Chapter XXI

179 6 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 21 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Good morning Christelle! kamusta naman ang aking matalik na kaibigan? Namiss kita!!! Pahug naman dyan!" Sabay hug ko sa kanya at ganon din naman siya sa akin.

"Namiss mo talaga ako? talaga lang ah! Haha! Magkwento ka naman sa mga nangyayari sa'yo nitong mga nakaraang araw?" Sabi niya habang yumakap din sa akin at tinanggal ang yakap. Ang kulit talaga nitong babaeng to.

"Etong mga nakaraang araw? Ayon, masaya naman eh paano ba naman kasi dinala ako ni Zed sa ...."

"Ano? sa hotel? Anong ginawa niyo doon?" Eh? hotel? Ginawa? Ang alin?

"Ha? Patapusin mo nga muna ako. Sabi ko nga dinala niya ako sa..."

"Saan sa motel? Grabe naman kayo. Ang babata niyo pa tapos nagpupu--"

"Christelle naman eh! Hindi naman kasi kami doon nagpunta eh. Ano ba yang pinagsasabi mo?"

"Ay hindi ba? Binibitin mo kasi ako eh."

"Ayaw mo kasi ako patapusin eh. Adik ka talaga. Sa simbahan niya ako dinala. Sabi niya papakasalan niya daw ako. Di ba nakakakilig? Tapos binigyan niya pa ako ng necklace. Shocks lang talaga! kinikilig ako sa mga ginagawa niya."

"Eh di kayo na. Porke may nanliligaw lang siya pinagpalit mo na ako."

"Ha?! Hindi naman kita pinagpalit ah. Nagtatampo ka nanaman. Ang sabi mo kasi ikwento ko ung mga nangyari sa akin."

"Oh, sige na nga. Eh kasi naman puro na lang Bee, puro na lang Zed o kaya Zedrick hay nako! Nakakasawa kaya. Kami naman ngayon ah. Gala tayo!"

"Sure! Saan tayo pupunta?"Pagtatanong ko sa kanya.

"Hmm..." Nag-isip pa siya habang ung kamay nasa ulo niya. "Sa Sm na lang tayo. Sama natin si Xavier! Nakakamiss din yung lalaking yun eh."

"Sige. Mas marami, mas masaya."

*Kinabukasan, nasa tapat na ako SM*

"Xavierrrr! Pakiss ako! HAHAHA! Namiss kita eh!" Si Christelle, kararating lang habang kinukulit si Xavier na ikiss daw siya.

"Manahimik ka nga! Kadiri ka!" Angal naman ni Xavier habang tinatanggal ang mga kamay ni Best sa mga braso niya.

"Hahahaha! BAKLA KA NOH?!" Haha! Natawa ako. Sa itsura ni Xavier magiging bakla? Haha! Di kaya?

"Best! Hahaha! Mukha bang bakla si Xavier?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga! Ang daming namamatay na babae sa pagmumukha kong ito tapos ikaw sasabihan mo lang ako ng bakla. Buti pa si Nicole, marunong umaappreciate ng totoong gwapo." Ang lakas ng hangin! Whew. Sabay akbay niya pa sa akin. Aba, makaakbay ahh.. Haha.

"Best, di nga? Di ka naniniwalang bakla yang si Xavier? Malay mo pusong babae naman talaga yan." Pang-aasar ni Best kay Xavier. Natatawa lang ako sa dalawang ito. Paano kung sila sa bandang huli? Haha! Di ba?

"Baliw." Yan lang ang nasabi ni Xavier kay Christelle kasi alam niyang hindi talaga siya titigilan nito eh tapos sabay umpisa ng maglakad at syempre hindi na rin siya nakaakbay  sa akin.

"Xavier, paano kung bakla ka nga?" Haha! Natatawa ako sa tanong ko. Nasa loob na kami ng sm, tapos pumunta na rin sa pinakababa para kumain sa food court.

"Tsk. Kulit niyo talagang magkaibigan kayo no? Di nga... Ako... BAKLA!" Hala! Nainis na oh pero ang saya kasi niyang asarin eh. Alam niyo yun? Kapag inaasar niyo siya natutuwa ka sa magiging reaction niya? Basta ganon un eh., gwapo na nga siya tapos aasarin ng bakla.

Hindi na kami umimik ni Christelle alam niyo naman yang si Xavier, kung ano maisipan gawin gagawin niya.

"Bakit ang tahimik niyo?" Si Xavier yung nagsalita. Malamang napansin niya walang nagsasalita sa amin ni Best eh.

Nagkatinginan lang kami ni Best tapos biglang tumawa!

"Hahahaha! Bwahahaha!" Nagkakaintindihan na talaga kami nito. Alam kong nasa isip nito na asarin ulit si Xavier eh. Haha! Ganyan talaga yang si Christelle, walang pinapatawad.

"Hoy! Tigilan niyo nga ako! Tumatawa kayong dalawa wala naman dahilan., Hoy! Ano ba!" Tumigil kami sa pagtawa tapos tumigin naman sa kanya. Yung mukha niya parang natatakot na nahihiya.

Yung tingin na may balak gawin sa kanya.

"H-H-HOY! A-Ano ba kayo! Tigilan niyo nga ako! D-Di na kayo nakakatuwa ah! H-Hoy! Ano ba!?! BWAHAHAHAHA! H-HOY! Sabi ng tigilan niyo ako ehh!"

Grabe talaga kiliti nitong lalaking to sa leeg! 

Pumunta kasi kami ni Best sa likod tapos biglang kiniliti ang leeg niya.

OOPPSSSSS!!!!

*tsup*

O_O

Na-Nakiss niiya ako sa lips pero smack lang un. Kahit na smack lang yun, nagdampi pa rin ung labi ko sa labi niya! Bakit?!

"Sabi ko sa inyo di ako bakla eh!" Aba! Di man lang nagsorry! Kainis!

"H-Hoy! Anong pinagsasabing di ka bakla! Kiniss mo ako eh! Waaaahhh! Bakit?!" Pagrereklamo ko sa kanya.

"Di kaya kita kiniss. Tadhana un. Bwahahahaha! Karma yan!" Anong karma pinagsasabi nito! Sinadya niya yun eh!

"Sinadya mo yun eh! Bakit ako ang nakiss?! Dapat si Christelle ah!" Nakatayo pa rin kami sa table namin tapos ang daming mga mata! Mga matang nakatingin sa amin.

"Hahaha! Mas gusto ko ung sa'yo eh." WAAAAHHH!!! 

"XAAAAAVVVVVIIIIEEEEERRRRR!!!!! Bumalik ka dito!!!!" Nakakainis naman oh! Babatukan ko na eh! Kaso biglang umiwas eh! Nagtatakbuhan tuloy kami sa loob ng mall.

"Ang gwapo oh! Shocks!"

"Sino yung humahabol? Stalker niya?" Oh? Ako pa naging stalker?! Waaahh! bumalik ka na kasi dito.

 "Di man lang nahiya yung girl. Siya pa talaga yung naghahabol sa guy ah!" What?! 

"Ang sweet nila Bunch no?" Sweet pa kami sa lagay na to? Ano ba itong naiisip ko.

*BOOGSH* Ouch! Ang sakit naman sa pwet! Ang laking mama yata ung nabangga ko. 

"Sorry po! sorry po talaga! Di ko sinasadya, may hinahabol lang kasi ako eh. Sorry po talaga.. Sorry --" 

"Takbo kasi ng takbo eh. Haha! Bagal mong tumakbo.." Bigla na lang akong inakbayan ni Xavier samantalang ako pabow bow pang nalalaman. 

Hindi ko pa nga nakikita kung sino ung nabangga ko eh pero alam kong si Xavier ang umakbay sa akin. Boses pa lang at pang-aasar eh.

"Nicole?! Bakit?... Bakit magkasama kayong dalawa at bakit kailangan inaakbayan ka niya?!" 

Kilala ako ng taong nakabangga ko?

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon