Chapter LII

114 3 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 52~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole’s POV

“Best. Okay ka lang ba?” Nandito ako sa bahay nila Christelle ngayon. Kinakabahan kasi ako.

“Hindi ko alam best. Naguguluhan ako sa nangyayari sa akin. Hindi ko alam kung ano pa ba ang nararamdaman ko kay Zedrick.”

“Best, Nandyan naman si Xavier para sa’yo. Bakit hindi na lang siya?”

“Nahihirapan din kasi ako eh.”

“Nasasabi mo lang yan kasi ang nasa isip mo mahal mo pa si kuya Zedrick pero ang totoo, si Xavier talaga.”

“Huh? Paano mo naman nasabi yan?”

“Napapansin ko. Kapag kasi si Xavier ang kasama mo, totoo ka samantalang kay kuya Zedrick parang hindi ikaw.”

“Pero ---“

“Pinapakita mo yang pagiging pasaway mo kay Xavier pero kay kuya Zedrick? Never.” Ganoon ba ako? Bakit hindi ko alam?

“Alam mo best, hindi lang ikaw ang makakakilala sa sarili mo. Hindi mo pa talaga kilala ang sarili mo kaya nga nandito ako para sabihin kung ano yung naoobserbahan ko sa’yo eh.”

“Best, Talaga bang ganoon ako kapag si Xavier ang kasama ko?”

“Yep. Definitely yes.”

“Pero ano ang nararamdaman ko para kay Zedrick? Bakit natatakot akong mawala siya?”

“Dahil napalapit ka na rin kahit papaano sa kanya.”

“Ibig sabihin mahal ko na rin si Xavier?”

“Matagal na.” Aw. Ibig sabihin nagpapakamanhid lang ako sa sarili kong nararamdaman? Bakit kasi di ko napapansin si Xavier? Yung mga effort na ginagawa niya?

“Ang manhid ko pala best.” Iyon na lang yung nasabi ko. Nagiguilty ako.

“Hay salamat best at nalaman mo rin! Sa wakas.”

*Bzzt. Bzzt*

Tinignan ko yung phone ko kung sino yung nagtext.

“Nix. May donor na si Kuya.” Sinabi ko agad yung text ni Xavier kay Christelle at sobrang tuwa namin kasi maaayos na ito. Operation na lang ang kulang.

“Xavier! Salamat! Salamat talaga ng marami.” Ayan lang yung nireply ko sa kanya.

“Punta na lang kayo ng hospital sa mismong operation niya. :)”

“Salamat talaga, Xavier.” Hindi ko na maexpress yung sobrang tuwa ko. Napakasaya ko.

“Basta para sa’yo gagawin ko lahat. :)”

Xavier, bakit ba ang bait mo? Hindi ko alam kung ano ang nakita mo sa akin pero nagpapasalamat ako at nakilala kita.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon