Chapter XLIII

111 3 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 43~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

 Nicole's POV

Nagising ako dahil feeling ko may nakahawak sa kamay ko. Hindi nga ako nagkakamali. Meron nga.

 "B-Bee? ay ano pala. Uhmm.. Z-Zedrick?" Tinanggal niya bigla yung pagkakahawak niya sa akin. Hindi kasi ako sanay na tawagin siya sa pangalan niya.

Ang sakit pa rin talaga. Paano ba mawawala yung sakit? Ang hirap kasi eh. 

"Nicole, gising ka na pala." Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi. Nag-aalala ba talaga siya sa akin? O nagiguilty? Umupo ako.

"B-Bakit ka nandito?" Gusto kong malaman. Gusto kong masagot lahat ng mga tanong sa isip ko.

"Bakit ka nahimatay?" Pero di naman niya sinagot. Paano ako maliliwanagan kung hindi niya naman pinapansin yung mga tanong ko sa kanya.

"H-Hindi mo naman sinagot yung tanong ko eh." Naiinis ako sa kanya pero mahal ko siya. :'(

"Sige, aalis na ako." Bakit siya ganyan? Ang hilig hilig niyang umiwas? 

"H-Hindi mo ba talaga ako mahal? Ni minahal man lang?" Gusto ko malaman. Yung totoo. T__T

 "Alam mo na sagot dyan." Pwede namang sabihin Oo o Hindi di ba? Pero bakit kailangan ganun pa yung isagot niya?

Ang alam ko hindi. Kasi sa'yo na mismo nanggaling. Hindi mo ako minahal dahil pinaglaruan mo lang ako.

"Sobra akong nasaktan pero wala ka man lang nagawa." Bigla na lang lumabas sa bibig ko yan.

Ewan ko ba. Bakit ako nagkakaganito? 

"Alam ko." Nakatalikod lang siya sa akin at nakatayo habang nakapamulsa ang kanyang mga kamay.

"Bakit?" Yumuko naman ako. Naiiyak ako dahil sa nangyayari sa akin. Simpleng nagmahal lang naman ako.

"Hindi ko alam. Please, Nicole. Wag kang magkaganyan."

"Paanong hindi ako magkakaganito? Sinaktan mo ako! Sinaktan mo ako!" Sumisigaw na ako.

"Oo na kasalanan ko pero hindi mo kailangan magkaganito ng dahil lang sa akin."

"Bakit Bee? Bakit? Ano bang ginawa ko para saktan mo ako?"

"Wala. Wala." Umiling iling siya at yumuko. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at hindi na ako nilingon pa.

"Wala. Wala nga ba talaga?" Yun na lang ang  naitanong ko.

Humiga na lang ulit ako. Iiyak ba ako ulit? Para saan pa? Hayy. Wala na talagang pag-asa. 

"Nix!" Nagulat ako sa nagsalita. Grabe kasi kung makasigaw. Hindi man lang kumatok.

"Oy, Xavier!" 

"Musta na?" May hawak siyang plastik. Di ko makita kung ano laman.

"Ayos lang naman. Ano yan?" Nakita ko kasing may nilalapag siya sa table.

"Strawberries. Gusto mo?"

"Oo naman! Penge dali!"

"Ayoko nga. Tumayo ka dyan. Ang tamad kasi kaya nahihimatay."

"Weh? Anong konekta kaya nun?" Ang sama talaga nitong taong to sa akin.

"Wala. Haha! O eto na. Hinugasan ko na para sa'yo."

"Ayiee! ikaw talaga ang drama mo. Hahaha!"

"Oo naman. Para sa'yo. Wahaha!" At ayon nagtawanan na lang kami. Ang adik lang kasing kasama nito.

Bakit ganun? Sa simple lokohan lang namin ni Xavier napapatawa niya na ako?

Ang gaan gaan ng loob ko sa taong to. Kahit loko loko. Haha! 

"Uy, Nix, natatandaan mo pa ba kung ano ung gusto kong itawag mo sa akin noon?"

"Hmmm.. Teka iisipin ko." Ano nga ba? Teka! di ko matandaan ah!

"Ang daya naman nito! Nakalimutan agad. Masama kang tao Nix!" Ay? Nag-inarte agad siya! Hahaha! Ang cute niya. Paano ba naman nagpout tapos biglang magwawalk out.

"Oy Xavier! teka lang. Haha! Oo alam ko na." Para binibiro lang eh.

"O sige nga ano?"

"Panget! Hahaha!"

"Oy sa gwapo kong to, papatawag ako ng panget? Hindi ah. Dali seryoso na."

"Hmmm.. Xavier. Di ba yun yung gusto mong itawag ko sa'yo."

"Yun oh. Hahaha! Kailangan pala laging seryoso eh."

"Oo na nga. Bakit mo naman natanong yun?"

"Alam mo ba kung bakit iyon? Kesa sa Patrick?"

"Bakit?"

"Kasi gusto ko maging Savior mo. Pakinggan mo. Xavier, Savior."

Di ko alam kung tatawa ako o tatawa? Hahaha! Ay parehas lang pala yun. 

Pero nung napansin kong nagseryoso yung mukha niya, nakaramdam ako na kailangan ko na rin magseryoso.

"because.... I want to save you from any heartache you will feel. I want you to know...." 

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon