Chapter XII

236 6 5
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 12 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Simula nung pumunta dito sa bahay si Zedrick para sa panliligaw niya daw, palagi na siyang pumupunta dito sa bahay para magluto ng breakfast or lunch o kung minsan ay dinner.  Depende sa oras ng pagpunta niya. As of now, yun pa lang ang ginagawa niya. Ano pa kaya ang susunod? Kawawa naman ang Zedrick ko.

"Cole, kailan babalik si Zedrick? Namimiss ko na yung luto niya eh. Ang sarap, pwede ng panghouse husband" sabi ni mama habang inaayos yung mga nakadisplay sa sala.

"Ma naman, kakakita niyo pa lang kanina eh. Halos kakaalis lang. Di ka ba nabubusog?" si mama talaga kahit kailan ang kulit kulit.

Biruin niyo yun kakagaling lang ni Zedrick dito tapos hinahanap hanap na.  Siya kasi yung nagluto ng breakfast namin ngayon at dahil may pupuntahan pa daw siya kaya umalis na siya.

"Sige, basta sabihin mo bumalik siya rito ah. Sarap ng luto niya at sa susunod pala baka mapuputulan muna tayo ng koneksyon natin sa tubig. May aayusin daw muna sila kaya kung pwede pa-igibin mo na lang kuya mo doon sa kabilang kanto. Alam mo namang hindi na kaya ng papa mo yun eh." Hala! Mapuputulan kami? Nako naman! Di ako makakapagbabad sa tubig. Init init pa naman ngayon.

"Aba! Mariela, naririnig ko yung sinasabi mo ah. Parang ikaw ang nililigawan ah at kung makaasta ka ay parang ipagpapalit mo na ko." Si papa talaga kung ano-ano nanaman ang sasabihin niyan. Haha! Mga landian nila yun. Alam mo na.

"Papa naman, alam mo namang you're the only one di ba? Mas gwapo ka dun." sabay lapit niya kay papa at niyakap at nagkiss naman sa noo si papa.

"Sige aalis na ako at baka malate pa ako nito. Ikaw, Cheska umayos ka ah. Wag basta basta sasagot ng manliligaw. Hintayin ang tamang panahon." Cheska tawag sakin ni papa kasi ang korny daw ng Cole.

"Opo!" Sabay bukas ko doon sa remote ng tv at makapanood na lang ng kung anong palabas ang makitang maganda.

Umalis na rin si papa non at si kuya ay sumabay dahil may date nanaman daw. Buti pa si kuya padate date na lang samantalang ako, puro bawal.

Alam niyo bang kapag ihahatid ako ni Zedrick o susunduin, palaging nakabuntot si kuya kasi daw kailangan kasama siya. In-assign daw siya ni papa baka daw may gawin kaming kababalaghan.

Kaya minsan na lang kami nag-uusap ng kaming dalawa lang. Minsan takas lang usap sa bahay o di kaya sa school. Ang dami ngang bawal eh. Bawal daw umakbay, bawal magholding hands, bawal ang kiss sa noo, bawal ang matagal na titigan at kung ano pang mga bawal.

Grabe nga sila eh! Lahat na lang bawal pero kahit papaano okay na rin kasi napapakita niya talagang mahal niya ako. Yung ginagawa niya lahat para mapatunayan na karapat-dapat siya.

*Ding* *Dong* *Ding* *Dong*

"Cole! Tignan mo nga kung sino" Sabi ni mama ng pasigaw para marinig ko siya since nasa kusina at naglilinis ng mga utensil.

Pagbukas ko ng gate, tumambad sa akin ang isang mala-anghel na mukha! Ang gwapo naman! Para sa akin po ba itong nakikita ko? Sana akin na lang siya! Dito na lang siya sa bahay ah! Wag niyo na po siyang bawiin. Akin na lang siya... Ang gwapo niya! ang mga mata niya ang gandang pagmasdan...

"Nicole, okay ka lang?" Nagulat ako at nawala sa pag-iisip ng biglang magsalita yung taong nasa harap ko.

"'Ah, Eh... O-Okay lang ako. Zed, napapunta ka dito?" Grabe nakakautal. Nakakahiya naman kung nahuli niya akong nakatitig sa kanya.

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon