Epilogue

119 2 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ EPILOGUE ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole’s POV

 Akala ko dati yung una mong makilala siya na talaga yung makakasama mo habang buhay.

Pero nagkamali ako nung nakilala ko si Xavier.

Dati ang dami dami kong hiling sa buhay pero nung nakilala ko siya isa lang naman pala ang kailangan ko.

Hindi man natupad ang mga hiling ko, basta kahit yung hiling na yun ang pagbigyan.

Ang hirap kasi sa atin, hiling tayo ng hiling pero hindi naman natin alam kung tama ba ang pinaghihiling natin.

Ang dami natin gusto pero hindi tayo makuntento sa kung anong meron tayo.

Dati gustong gusto ko na makakuha ng lampara at may lumabas na genie para makapagwish pero ngayon lumalapit ako sa Kanya para humiling.

Hindi pala lahat ng hinihiling mo natutupad at isa na ako sa mga sawing nakaranas niyan.

Pero kahit papaano masaya ako. Nakuntento ako kung ano ang meron ako.

Sa dinadami ng hiniling ko isa lang ang natupad at ito ay

To love someone and be loved by that someone forever.

Hindi mo kailangan hilingin ang pagmamahal ng taong mahal mo dahil kusa itong darating kung ikaw talaga ang nakatadhana para sa kanya.

***The End***

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon