Chapter XLI

128 2 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 41~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Nix, mukha kang unggoy!" Sabi ni Xavier sa akin.

"Ang sama mo naman!" Pagtampal ko sa balikat niya.

"Kung makakapit ka kasi eh." Nakakakapit ako ng mahigpit sa kanya. Grabe kasi. Ang creepy ng lugar na nadadaanan namin.

"Eh, nakakatakot naman kasi dito!" Ang dilim kasi tapos sa paligid puro puno lang. 

Paano kung habang nagdadrive si Xavier bigla na lang may lumitaw na babaeng nakaputi sa dadaanan namin? WAAAAAHHH! Nakakatakot! Ayokong isipin.

"Awwwoooohhh!"

"Xavier kasi! Sige manakot pa! Ang sama talaga!" Nandito kami sa loob ng car niya tapos siya nagdadrive. Imaginin niyo na lang itsura namin.

"Hahahaha! Sorry na. Oy, Bilisan na natin."

"Oo nga! Ginabi na tuloy tayo sa pag-uwi."

"Drama mo kasi."

"Sorry naman! Haha! Salamat ulit!" Ang bilis talaga magbago ng mood ko. Kanina lang madrama talaga ako pero ngayon masaya na. 

"It's my pleasure."

Ang adik namin. Hahaha! Puro gala lang ginawa namin ngayong araw. Hanggang sa ginabi na tuloy kami.

"Anak, saan ka ba nagpupupunta? Gabi na ah!" Si mama! Sinalubong agad kami.

"Ma, naggala lang kami ni Xavier." Sagot ko kay mama.

"Buti may kasama ka. Teka, Nasaan na si Zedrick? Hindi ba siya ang kasama mo kanina?"

"Ahh.. Hindi pa po ba umuuwi?" Nakakapagtaka naman.

"Aba, anak, hindi pa. Hinahanap na nga ng mama niya."

"Natawagan or natext niyo na po?" Nauna siyang umuwi sa akin kanina di ba?

"Oo daw pero nakapatay." Hala! Nasaan naman kaya yun?

"Tita, Ako na pong maghahanap." Nagpresenta na si Xavier na siya ang maghahanap.

Paalis na si Xavier ng bumukas yung pintuan ng resthouse. Napalingon kami agad. 

"Hindi na kailangan. Nandito na ako." Si Bee pala.. T___T

Tinitignan ko lang siya. Naiiyak nanaman ako. Naalala ko nanaman yung kaninang umaga.

Nag-umpisa na siyang maglakad palapit sa amin.

"Bee..." Hindi niya ako pinansin. Nilagpasan niya lang ako. Gustong gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa.

Wala na nga talaga akong halaga sa kanya. Napayuko na lang ako.

Naiiyak ako pero di ko naman pwedeng sabihin sa nanay ko. 

Magagalit yun for sure. Kailangan niya ba talagang gawin to? Ang saktan ako?

"Tita, ihahatid ko na po si Nicole sa kwarto niya." Nakayuko pa rin ako.

"Mabuti pa nga." Sagot ni mama sa kanya.

Inalalayan niya na ako para maglakad na pero may nakita akong taong nasa harapan ko.

Lalaki siya pero di ko pa rin tinitingala dahil baka umiyak na talaga ako.

Maya maya nagulat na lang ako sa narinig ko.

"PAPA?!" Sabi ni Xavier kaya napatingala ako ng di-oras sabay bagsak ng mga luha ko. 

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon