Chapter XXIX

146 5 34
                                    

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 29~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Mahal mo?" Pagtatanong nito sa akin na naging daan para mapalingon ako sa kanya.

Tinitigan ko lang siya noon. Tapos bigla niyang binitawan yung kamay ko. Wala pa rin akong respond sa kanya. 

Tumalikod siya noon tapos biglang nag-umpisang maglakad.

"Di mo ba ako ihahatid?" Pagtatanong ko sa kanya. Nakakainis naman kasi siya eh. Bigla siyang magpapahintay tapos di naman niya pala ako ihahatid.

"Di ba ang gusto mo naman makasama eh si Kenneth? Bakit ka pa magpapahatid sa akin?"

Nakakainis. Di wag. Kung ayaw niya, marunong naman ako umuwi mag-isa.

Di ko na siya pinansin at nilagpasan. Mag-iinarte pa siya. Ako na nga nasaktan tapos uunahan pa ako magdrama.

"Hoy. Teka lang. Ihahatid na kita. Mamaya magsuicide ka pa dyan." Hinabol naman na niya ako noon.

"Hoy, pansinin mo naman ako. Kanina pa ako nagsasalita. Di mo naman ako kakausapin."

"Eh ang daldal mo kaya. Ang sakit sa tenga ng boses mo." Tumahimik siya noon. Tapos bigla naman ako nakaramdam ng sakit. 

"Pahiram ng balikat mo ah." Nagnod lang siya noon.

Tapos umiyak na ako ng umiyak! Nakakainis pala si kuya Kenneth! Pinaasa niya lang ako. Ay mali pala! Umaasa lang ako. Eh bakit ba kasi pafall siya! Ganoon ba talaga siya kasweet sa mga babane kakilala niya?! Nakakainis!

"Nakakainis kaibigan mo." Umiiyak pa rin ako habang nakapatong lang yung ulo ko sa balikat niya.

Ni-hindi nga siya nagsasalita eh.

"Sana ikaw na lang ginusto ko."

"Sana kasi di ako umasa. Eh di sana hindi ako nasasaktan. Nakakainis talaga."

Iyak pa rin ako ng iyak. Astig nito magcomfort ah. Di man lang nagsasalita. Nakakainis. Magsama sila ng kaibigan niya.

"Hoy, magsalita ka nga" This time naman hinampas ko siya sa braso pero di na ako nakasandal sa balikat niya.

"Sabi mo tumahimik ako."

"Eh, ngayon magsalita ka na. Kaasar to."

"Kaya nga ako salita ng salita kanina para di ka malungkot eh. Tapos patatahimikin mo ako. Ayan, umiyak ka tuloy." 

Napatahimik ako sandali tapos umiyak nanaman ako. Waaaahhh!!!

"Hoy, tumigil ka na nga. Ang pangit mo tuloy."

"Alam mo yung naasar? Ako yun kaya pwede wag ka ngang mang-asar."

"Pinapatahan lang kita. Eto naman. Dali. Gusto mo chocolate?"

"Chocolate? Anong gagawin ko doon?! Makakapagpaalis ba yun ng sakit na nararamdaman ko?!"

"Hindi. Kakain lang tayo. Masyado ka kasing nage-emote. Tara!" 

Tapos hinila nanaman niya ako. Ang hilig niya mang-hila ah. May paa naman kasi ako para maglakad.

Maya-maya lang nasa tapat na kami ng ice cream house.

"Di ba sabi mo chocolate?"

"Oo. Sabi ko chocolate."

"Di ba dapat sa candy shop or chocolate shop or grocery store tayo pupunta? Para sa chocholate? Eh bakit dito?"

"Sinabi ko lang chocolate. Meron naman silang chocolate dito ah. Chocolate Ice Cream. Masarap yun. Tara! Pampalamig ng ulo mo."

Nako naman. Sira pala to eh. Expected ko pa naman yung isang malaking toblerone. 

Kumain na nga kami ng chocolate ice cream na libre niya. Syempre kinaladkad niya ako dito tapos ako pa magbabayad ng kinain namin.

"Bakit mo naman iniyakan yung isang yun?" Pagtatanong niya sa akin. Ako subo pa rin ng subo.

"Trip ko." Tipid na sagot mo.

"Ako ba trip mo?"

"Hindi." 

"Ang sama mo."

"Bakit?"

"Mahal kita tapos ginaganyan mo lang ako."

Okay. Awkward silence. Wag kasing ganyan.

"Oy, totoo yun. Nagbabago na nga ako para sa'yo tapos ayaw pa maniwala."

"Hahahahahahaha! Ang galing mo magjoke!!! Nakakaasar ka! Hahahahaha!" Natatawa ako sa kanya. Siguro sa mukha niya? Ang lungkot na ewan kasi eh. Di bagay sa kanya.

"Grabe ka. Tinawanan mo lang ung confession ko sa'yo?"

"Totoo ba talaga yun? Hahahaha! Bakit kasi ganyan itsura mo?"

"Bakit anong problema sa itsura ko? Gwapo naman ako ah. Mas gwapo pa nga kay Kenneth at Zedrick eh."

"Ang dungis mo! May chocolate ka pa sa gilid ng labi mo. Hahahaha! Ang cute mo! Para kang bata kumain." Grabe! Ang saya pala kasama nito. Ewan ko ba nakafeel kaagad ako na komportable sa kanya.

Inabot niya sa akin yung tissue.

"Anong gagawin ko dito?"

"Punasan mo kung saan yung chocolate. Dali."

"Makautos ka parang katulong ako ah. May kamay ka naman ah."

"Wala man lang kasweet sweet tong babaeng to. Dali."

"Ayoko. Punasan mo sarili mong labi."

"Ayaw mo talaga?"

"Ayoko nga. Ang kulit."

Tapos nagulat ako sa ginawa niya.

Hinalikan niya ako sa lips! Waaahhh! First kiss ko yun eh! Bakit kinuha niya?!

Naitulak ko kaagad siya na nagcause na mapaupo siya.

"Eh di parehas na tayong may chocolate sa lips. Ang sarap." Sabi niya pa sabay subo ulit ng ice cream niya.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon