Chapter LI

100 2 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 51~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

Inistop ko yung pagrerecord sa digicam at tumayo. Dinaanan ko muna si ma'am at ibinalik yung camera. Hindi ko kasi matake yung nalaman ko. 

Masaya ako na kinikilig? Hindi ko maintindihan eh. >///<

May gusto na rin ba talaga ako sa kanya? Kasi bakit ganito ako kumilos?

Lumabas na ako ng auditorium.

"Pwede ba kitang makausap?" Napalingon ako sa nagsalita nun.

Si Zedrick pala na nakasandal sa pader ng auditorium. Inaabangan niya ba talaga ako o nagkataon lang?

Hinawakan niya yung kamay ko pero bakit sa paghawak niya ng kamay sa akin wala ako nararamdaman. Simpleng hawak lang siya.

Nakapagmove-on na ba ako? Kasi kung oo, masaya ako.

Dinala niya ako sa lugar kung saan maraming bulaklak. Yung lugar na kung saan una niyang nalaman na may gusto ako sa kanya.

Yung lugar kung saan nagkaaminan kaming dalawa at yung lugar kung saan dinala ako ni Xavier para tulungan.

"Tanggapin mo siya." Napalingon ako sa kanya kasabay nito ay binitawan niya yung kamay ko.

"Mahal mo na siya hindi ba?" Pagtatanong niya sa akin.

"Hindi ko pa alam sa ngayon." Totoo yun. Kung mahal ko siya malalaman ko rin naman siguro yun. 

Umupo ako sa isang bench na malapit sa amin. Hindi naman mainit dito kasi may mga puno din na nakaharang kahit papaano.

Siya naman sumandal sa likod ng bench. Di bale hindi namin nakikita ang isa't isa.

"Nakakamiss yung mga araw at panahon na magkasama tayo." Sabi niya sa akin. Oo nga. Hindi ko nga namalayan na halos 3 weeks na ang nakalipas.

"Akala ko dati tayo talaga sa isa't isa. Haha. Nakakatawang isipin. Hindi pala mangyayari yun." Akala ko rin dati.

Hindi ako umiimik kasi namiss ko yung boses niya. Kaya nga ngayon gusto kong pakinggan lang siya. 

"Kamusta ka na?" Tanong niya sa akin.

"Ayos lang naman." Totoo naman. Paayos pa lang ako. Nasira kasi ako dati nung sinaktan niya ako.

"Sorry sa nangyari dati. Hindi ko naman inaasahan na magkakaroon ako ng sakit." Sakit? Anong sakit yun?

"May sakit ako sa puso at may taning na rin ang buhay ko."

"Teka, Kailan pa yan? Bakit hindi mo pinaalam sa akin yan kaagad?" Naiinis ako sa kanya. Bakit ngayon niya lang sinabi sa akin?

"Matagal na to. Di ko nga alam na magkakaroon ako nito eh pero kahit papaano, napatunayan kong hindi pala ako karapatdapat para sa'yo. Kasi nakita ko na mas masaya ka kapag kasama mo ang kapatid ko."

"Alam mo bang nung nasa Baguio tayo, nag-usap kaming dalawa tungkol sa'yo. Medyo nainis nga ako e, kasi ang sabi ko sa kanya layuan ka niya pero parang wala lang siyang narinig. Pero napagdesisyunan kong mas masaktan ka na ng maaga kaysa naman lumalala pa."

"Masaya ako kasi nandyan yung kapatid ko para sa'yo. Sinaktan kita pero sinigurado kong may taong palaging sasama sa'yo."

"Mahal kita Nicole pero hindi sapat yun dahil alam kong matagal mo na siyang mahal."

"Huh? Hindi kita maintindihan."

"Mahal mo siya pero dinedeny mo lang. May mga pagkakataon ngang sinabi kong layuan mo siya pero hindi ka nakinig sa akin. Alam kong hindi mo kayang malayo sa kanya pero inutos ko pa rin. Hahaha. Ang sama ko pala sa'yo dati, Pinahirapan lang kita."

"Pero Zed---"

"Matagal mo na siyang mahal kaya tanggapin mo na siya." 

"B-Bee?" Napansin ko kasing medyo nagcrack na yung boses niya doon.

"Ayos lang ako. Masaya na akong malaman na kahit papaano naging parte ako ng buhay mo at may puwang dyan sa puso mo." Nilingon ko siya nun pero likod niya lang ang nakikita ko.

Napansin ko na lang nagpunas siya ng kanyang mukha gamit ang panyong dala niya.

"Sige na. Paalam na."

"Pero yung sakit mo. Bakit hindi ka na lang magpaheart transplant?"

"Mahirap eh. Mahirap maghanap ng donor. Halos ginawa na namin ang lahat pero wala talaga."

"Wag kang mawalan ng pag-asa. Nandito ako. Tutulong akong maghanap." Lumingon na rin siya sa akin nun.

"Salamat." Pagkasabi niya nun tuluyan na siyang umalis. Tumayo ako at sinundan ng tingin yung likod niya. Palayo sa akin.

"Nix. Nandito ka lang pala." Napansin kong may tumawag sa akin kaya napalingon ako.

"Xavier." Wala akong masabi sa kanya. Hanggang ngayon pinag-iisipan ko pa rin yung sinabi ni Zedrick about sa kanya.

"Makakahanap din tayo ng donor niya." Alam niya na rin pala.

Yumuko lang ako nun at naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Xavier.

"Wag kang mag-alala. May pag-asa pa naman eh."

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon