Chapter XIII

233 5 6
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 13 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

May pasok ngayon kaya papasok ako. Haha! Malamang! Eto ako ngayon papunta na sa school at pasakay na ng jeep habang nag-aayos ng mga gamit ko. 

Kinakabahan pa rin ako para sa Sunday! Alam niyo naman yun di ba? Yung ano.. Yung sa parents niya.. Hala. Kinabahan lalo ako. Parang feeling ko hindi papayag yung magulang niya. Tapos alam na rin naman siguro nila na nagpupunta si Zedrick sa bahay para sa mga gawain di ba?

Ang panget naman kasi para sa side ko yun., Sabihin nila ginagawa lang naming katulong yung anak niya o pinapahirapan namin tapos hindi ko naman sasagutin?

Sino bang may sabing hindi ko siya sasagutin?! Wala pa naman yung precious question di ba? di ba? Hindi niya pa naman ako tinatanong kaya wala pa akong sasagutin pero parang ganon pa rin yun di ba? Ay ewan ko! 

Sana lang talaga magustuhan ako ng magulang niya para hindi tulad sa mga drama na pinaglalayo pa ng magulang nila tapos gagawin ng lalaki ang lahat para magkatuluyan sila. Kung sakali kayang mangyari yun, gagawa rin kaya ng paraan si Zed para maging kami in the end?

"AY! MAMA! Para po!" Nakakainis naman! Lumagpas pa ako sa school namin. Kakaimagine kasi eh.

Eto tuloy maglalakad ako. Sana lang hindi ako malate at kung sakaling malate man ako sana may kasabay ako para hindi nakakahiya.

"Hey! Musta na?" Aba! Mukhang may makakasabay akong maglakad ah.

"Uy! Ikaw pala yan. Long time no see, ay chat pala. Hindi ka na namamansin!" Sabay palo ko sa braso niya pero mahina lang.

"Namiss nga kita eh. Haha!" Kung tatanungin niyo kung sino yun, Si Xavier lang yun. Sana nga si Zedrick na lang para makapagusap-usap na lang ulit kami.

"Talaga? Namiss din naman kita! Haha!" Nakisakay na lang din ako. Kasi malay niyo biro lang di ba? Pero sa totoo lang namiss ko siya kahit na saglit palang kami nagsasama.

"Sama ka mamaya? Wala kasi akong kasama eh. Pwede ka ba?" Tanong niya habang patuloy pa rin kami sa paglalakad.

"Saan pupunta?" Hindi ko naman alam na may dapat akong puntahan ngayon ah.

"Doon sa pinagtake-an natin ng summer class. May mga ilang instructions lang daw na sasabihin" Hmm? May pupuntahan ba ako ngayon? Wala naman siguro. Sige payag na ko.

"Ay oo nga pala. Sige. Sabay na lang din ako since wala pa rin naman akong kasama." Tama, sa kanya na lang para siguradong safe kasi lalaki siya pero tanungin ko na rin mamaya si Christelle about doon.

"Sige mamaya, hintayin kita sa tapat ng classroom niyo ah." Palayo na siya para pumunta sa room niya habang ako papasok na ng classroom namin.

"Sige.Bye!" Nandito na rin pala kami sa school namin. Di ko na namalayan ah.

First subect, Biology. Nakaka-antok naman pero kailangan ko pa rin mag-aral. Nakakaasar. Magmumuni muni na lang ako para naman maging productive kahit papaano ang oras na to.

After ng mga sumunod na oras ayun, Dismissal na. Ang pinakafavorite kong part!

"Uy Christelle, nakapunta ka na ba doon sa university kung saan tayo mag-susummer class?" Tanong ko sa kanya. Kasi nakapasa rin siya kaya dapat pumunta rin siya doon para sa instructions.

"Ah, Oo tapos na ako. Ikaw ba?" Tanong niya. Sayang naman hindi namin siya makakasama. Ibig sabihin kaming dalawa lang ni Xavier mamaya.

"Ahh, Pupunta pa lang kami ni Xavier eh. Gusto mo sumama?" Para naman hindi boring di ba? 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon