Chapter XX

185 6 9
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 20 ~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Waaaahhh!!! Si Xavierrrr! Si Xavier muntikan ng masagasaan! Nakakaasar talaga siya. Kinakabahan ako sa mga pinaggagagawa niya. Tama bang tumakbo pabalik sa kinatatayuan ko? Nakakainis siya! As in muntik na talaga siyang mabangga!

"Ayos ka lang ba?" Dapat ako ang nagtatanong niyan sa kanya pero siya pa tuloy ang nagtanong. 

"Nakakainis ka! Bakit mo ginawa yon? A-Ayos ka lang ba? Wala bang natamaan sa'yo? Gusto mo pumunta na tayong hospital? Tara na!" Chineck ko yung katawan niya kung meron bang natamaan or nabalian ba siya. Kinakabahan kasi ako. Di ko alam kung bakit pero ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Hinihila ko na siya pero parang ayaw niyang umalis sa kinatatayuan niya.

Ayokong mawala si Xavier sa akin! Kaibigan ko si Xavier bukod kay Christelle at napalapit na rin siya sa akin. Paano kung nasagasaan talaga siya?

"Tara na! Para maagapan kaagad yang natamaan sa'yo. Baka lumalala pa." Pag-ayaya ko sa kanya.

"Haha! Ano ka ba Nicole! Ayos lang ako. Di naman ako tinamaan eh" Nakakasar! Nakuha niya pang ngumiti.

"Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Paano kung natuluyan ka na? Nakakasar ka. Nakakainis!" Di ko alam kung anong gagawin ko kapag nangyari talaga iyon. Paano na ako? Pinaghahampas ko siya sa dibdib niya pero mahina lang. Naluluha ako sa mga nangyayari ngayon.

"Uy! Tama na! Halika na nga! Uy! Wag ka na umiyak dyan. Mamaya sabihin nung mga tao, ako nagpaiyak sa'yo." Pagpapatahan niya sa akin pero di pa rin tumitigil ung luha ko. T___T

"I-ikaw kasi eh! Nakakainis ka! XAVVVIIIIEEERRR! Bakit mo kasi ginawa iyon? Nakakainis ka talaga! Waaaahhh!! Paano kung nasagasaan ka na? Anong gagawin ko? Ikaw naman talaga nagpaiyak sa akin eh! Bakit mo kasi ginawa iyon?" Paulit ulit na ko. Para akong sira tapos bigla ko na lang siya yinakap. Xavier :'(

"Ayos lang talaga ako oh. Buhay pa ako at gumagalaw sa harap mo. Kayakap mo pa nga ako eh. Hahaha! Di mo kasi ako pinansin kaya nagawa ko yun. Alam mo namang ayaw ko ng hindi mo ako pinapansin di ba?" Dahil lang sa hindi ko pagpansin ginawa niya na iyon? Bakit ba sa akin nag-aalala siya pero sa sarili niya ayaw niyang alagaan? Isip bata ka talaga!

"Tara na? Baka hinahanap ka na sa bahay niyo. Iyak kasi ng iyak eh. Bakit kasi hindi ka nagpahatid sa kanya?" Tanong niya sa akin.

Naglalakad na kami at medyo nakakarecover na rin ako kahit papaano. Nakakashock lang kasi sa mismong harapan ko pa.

"Kasi nahihiya na ako. Masyado na siyang maraming nagagawa sa kanya tapos ako tanggap lang ng tanggap." Pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Kung mahal ka niya, di niya kailangan ng kapalit. Isa pa, wag na wag mo akong lalayuan ah. Baka kung ano pang magawa ko kapag nilayuan mo ako."

"Mahal niya naman ako eh, kaso nakakahiya lang talaga."

"May hiya ka pa pala? Haha! Loko lang."

"Baliw ka talaga! Kanina ka pa tumatawa kahit na muntik ka ng mamatay." Napansin ko lang ang hilig niya kasing ngumiti.

"Kasama kasi kita! Haha!" Ano naman nagkaiba sa araw ngayon kung kasama niya ako?

"Eh ano naman kung kasama mo ako? Ano meron?" Curious lang. Haha!

"Ehh... Kasii.. Nag-alala ka sa akin tapos.. Naloloko kita! Haha! Ano? Okay na ba explanation ko?" Nag-okay sign pa siya sa akin tapos sabay ngumiti. Ehhh... Naman Xavier eh..

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon