Chapter VII

338 6 7
                                    

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 7 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Zedrick's POV

SH*T!!! BWISIT TALAGA!?! NAIINIS AKO

Bakit hindi na ko pinapansin ni Nicole?

Galit ba siya sakin? 

Nakakaasar talaga. Namimiss ko na yung kakulitan niya. 

Ano bang nasabi ko???

Bakit kasi sa kanya pa ko kailangan magpatulong?

Lintik ka talaga Amber! Mapapatay kita?! TSK!

Baka isipin tuloy ni Nicole na ako yung manliligaw ni Christelle! ARGH!!! Hindi naman kasi ako ah!

Kailangan ko kaagad magpaliwanag sa kanya ng maayos.

Ako na nga tutulong ako pa ang mawawalan ng lovelife.Tsk di pwede yon! Pwes hindi ako papayag.

Si Nicole kasi yung tipo ng babaeng gusto ko. Simula nung i-approach ko siya nagustuhan ko na yung pag-uugali niya. Maganda siya at hindi lang dahil don kaya ako nagkagusto sa kanya. Gusto ko yung pagiging friendly niya, yung pagiging masunurin niya. Sweet rin siya at turing ko special ako sa kanya pero may gusto rin kaya siya sakin?

Marami na kong naging girlfriend pero sa lahat ng mga yon wala naman ako minahal talaga. Pangtrip lang kumbaga pero kakaiba talaga si Nicole. Sa unang tingin ko pa lang sa kanya parang may kakaiba. Ewan ko ba?! Ang weird kasi lalaki ako tapos may ganong epekto sa akin. Di ako bakla ah! uupakan ko nagsabi non.

Asar talaga!?! Nagpapatulong kasi si Amber sa akin na manligaw daw kay Christelle na close friend ni Nicole. Ang alam ko lang naman na may maraming alam doon sa babaeng yon ay ang aking mahal na si Nicole. Oo mahal ko na siya. May paki kayo? Tsk!

"HOY! AMBER!' tinawagan ko siya para mapaki-usapan na wag na lang sakin magpatulong.

"Ano pare? nakausap mo na ba? pumayag ba?' sagot ng loko.

"LOKO ka talaga! Wag mo na nga ako idamay sa kalokohan mo! Ang torpe mo pare!"

"Ikaw lang ang available ngayon noh?! Biruin mo sila may mga lovelife tapos ako mawawalan? Pare tulungan mo naman ako! Ako maglalakad sa'yo kay Nicole kaya pumayag ka na" ginawa pang kapalit si Nicole.

"Kung hindi lang talaga dahil kay Nicole, masasapak talaga kita. Napagkamalan pa kong nanliligaw doon sa Christelle mo!"

"Kausapin mo kasi pare! Aagawan mo pa ko sa Christelle ko. Walang ganunan. Magkumpare tayo di ba? Bro?!" loko talaga. tsk!

"Ang torpe mo kasi. Ikaw kaya magsabi ng hindi ko agawin yang mahal mo" kawawa sa'kin to. Mas gwapo naman kasi ako sa kanya. Mahangin ba? Hindi naman nagsasabi lang ako ng totoo. 

Aaminin kong playboy ako at alam naman yon ng mahal kong si Nicole. Ang hindi niya lang alam ay may gusto ako sa kanya. Wag muna kayo maingay, naghihintay lang talaga ako ng tamang panahon. Ano ba gusto niya? Hmm... Iba ang tingin ko sa kanya kumpara sa mga babaeng nadedate ko. Mga paeasy to get kasi. Walang challenge pero gusto ko naman ang mga yon at least hindi ako pinahihirapan.

"DALI PARE AH! TULUNGAN NA LANG! BYE!! MAY IDEDATE PA KONG CHICKS!" baliw ba siya? Timer talaga ang walang hiya. Liligawan si Christelle tapos may kadate? 

"BAHALA KA!?!" binabaan ko na siya ng telepono dahil wala naman akong mapapalang maganda kapag nakipagusap pa ko sa kanya.

Siya nga pala si Amber na isa sa mga kaibigan ko simula ng pumasok ako dito sa eskwelahang ito. Syempre ang mga kasali lang sa grupo namin ay yung may ibubuga. Gwapo, Ma-appeal, Matalino at higit sa lahat may talent. Kaya kung gusto niyo sumali siguraduhin niyo munang may maipapakita kayo samin.

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon