Chapter XXV

148 5 0
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 25 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Christelle! Bakasyon daw tayo sa Baguio. Niyaya ako ni Bee eh!" Grabe! I'm so excited na kasi eh. Nandito ako ngayon kanila Christelle dahil pupuntahan namin yung classmate namin para gumawa ng group report.

"Kailan ba iyan? Baka naman ma-OP ako sa inyong dalawa ah. Ang sweet sweet niyo tapos ako walang kapartner doon." Naglalakad na kami palabas ng bahay nila.

"Hindi ah. Yayayain naman ni Bee sila kuya Amber eh para hindi ka mag-isa. Yiee! Nandoon yung manliligaw mo oh." Pang-aasar ko sa kanya, Remember niyo ba si kuya Amber? Siya yung nangungulit na makipagdate kay Best.

"Anong manliligaw pinagsasabi mo. Hindi ko manliligaw yun. Mukhang lugaw nga eh." Aba.. Si best may galit?

"Eh bakit ganyan ka masyado magalit sa kanya? May nagawa ba siyang masama sa'yo?" 

"Wala naman. Naiinis lang ako sa inaasta niya. Porke babaero, akala niya pati ako madadaan niya sa mga pacute niya." Sus pakipot pala itong best friend ko eh.

"If I know, mamaya nagkikita pala kayong dalawa eh."

"Hindi ah. Palagi non kasama sila kuya Zedrick." Hmm... 

"Eh bakit alam mo? Sinusundan mo sila no?" Haha! Ang sarap asarin nito.

"H-Hindi ah!" Masyado siyang nagdedeny. Halata naman eh.

"Eh bakit nauutal ka? Ikaw ah! may hindi ka kinukwento sa akin."

"Wala n-naman akong ikukwento sa'yo eh." Sabay iwas niya ng tingin. Grabe! Medyo nakakaamoy ako na naiinlove na si Best..

"Best kasi... Sabihin mo na.." Tinutusok tusok ko siya sa tagiliran niya. Ayaw pa kasing sabihin eh.

"Ano kasi.. Si.. kuya Kenneth yung tinitignan ko." Ayun umamin din!

"Si kuya Kenneth? Yung tahimik lang?" 

"Oo siya nga. Ewan ko ba.. Kapag nagkakatext kami nun, super bait niya pero kapag sa personal naman ayaw naman mamansin."

"Yiee! Best! Inlababoo ka na!" Sana maging maganda ang kalabasan ng lovelife nila.

"Oo na! Eh ikaw nga dyan mas inlove kaysa sa akin eh. Speaking of Baguio. Sino sino nga tayo?"

"Ahh.. Ako, Si Bee, Ikaw, Si kuya kenneth mo, kuya Amber at Xavier." Haha! Talagang sinadya kong lagyan ng MO yun.

"Nicole naman eh! Ang lakas mo mang-asar ah. Porke ngayon ko lang sinabi to eh."

"O sige na.. Di na kita aasarin. Basta sumama ka ah. Nandoon naman sila Xavier eh."

"Sure! Papaalam ako kay mader. Haha!" Ayon, nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa bahay ng classmate namin.

"Hey! Bakit ka nandito?" tanong ko kay Xavier. Biruin niyo yun, di naman namin siya classmate pero nandito siya? Nakakapagtaka.

"Haha! Napadaan lang ako." Sagot niya habang umayos ng upo sa sofa nila Mariel.

"Ayan nanaman yang napadaan mo ah." Palagi na lang siya napapadaan ah. Parang sa lahat na lang ng bahay napapadaan siya.

"Onga. Napadaan lang ako. Ayaw pa maniwala. Tanong mo pa sa kanila eh." Turo naman niya sa mga classmate ko. Infairness ah! Friend niya na lahat ng tao dito.

"Nicole. Maniwala ka na dyan kahit nagpumilit lang talaga na sumama yan." Sabi ng isa pa naming classmate. Nagpumilit? Bakit naman?

"Xavier kasi... Aminin mo na." sabi naman ni Christelle.

"Ano naman aaminin ko? Pauso ka talaga." Sabay tayo niya sa sofa. Ang gulo talaga nitong taong to.

"Haha! Mariel... Mag-umpisa na nga lang tayo at ng matapos na ito ng maaga." Sabi ko naman sa group leader namin.

"Sure. Umpisahan na nga natin. Uy Xavier bahala ka na kung ano ang gusto mong gawin ah." Sagot naman niya.

"Oo na. Magdodrawing na lang ako dito. Penge papel." Haha! Lintik.. Pati ba naman dito magdodrawing pa rin siya pero ang galing niya talaga. Promise!

Nag-umpisa na kaming magsulat at mag-usap usap. Tapos tahimik lang din sa isang tabi yung lalaki doon. Ewan ko ba kasi bakit nandito yan. Wala naman siya gagawin dito.

Natapos na rin kami sa wakas kaya ayun uuwi na kami. Medyo madilim na rin kaya delikado na.

"Uy! Sige alis na kami ah! Bye!" Sabi namin ni Christelle.

"Wait! Sabay na ako." Napalingon naman ako kung sino yung sasabay sa amin. As usual walang iba kung hindi si Xavier.

"Eh magkaiba ang direksyon ng bahay natin ah!" sabi ko sa kanya. Kakanan kasi kami samantalang siya naman pakaliwa.

"Okay lang yun. May dadaanan lang din ako." Napapansin niyo bang ang daming dinadaanan nito? Nag-umpisa na kaming maglakad. Di bale mauunang madaanan ang bahay nila Christelle kasi malapit lang sila eh. Kumpara sa amin.

"Dami mo namang dinadaanan. Saan ka ba talaga pupunta?" Curious na tanong ni Christelle sa kanya.

"Sa likod lang ng park na malapit sa school." yun ba yung pinagdalhan niya sa akin?

"Ano naman ang gagawin mo doon?" - Christelle.

"Secret." Tipid na sagot naman niya.

"Oy! Dito na ako ah! Bye! Ingat kayong dalawa pauwi." Nandito na pala kami sa bahay ni Best. Ang bilis naman ata.

"Sige! Bye!" Sigaw na sagot naman niya.

"Nix!" Takte! Tama bang yun?

"Ay kabayong mukhang paa! Bakit ka naman sumisigaw dyan? Nakakagulat ka eh." Grabe naman! Tama bang isigaw pa ang word na Nix?

"Hahaha! Kabayo na nga mukha pang paa? Kawawa naman ako. Ganoon ba itsura ko? Hahaha!" Grabe! Sige tumawa lang siya.

"Ano naman nakakatawa dyan? Para ka talagang baliw kahit kailan." Sabi ko sa kanya. 

"Baliw sa'yo." Grabe! nakakakilabot na ewan! Paano naging seryoso yung tono ng pananalita niya. Hindi siya nakatingin sa akin nung sinasabi niya yun pero grabe lang. Nagulat ako kaya napatulala ako sa kanya.

"Ano ulit yun sinabi mo?" Tanong ko sa kanya para lang maclear kung yun nga yung sinabi niya.

"Baliw sa'yo. Ang bingi naman." Talagang inulit niya? Hindi niya ba sasabihin na secret? bawal ng ulitin? Ay takte! Bakit naman niya idedeny yun? Akala mo naman may gusto siya sa'yo? 

"Hahahahahahahaha! Bakit naman hahahaha! ganyan mukha mo? Para kang nakakita ng multo! Hahahahaha!" niloloko talaga ako ng isang to.

"Ewan ko na nga sa'yo." Nag-umpisa na ulit akong maglakad. Grabe lang siya ah! Pinapahiya niya ako. Para siyang ewan.

"Haha! Di mo ba kasi alam yung salitang banat? Tsk. Ang ignorante mo naman." Ang sama talaga nito. Di ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya.

Nakakailang steps na ako pero wala man lang akong ibang salitang narinig. Di ko nga alam kung sinusundan niya pa ako eh. Ano na kaya nangyari doon? Lumingon ako para tignan kung nandoon pa siya.

Sumusunod siya sa akin tapos bigla siya nagsalita.

"Tara!" Hinawakan niya yung kamay ko tapos nag-umpisa ng maglakad. Di bale  nauuna na siya ngayon habang hawak hawak niya yung kamay ko. Yung hawak na sincere. Yung hawak na hindi ka bibitawan. 

Ano ba itong naiisip ko? Napapraning na ba ako?

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon