Chapter LIII

103 2 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 53~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole’s POV

*Date of operation

Nandito na kami ni Best ngayon sa hospital at hinihintay yung magiging resulta ng operasyon.

Sana naman maging maayos ang lahat. Kanina ko pa nga tinetext at tinatawagan si Xavier kung nasaan na siya pero hindi naman siya sumasagot.

Nag-aalala nga ako. Saan kaya yun ngayon? Ayaw kasi ipaalam kung nasaan.

Alam niyo ba kung ano ang narealized ko sa mga nakaraang araw?

Narealized ko kung gaano kahalaga si Xavier sa buhay ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko pinansin ung mga kilos at ginagawa niya para sa akin.

Pero I promise that after maayos ang lahat aayusin ko din kung ano ang namamagitan sa amin ni Xavier. Gusto kong maging masaya.

Masaya sa feeling ng totoong mahal ko, si Xavier.

Hindi na ako magpapadala sa unang naramdaman ko. Akala ko nung una, Si Zedrick na talaga pero hindi pala. Ang alam ko lang kasi noon, dahil siya ang una kong nakilala siya na pero mali pala ako. Maling mali.

Hindi ko hinintay na makilala ko si Xavier. Masaya ako na kinakabahan pa rin kahit papaano.

“Sino po ang kamag-anak ng pasyente” Tanong nung doctor kaya kami naman ay nagsitayuan.

“Ako po. Nanay niya.” Sabi ni tita Ricka. Kasama kasi namin siya dito.

“Kamusta po ang anak ko? Ano pong nangyari? Ayos na po  ba?”

“Congratulations po at successful ang operasyon.” Napangiti ako sa sinabi ng Doctor. Hindi nga kami nagkamali at maaayos rin ito.

“Hay, salamat po. Salamat po talaga.” Umiiyak na si Tita dahil sa tuwa at alam kong masaya siya dahil maayos na ang lahat.

Pinapasok na ng nurse si tita at tito pati na rin si best sa loob samantalang ako naman sumunod sa doctor. Gusto kong pasalamatan kung sino man yung taong tumulong para ibigay yung puso niya.

Napakalaking bagay nito dahil nakaligtas siya ng isang buhay.

“Doc, gusto ko pong pasalamatan yung pamilya ng donor. Maaari ko po bang malaman ang kanyang pangalan?” Sabi ko sa doctor. Super saya ko talaga at isa na lang ang poproblemahin ko.

Ang makausap si Xavier at maayos ang kung anong meron sa amin. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal.

“Ms. Nicole, Medyo confidential po kasi ito at ayaw ipaalam ng pamilya at ng mismong donor sa inyo. Pasensya na po.”

“Pero doc, please naman. Pasasalamatan ko po sila. Napakaimportante po talaga nito para sa amin.” Kinukulit ko yung doctor kasi naman bakit kailangan itanggi ito sa amin.

“Pero kasi----" Hindi ko na siya pinatapos pa. 

“Please doc?”

“Hay. Okay okay. Ang donor po ni Mr. Zedrick Villamor ay si " Chineck niya yung hawak niyang papel.

 "Mr. Xavier Santos.”

O___O

X-Xavier S-Santos? Don’t tell me si Xavier ang nagbigay ng p-puso niya?

"Kasi gusto ko maging Savior mo. Pakinggan mo. Xavier, Savior.”

"Wag kang mag-alala. May pag-asa pa naman eh."

“Basta para sa’yo gagawin ko lahat. :)”

“Nicole, Hindi kita iiwan

Hindi kita iiwan”

 Hindi naman siguro tama yung hinala ko di ba? :'(

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon