Chapter XLIX

99 2 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 49~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole’s POV

CL (Christian Living) time na namin ngayon. Mag-aactivity lang daw kami sabi ng tutor namin eh.

“Kids! Igu-group ko kayo sa tatlo. Isa para sa mga anghel, pangalawa para sa mga masasama at pangatlo para sa mga tao.” Kids talaga? College na nga kami pero kids pa rin ang tawag.

“Di bale yung mga tao ay nakapiring samantalang yung anghel at masasama naman ay may sariling mga base. Ang gagawin ng mga tao ay makikinig lang sa sasabihin o instruction ng mga kaklase niyo. Di bale hindi ninyo alam kung sino ang anghel at sino ang mga masasama. Ang mga masasama ay magtuturo ng direksyon papunta sa base nila samantalang ang mga anghel naman ay magtuturo ng mga direksyon kung nasaan nakalatag ang mga coloring material.” Ay madali lang pala eh!

Sana mapunta ako sa mga anghel. Haha. Kunyari mabait daw ako. J

Nagbilangan na kami at ayun! Sa kasamaang palad napunta ako sa mga tao. Di bale ipipiring lang kami.

Sino sino kaya yung mga tao? Di ko kasi napansin eh.

Tatanungin ko na sana sila Christelle at Xavier pero sabi ng tutor naming game na daw eh.

Ipiniring na ako ng isa kong kaklase. Tapos bababa kami. Ay eto ang mahirap eh, nakapiring kami tapos di namin alam kung saan kami pupunta.

Maya maya iniwanan na lang nila ako dito. Kapa kapa din baka may katabi naman ako.

“Dito ka Nicole.” Nilakad ako ng tutor namin papunta sa di ko alam! Ano ba yun?

Nasa damuhan ata kami kaya safe naman siguro.

“Nicole?” O_O

Nagulat ako kasi biglang may humawak ng kamay ko. Sino naman kaya yun?

“Sino to?” Magkahawak lang kami ng kamay. Eh ayaw niyang bumitiw.

“Hulaan mo.” Ay nako naghulaan pa.

“Tao ka rin ba?” Haha. Natawa ako sa tanong ko. Malamang tao siya pero anong group siya ngayon.

“Hahaha. Oo. Nakapiring din ako eh.” Nakapiring siya pero paano niya naman nalaman na ako si Nicole. Pambihira.

“Haha. Anyway, Sino ka nga?” Ayoko kasi manghula eh.

“Xavier to.” *Dug*Dug*Dug*

“Ahh” Bakit ganon? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko? Kakaiba naman.

“Ahh. Tao ka rin pala. Hahaha” Wala kasi akong masabi.

“Oy, Kayo nga magbitaw kayong dalawa.” >///< Kami kaya yung tinutukoy ng tutor namin?

“Kuya, wag na. Para hindi kami maghihiwalay ni Nicole.” EHHHHH???

Nahihiya naman ako. Ang praning nito ni Xavier. Anong pinagsasabi niyang ganun?

“Ganon ba? Hahaha. Inlove ata si Xavier kay Nicole!” Sinigaw niya pa sa mga kaklase ko.

“Kuya naman eh!” Adik kasi. >//<

“Hahaha.” Tawa naman tong Xavier na to.

Di nagtagal natapos na rin yung activity at alam niyo ba kung saan ako napunta? Sa mga masasamang tao! Waaahh!

Eh kasi pinaghiwalay pa rin naman kami ng tutor naming. Si Xavier sa mga angel tapos ako sa masasama. Eto pa ang masama, pinahawak nila ako sa base nila na may mga langgam!

Di ba? Masama nga sila. Hahaha. Joke lang.

Eto uwian nanamin. Oo nga pala malapit na rin matapos itong summer class naming tapos pasukan nanaman sa school

Minsan nga di ko na naalala si Bee pero nakucurious ako kung kamusta na ba siya?

May nararamdaman pa rin naman ako sa kanya dahil hindi siya madaling kalimutan. Mahal ko siya.

“Oy, nagmumukmok ka nanaman. Sino iniisip mo?” Biruin niyo yun? Sino agad ang tanong.

“Wala kaya.” Nagsinungaling pa ako.

“Obvious naman. Si kuya pa rin?” Tanong ni Xavier.

Siguro nagsasawa na rin siya kakatanong niyan kaya alam niya na. Nagsasawa na rin siya na sasabihin ko sa kanyang mahal ko pa siya.

“Ah basta wala yun.” Tanggi ko. Kasi alam ko naming paulit ulit na ako pero wala akong magagawa, mahirap siyang kalimutan.

“Nandito naman ako pero di mo naman ako napapansin.” Biglang sabi ni Xavier.

Napalingon ako agad sa kanya sabay kunot ng noo.

“Wala. Tara na nga. Umuwi na tayo.” Pagyayaya niya.

“Ang drama mo tol.” Sabay tulak sa kanya ni Christelle. Tulak talaga! Haha.

“Sakit naman tol.” Nagtataka ka kayo kung bakit tol tawagan nila? Santol ibig sabihin nun eh.

Santol daw dahil mahilig sila sa santol. Parehas sila. Ang asim kaya nun.

“Oy kayong mga santol, umuwi na kaya tayo.” Sabi ko sa kanila. Ang haharot eh. XD

*Makalipas ang 1 week

“Best! Pasukan na natin! I’m so excited. Hahaha.” Magkasama kami ngayon at nandito sa harap ng university namin.

Ayun nga, pasukan na namin at makikita ko nanaman si Bee.

Kamusta kaya siya sa 2 weeks na nagdaan? Ni-hindi man lang niya ako tinext or pinadalhan man lang ng gm niya.

Ang sakit kaya nun pero kahit papaano okay naman ako kumpara sa dati.

Dahil first day namin ngayon, may orientation muna kami. Di nga naming makita si Xavier eh. Saan kayang lupalop ng mundo napunta yun?

“Best, Nasaan si Xavier?”

“Malay ko. Bakit mo hinahanap?” tanong niya sa akin. Bakit ko nga ba hinahanap? Eh syempre! Kasi lagi nanamin siyang kasabay eh.

“Eh, wala lang.”

“Ayiee. Don’t tell me nagka--” Naputol yung sasabihin niya nung dumaan ung grupo nila Zedrick.

“Pare, si Nicole oh.” Turo ni kuya Kenneth kay Zedrick. Napalingon siya sa akin pero tumingin lang siya sakin sabay alis.

Para bang hindi niya ako kilala. Ang sakit lang. Bakit siya ganyan? Sana man lang ngumiti siya o di kaya naghi. Bakit kailangan ganoon ang pakikitungo niya sa akin?

Sinundan ko lang siya ng tingin pero di man lang siya lumingon. Okay. Wala na talaga. Naniniwala pa naman akong baka sakaling magkapag-asa pa kami.

Siguro nga wala na talaga.   :(

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon