Chapter XLVIII

106 3 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 48~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

Pauwi na ulit kami galing sa summer class namin.

As usual sabay sabay nanaman kaming uuwi.

"Uy best, Punta muna ako sa bahay ng kakilala ko malapit dito ah." Sabi ni Christelle.

"Huh? Aalis ka? Akala ko ba kakain tayo nila Xavier?" Napagplanuhan na kasi namin.

"Oo nga." Sagot naman ni Xavier.

"Saglit lang naman ako eh. Hahabol ako basta text niyo na lang ako kung nasaan na kayo."

"Sige na nga. Basta bilisan mo ah."

"Sige sige."

"Tara, mauna na tayo." Sumunod na lang ako kay Xavier.

Di naman kalayuan yung kakainan namin kaya nakarating din agad kami.

"Sa tingin mo sino kaya yung pupuntahan ni Christelle?" Tanong ko sa kasama kong walang imik.

"Malay ko. Malay mo boyfriend niya." Boyfriend? Wala naman akong alam na boyfriend niya ngayon ah.

"May boyfriend ba siya ngayon?" Di ko kasi talaga alam.

"Di ko rin alam. Tanungin mo kaya."

"Sige wait lang." Nag-umpisa na akong maglakad para puntahan si best.

"Oy, saan ka pupunta?" Tanong ni Xavier.

"Kay Christelle. Magtatanong. Sasama ka?"

"Psh. Wag mo ng puntahan. Kumain na lang tayong dalawa." Akala ko di ako pipigilan eh.

"Hahaha. Eh naiinis ka agad."

"Naiinis? Hindi ah. Bakit naman ako maiinis?"

"Aba malay ko sa'yo. Bleh" Binelatan ko nga.

"Tara." Oops! Wrong move ata! Bigla kasing hinawakan niya yung kamay ko sabay hatak sa akin.

"Oy! saan tayo pupunta? Bakit kailangan mo hawakan kamay ko?"

Lumingon siya sa akin at biglang ngumiti? Di ko lang sure kung ngumiti ba talaga siya.

Dahil hindi na siya sumagot, di na rin ako nagsalita.

Tapos maya maya lang nandito na kami sa bilihan ng sapatos at nagtatago?

"Oy! Bakit ba tayo nandito? Bibili ka ba ng sapatos? Puro pambabae to ah!"

"Shhh! Wag kang maingay! Makikita nila tayo?"

"Sino ba yun?"

"Yung kabilang section. May kasamang tutor eh."

"Eh ano naman ngayon? Magagalit ba sila?"

"Hindi, mamaya kasi kung anong isipin nila."

"Isipin nila? Ano naman iisip nung mga yun?" Ang gulo kausap nito.

"Basta. Text mo na lang si Christelle kung nasaan na siya para tatlo tayo."

Ako naman sumunod na lang. Ang weird kasi niya.

"Oy. natext ko na. Papunta na daw siya."

Nag-umpisa nanaman siyang hawakan ung kamay ko sabay lakad. Parang tinataguan niya talaga yung taga-kabilang section.

Ano ba kasing meron? Ano naman kung may tutor? Ano naman iisipin nila? Hmm. Di ko magets!!!

Pero natatawa na lang ako kay Xavier kasi yumuyuko pa talaga siya habang naglalakad para di makita eh.

Sa wakas nakarating na rin kami sa kakainan namin.

Ako naman umupo na tapos kaharap ko naman si Xavier.

"Hay salamat." Buntong hininga ni Xavier.

"Ang weird mo no?" Ang tagal naman ni Christelle.

"Uy, Xavier. Sila kuya Tristan oh! Kasama yung mga tutees niya." Hahaha! Tinaguan pa namin sila samantalang magkikita rin naman kami dito sa kakainan namin.

"Ay, sh*t! Tsk."

"Oy, bawal magmura."

"Sorry." Sabay yuko na lang at kunyari nagtetext. Hahaha. Ano ba kasing nasa isip nito?

"Xavier, tawag ka ni kuya Tristan." Sabi nung babaeng lumapit sa amin.

Bakit naman siya tinawag?

Tumayo na si Xavier sabay punta sa table nila kuya Tristan.

Pero maya maya lang bumalik na siya.

"Anong sinabi sa'yo?"

"Wala." Wala daw? Eh meron yan! Ano kaya yun?

"Ano nga? Ayaw pang sabihin eh."

"Gusto mo malaman?"

"Syempre! Kaya ko nga tinanong eh."

"Aish. Kung girlfriend daw ba kita." Sabay kamot sa batok niya.

Girlfriend? >///< Argh. Hala bakit ako namumula. Nakakainis.

Bigla akong nahiya tuloy.

"A-anong sinabi mo?"

"Wala ka na dun. :P"

"Damot nito." Dumating na rin si best pagkatapos ng ilang sandali. Tapos umorder na rin kami.

"Ang tagal mo." - Xavier.

"Masaya ka naman." - Christelle.

Huh? Ang layo naman ata ng sagot ni Christelle?

Di ko na lang sila pinansin at kumain na. Nawiweirduhan ako sa dalawang to.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon