Chapter LV

106 2 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 55~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Xavier’s POV (First and Last)

Alam niyo ba nung una kong nakita si Nicole, kilala ko na siya?

Siya lang naman ang pinagpapantasyahan kong babae sa high school life ko.

Hindi kasi ako yung tipo ng lalaki na gwapo.

Hindi ako yung lalaking mapapansin mo.

Buti nga nagkaroon ako ng pagkakataon na banggain siya at masaya ako nun. XD

Masaya ako dahil hindi ko inaasahang kaschoolmate ko siya.

Totoo yun, sinadya kong banggain siya para kahit isang beses mapansin niya ako.

Nung una, pakikipagkaibigan lang naman talaga ang habol ko pero di ko inaasahan na mapapalapit pa ako sa kanya lalo.

Hindi nagtagal nagustuhan ko na rin siya hanggang sa tuluyan ko na siyang mahalin.

Nasaktan ako nung nalaman kong nililigawan siya ng kuya ko. Haha, tama kayo, matagal ko ng kilala kung sino ang kuya ko pati na rin kung nasaan ang mga magulang ko.

Ang liit nga ng mundo eh. Sa dinami dami ng magiging step father ng mahal ko, tatay ko pa.

Hindi ko rin inaasahan na sasaktan ng kuya Zedrick ko ang mahal ko. Ang alam ko kasi mahal niya talaga ito hanggang sa dumating ang di inaasahang sakuna.

Nasaktan ako ng sobra sobra dahil sa pag-aakala kong ako na ang magugustuhan ni Nicole pero hindi pa rin pala. 

Kinailangan ko pa siyang tulungan para makapaghanap ng donor. Kuya ko pa rin yun kahit papaano kaya naghanap talaga ako ng donor.

Nagkataon pa ngang kapangalan ko iyon eh. Hahaha. Ang galing lang. Inisip ko na lang paano kung ako nga talaga yung nagbigay ng puso? 

Malulungkot rin kaya si Nicole kapag nawala ako?

Naging stalker niya na ko pero wala akong pakeelam basta ang alam ko nakikita kong nasa maayos na lugar si Nix.

Tawag ako ng tawag hangga't maaari dahil gusto kong naririnig ang boses niya. Natatawa ako sa pinaggagawa ko. Hindi ko akalain na magiging ganito ako pagdating sa isang babae.

Sa babaeng mahal ko at mamahalin ko habang buhay. 

Nandito kami sa rest house namin. Nakatingin lang sa dagat habang nakaupo sa buhanginan.

"Nix, Diploma oh." Binigay ko sa kanya yung papel na nakatiklop ng padiploma. Naalala niyo ba nung araw na may meeting sila at nandoon ako sa bahay ng classmate nila.

Ayan yung iginuhit ko siya. Siya habang nagsasalita at nakikinig sa discussion nila. Wala kasi akong magawa nung oras na yun kaya palihim akong nagdrawing.

"Para saan to?" Pagtataka niya.

"Alam mo bang pagiging kaibigan lang talaga habol ko sa'yo?"

"Oh? Eh ano naman ngayon? Don't tell me hindi mo talaga ako mahal."

"Nakagraduate ka na kasi." Hindi niya talaga ako pinapatapos bago mag-isip ng kung ano ano.

"HA? Hindi kita maintindihan."

"Nakagraduate ka na sa puso ko. Ngayon kasi sobrang mahal na kita eh."

"Ayieee.. Eh bakit ka bumabanat?"

"Syempre mahal kita. Ikaw lang naman hindi ba?"

"Oo na." Bigla siyang tumalikod sa akin.

Hala. Ano nanaman ba ang nagawa ko? Ang hirap pa naman amuhin nito.

"Oi. May nasabi ba akong mali?"

"Wala po." Nakatalikod pa rin siya. Ano ba to?

"Teka, Bakit ka tumalikod?"

"Kinikilig kasi ako sa'yo." Pinaharap ko siya para makita ko siya at di nga ako nagkakamali.

"HAHAHAHAHAHA!"

"Oy! Wag ka ngang tumawa! Ang bad mo!" 

"HAHAHAHA! PULANG PULA OH!" 

"Ehhh!!! Xavieerrr kasi!"

"Okay lang yan Honey!" Kung nagtataka pala kayo kung bakit Honey Bee ang tawagan namin aba malay ko sa kanya.

Sabi ko nga maalala niya lang si kuya kapag yun yung tawagan namin pero sagot niya sa akin

"Ayos lang yun. Para sayo naman talaga yang tawagan na yan." Kaya yun pumayag na ko. Ako naman mahal eh, ako nga pinakasalan di ba?

Si kuya at si Elisha nagpakasal na rin. Nasa states na sila ngayon at doon na naninirahan. Magkaibigan pa rin naman sila at walang ilangan. 

Matagal na panahon na rin kasi ang lumipas at sa tingin ko oras na para magpaalam kami sa inyo.

Ako nga pala si Patrick Xavier Santos, ang nag-iisang mahal ni Francheska Nicole Santos.

Maraming salamat po.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon