal mo sa balikat ko."

Nahihiya ako. Mangangawit lang siya e.

"Wag na po. Ayos lang sa akin." Pagtatanggi ko sa kanya.

"Ayoko. Mangangalay ka lang. Dali." Pag-aalok niya naman sa akin. Mapilit talaga to.

"Eh? Wag na po talaga. Nakakahiya eh." Totoo yun. Nahihiya na nga ako eh.

"Sus, nahiya ka pa sa akin. Ganito na lang ulit. Higa ka na lang sa lap ko kung ayaw mo akong yakapin." Sa lap niya? O_O

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon