Chapter X

246 6 11
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 10 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

Nandito na ko ngayon sa school at kasama itong bestfriend ko na si Christelle. Kita mo nga naman kinikilig ang babaita paano madalas na namin kasi kasama si Xavier.

"Hoy! Xavier, nakatunganga ka nanaman." Si Christelle nagsalita habang ginugulo si Xavier sa pagkakaupo.

"Tumahimik ka na lang. Hey! Nicole, magkukwento ka di ba?" Sabay tingin niya sa akin.

"Ay oo nga pala! Yung tungkol kay Zedrick di ba? WAAAHHH!! Kinikilig talaga ako. Paano sabi niya sa akin may gusto din daw siya sa akin. Grabe! Ibig sabihin may pag-asa ako! Hahaha! Kinikilig nga ako nun eh. Kasi sabay na sabay namin inamin yung feelings namin para sa isa't isa yung parang nasa movie lang." Sinasabi ko habang nakaupo at parang batang nagmamaktol sa kilig. :))

Grabe ako na ata ang pinakamasayang babae! Well isa ako doon. 

"Tapos?" Biglang singit ni Xavier na nang-aasar at yung tingin niya eh parang gusto kang patayin.

"Eh,, Di ko na kinaya... nakiss ko siya sa cheeks..... di ko talaga sinasadya yun... Nakakahiya nga eh." Namumula na ko siguro ng sabihin ko ito.

"Pero ginawa mo pa rin at buti alam mo na nakakahiya yun para sa isang babaeng bigla na lang nanghahalik. Alis na ko. May klase pa ko." Ha? Grabe naman siya makapagreact.

Ang sama ng ugali ah! Akala mo kung sinong makapagsalita. Hindi ko naman talaga sinasadya yung kiss na yun. Isa pa bakit ba siya nagagalit sa akin, magpapakwento biglang aalis? Ang sama talaga! Kaasar lang!

"Ang aga pa ah! Wala pang klase." Eh kasi naman lunch pa lang namin.

"Wala akong mapapala sa mga kwento niyo. Ang baduy" Aba! Nagsalita ang lalaking hindi baduy.

"Girl, pabayaan mo na lang yun. May mood swing. Meron ata. Hahaha!" Tinuro pa ni Christelle si Xavier habang hinahawakan ang tyan at tumatawa.

"Hoy! Tigilan niyo ko ah." Narinig niya pa pala yon.

At saka lang tuluyan ng nakaalis ang busangot na yon. Ang lakas mag-inarte. Hahaha! Parang babae lang. Nakakasanayan na rin namin siyang makasama since parehas naman kami ng batch kaso magkaiba nga lang ng klase.

Si Xavier yung tipo ng lalaking masayahin, palabiro, minsan lang magseryoso, in short happy go lucky person. Ako na nagsasabi sa inyo, magaling talaga siya magdrawing. Ewan ko ba pero tama ngang siya yung panlaban namin sa mga drawing contest. Isa pa, mabait din siya pero madalas moody. 

Ilang sandali lang ay malapit na rin kaming pumasok sa loob ng classroom kasi mag-uumpisa na ang pang-5th period namin. Kaso hinihintay ko pang lumabas si Zedrick kasi nga iba yung klase niya at ayon, nakita ko siya at bigla siyang lumapit sa amin.

"Nicole, ahmm, kumain ka na? Wag kang papagutom ah. Sensya ka na ngayon lang kita nakausap. May klase kasi. Haha! Ayon, Hatid kita mamaya at hintayin mo lang ako sa tapat ng classroom niyo ah. Wag kang sasama sa iba, sa akin lang." Kinikilig naman ako. Napakabait sa akin. 

>///< "O-okay po. Wag ka din po papagutom." Eh, nahihiya naman ako lalo na kasama niya yung 2 niyang kaibigan. Hindi ako sanay.

"May 'po'? Ano ba yan. Tsk. Ibig sabihin kuya lang tingin mo sa akin. Tsk talaga" Hala! Nagtampo sabay pa sa pag-iling ng ulo niya.

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon