Chapter XLVI

109 4 6
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 46~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Oo matino to. Bakit mo pala tinawag na Papa ang papa ko?" 

"Papa? Haha. Malamang tatay ko yun eh." Alam ko! Nakakaasar namang sagot nito.

"HA?! Di kita maintindihan eh! Ipaliwanag mo kasi!" Ayaw kasi mag-explain ng mabuti. Paano ko maiintindihan. 

"Relax lang. Excited ka masyado." Ako pa excited ngayon. 

"Dami mo kasing paligoy-ligoy eh." Sagot ko sa kanya. Naging curious tuloy agad ako sa kanya.

"Oo na. Eto na. Tatay ko yun. Di ba sabi ko sa'yo magulang ko hiwalay na? Nanay ko ang nanay ni Zedrick. In short Half-brother ko siya."

"So ibig sabihin, Yung sinasabi mong may ibang pamilya na ang nanay at tatay mo? Pamilya namin at pamilya nila kuya Zedrick?"

"Yun nga." Tipid magsagot.

"Ahhh.. Eh di kuya na itatawag ko sa'yo?"

"Hindi." Ano ba yan!? Nakakainis lang. Bakit naman kaya?

"Eh? Bakit hindi? Anak ka ng step-father ko."

"Ayoko. Wag mo ng ipilit sa akin yang gusto mo."

"E di wag. Di naman kita pinipilit ah. Blehh.. Kuya Xavier. Kuya Xavier."

"Nix. Di ka titigil?" Nananakot nanaman siya pero bahala siya. Haha!

"Titigil na po kuya Xavier. Hahahaha!"

"Shut up. Tsk. Ang kulit."

"Oo na. Titigil na. Haha. Magagalit pa yan eh." Inalo ko pa siya nun kasi naman matampuhin kaya to.

Pero grabe lang ah! Di ko expected na may sariling family na pala ang tatay ko. 

"Xavier, hindi ka ba galit sa kanila?"

"Kanino?"

"Sa magulang mo. Iniwanan ka nila hindi ba?"

"Oo nga pero bakit pa ako magagalit nangyari na eh. Kapag nagalit ba ako, mabubuo pa ang pamilya namin?"

"Pero hindi mo ba sinubukang mabuo ulit yun?"

"Hindi na. Mas mabuti na yung ganito. Sure akong kasama nila ang totoong mahal nila. Mahihirapan lang silang pakisamahan ang isa't isa. Makikita ko lang silang nag-aaway."

"Ganoon ba? Ang hirap naman nun."

"Wag ka ngang malungkot. Naiinis tuloy ako."

"Hala! Bakit naman?" Bigla na lang siyang nainis eh.

"Eh kasi kinaka-awaan mo ako. Ayoko ng awa."

"Hindi naman ah! Kung ano ano iniisip mo."

"Gusto ko asawa." Babanat lang pala eh! Kapatid nga niya talaga si Zedrick. 

"Mag-aasawa ka agad? Di ka pa nga tapos mag-aral eh."

"Hihintayin naman kita ah."

"Ako?! Bakit mo ako hihintayin?"

"Para mapakasalan mo ako."

"HA?!" Grabe kung makapagsalita itong si Xavier! Ang lakas nanaman mantrip.

"Wala! Ang bingi mo. Ayan na yung tutor natin."

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon