Chapter XL

121 4 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 40~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Wow! Xavier! Dali bili tayong strawberries!" Hinihila ko si Xavier papunta sa strawberry farm. Masarap yun di ba? 

"Teka lang!" Ang kupad naman nito.

"Ang bagal mo."

"Sus. Broken hearted ka ba?" Ayan nanaman! Inopen pa kasi yung topic na yan.

"Oy, Sorry na. Tara! Tayo na lang ang mamitas ng mga strawberry."

"Sige!" Di ko na lang iniisip yung nangyari kanina pero deep inside talaga masakit. Sobrang sakit.

May magagawa pa ba ako kung yun ang gusto niya? Sabi nga niya, di niya ako mahal.

Enough na yun para layuan siya. Mas masasaktan lang kasi ako lalo. (T__T)

"Oy, Nix. Tulala ka nanaman dyan." Hala, napansin pa tuloy ni Xavier.

"Ahh, wala. Tara!" Lumapit ako sa kanya tapos siya naman papalapit din sa akin.

"Sabi ng wag ka ng iiyak eh." Sabi niya sabay punas ng mga luha ko. Umiiyak nanaman pala ako.

"Sorry." ( _._)

"Tara na nga. Ang drama mo. Papanget ka lalo niyan."

"Haha! Ikaw din panget!"

"Ang sama mo. Ikaw na nga itong kinocomfort."

"Haha! Loko lang. Sorry na. Peace! (^_^)V"

"Pasalamat ka ma... Tara na nga! May pupuntahan pa tayo after nito."

Nagpatuloy lang kami sa asaran tapos natapos na rin kami sa pamimitas ng mga strawberry! 

Ang dami! Ang sarap kumain nito! Matamis tamis tapos maasim asim pa! Yipee! Sarap! 

Sabi nila kapag brokenhearted ka, kumain ka na lang kaysa umiyak. 

Sayang kasi ang luha samantalang kapag kumain ka, sigurado healthy ka pa. Parehas naman walang mangyayari. 

Umiyak o kumain man. Masakit pa rin. Hay! Ayoko na talaga! Nakakainis! Ang sakit talaga. :'(

Nakabili pala kami ng 3 kilong strawberries! Ibibigay na lang namin sa iba.

"Oh, ano? Masaya ba? Tara na!" Pagyaya ulit sa akin ni Xavier.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Secret. Haha. Wag ng maarte, sama ka na lang." 

Naglakad kami tapos sumakay ng dala niyang sasakyan. Nanghiram ata siya. Ewan ko lang kung kanino.

"Nandito na tayo." Sabi niya.

"Mines view?"

"Yup! Tara! Isigaw mo na yang nararamdaman mo." Parang may naalala ako. 

"Sisigaw nanaman?"

"Yup but this time, you hate him." Tama siya! I hate him but I love him at the same time.

Naalala ko dati sinigaw kong gusto ko siya tapos ngayon isisigaw kong galit ako.

Nakakatawang isipin. Ganun na ba kabilis ang pangyayari?

Umakyat kami sa pinakamataas! Ang ganda! Super! Kitang kita mula dito yung mga bahay at ibang lugar.

May mga Igorot pa ditong nagsasayaw. Papapicture kami mamaya! Yung magsusuot din kami ng damit nila! Excited na ako. Yipee.

Pumwesto na ako. Ready to shout na.

"Hahawakan ko pa ba ang kamay mo?" Napalingon ako sa kanya. Katabi ko lang siya ngayon. Dati kasi di ba hinawakan niya rin ang kamay ko. 

"Bakit nagbablush ka dyan? Oy. Anong iniisip mo?" Shocks! Nagblush ako? Hindi naman! >///////< Nakakahiya! Nakita niya yun?

"H-Hindi ah! Wala, wala naman akong iniisip." 

"Sus. Don't tell me inlove ka sakin." 

"Ang kapal ng mukha mo. Ako maiinlove sa'yo?" 

"Malay mo." Haha! 

"Oo na. Dali na hawakan mo na kamay ko." Sinunod naman niya yung inutos ko. Kasi mas nakakagaan ng pakiramdam kapag may napipisil ako habang sumisigaw ako!

"Game na." Nagnod na lang ako.

"BEEEE!!! I HATEEE YOUUU!!! I REALLLYY REALLLY HATEEE YOUUU!!!" Grabe! Nakakahingal! 

"Okay na? Sakay na tayo ng kabayo." Kabayo?! Di ako marunong sumakay! Mamaya bigla akong sipain nun. Huhuhu

"Ehh.. Xavier.. Di kasi ako marunong.."

"Hahaha! Akong bahala sa'yo." Sumunod na lang ako sa kanya.

"Kyaaahh! Yung kabayo! Nako po. Mamaya masipa ako nyan Xavier ah! Ikaw may kasalanan." Pumunta ako sa likuran niya.

"Hahaha! Wag ka ngang duwag. Nandito ako oh. Tara na!" Hinila niya yung kamay ko. Ano ba kasing nasa isip niya?

"Sir, pa-rent isa lang." Isa lang?

"Oy, Bakit isa lang? Don't tell me ako lang ang sasakay dyan?"

"Hahaha. Maghintay ka kasi." Hala! Kinakabahan ako. Kasi baka mapahiya ako oh. Ang dami pa namang tao dito. 

Paano kung bigla na lang akong sipain tapos kaladkarin ako? Hindi. Hindi! 

Sabi ni Xavier, siya daw bahala. Siya malalagot sa tatay at nanay ko kung ano man ang mangyari sa akin.

Kamusta na kaya si Bee ngayon?

Iniisip niya rin kaya ako tulad ng pag-iisip ko sa kanya ngayon?

Ay baka hindi. Baka ibang babae. Baka may kausap siya iba. 

Babaero. Nakakainis. Bakit kasi sa kanya pa? 

"Sakay na tayo."

"Tayo?" (-_-)? Anong ibig niyang sabihin sa tayo?

"Sasakay tayong dalawa doon oh." Tinuro niya yung isang kabayo na kulay white! Ang cute! (^_^) 

Bigla tuloy akong naexcite pero ibig sabihin kaming dalawa ang sasakay doon? O_O

"Sakay na." Sinunod ko yung utos niya tapos...

"Usog ka." Umusog naman ako. Napaghahalataan na nagiging uto-uto ako ah! Xavier!

"Hon! Ang sweet naman nila oh!" - girl 1

"Kyaaahhh! Ang gwapo nung lalaki! Sana ako rin! Kyaaahhh!"- girl 2

"Tara! Gayahin natin sila honeypie." - boy 1

Hala! Nakakahiya. Kami na tuloy yung napag-uusapan. Kasi naman nasa likod ko si Xavier tapos parang nakayakap pa siya sa akin.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya sa akin.

"Ahh.. Oo." Nakakahiya kasi. Di ako ganun kakomportable na parang nakayakap siya sa akin.

Nag-umpisa ng maglakad yung kabayo. Walang umaalalay sa amin na kuya sa baba. Ang daya. Di ba dapat may nag-aassist sa amin?

Siya yung humawak sa lubid na nakatali sa kabayo. 

"Nix.."

"Hmmm.." Lalong lumapit siya sa akin. Parang nakayakap na talaga siya.

"Kalimutan mo na siya. Please?" 

*Dugdug* *Dugdug* *Dugdug*

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon