Chapter IV

387 9 12
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 4 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Di ako makatulog sa kakaisip kay Zedrick. Grabe pala kapag mahal mo ang isang tao pero kahit papaano nakatulog ako kaso saglit lang kasi naman ang aga aga ng pasok sa school.

"Bakit naman ganyan ang itsura mo bruha? Para kang adik sa kanto ah." si Christelle pala yun. Di ko napansin kasi naman antok pa ko.

"Kasi naman kagabi di nagpatulog si Zedrick" sabi ko habang sinusubsob yung mukha ko sa desk para matulog. Maaga pa naman kasi at mamaya pa simula ng class.

"Bakit magkasama ba kayo kagabi?! Ikaw ah!!!" sinasabi niya habang niyuyugyog niya ako.

"Hindi ah. Sa isip kasi yung sinasabi ko hindi sa bahay. Ikaw kasi kung ano ano iniisip mo eh." sabi ko habang nakasubsob pa rin.

"Good morning, Class!" Si maam yun. Aga niya naman dumating.

"Good morning, Ma'am!" sabi ng mga classmate ko.

"Okay! Class, Hindi muna ako aattend sa inyo ah. May important meeting kasi akong pupuntahan so behave lang kayo ah. Hindi na rin muna ako magbibigay ng mga gawain para naman makapagpahinga kayo. Use your time wisely. Okay ba yun, Class?" sabi ni Ma'am

"Opo ma'am" - ibang classmate ko.

"Yehey! Walang gagawin!" - guy 1

"Tara! Doon tayo sa plantbox!" - girl 1

"Kain tayo sa Canteen! Dali!" - girl 2

"Patugtog ka na lang ng cellphone mo dali!" - girl 3

"Baka maconfiscate. Wag na!" - guy 2

Sabi nila yan habang paalis na sa kanya kanyang upuan. Grabe sila no? Hindi pa umaalis si ma'am niyan pero maingay na. Kasasabi lang magbehave tapos ganyan mga asal tapos ayon umalis na rin si ma'am.

Buti na lang at walang iniwang gagawin. Makakaidlip na ako sa wakas! 1 hour din yun. 

"Nic! Punta tayong plantbox baka makita natin si Zedrick doon oh!" sabay turo sa plantbox kung saan daw. 

"If I know si Patrick ang gusto mong makita. Tinatamad ako tumayo at inaantok pa ko. Ikaw na lang muna." sabi ko habang sumusobsob ulit sa desk.

"Ang arte talaga nito. Dali na! Ayaw mo bang makita siya? Ikaw din baka pagsisihan mo yun." 

Magkaiba ang aming schedule kasi iba rin naman ang subjects nila kaya minsan lang namin siya nakikita or nakakausap. Actually, hanggang ngayon di niya pa rin alam na crush ko siya. Nakakahiyang sabihin at minsan gumawa rin ako ng letter pero di ko rin naman nabigay. Nasayang lang din.

"HELLO BATCHMATE! Ahhmm.. Nandyan ba si Nicole?"

"KYAAAHHH!! Ang gwapo talaga niya!" sabi nung isang babaeng classmate ko.

"Oo nga! Kahit anong anggulo!" isa pang classmate na babae.

"WAFUU mo! PATRICK!!! waaahhh!!" isa pa.

"Wala ka pang girlfriend di ba?" wow! lumapit na talaga yung mga babae sa kanya.

Ganyan ba siya kagwapo para pagkaguluhan. Kung alam niyo lang Feeler yan. Nakikipagclose tsk.

"Ahhmmm! Wait batchmate! Si Nicole nandito ba? Pinapatawag kasi siya ni Sir" sabi nung Patrick.

"AKO?! Pinapatawag? Bakit daw?" Bakit naman biglaan? Wala naman akong ginawang masama di ba?

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon