Chapter XXXIX

130 3 2
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 39~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Bakit nandito ka pa?" Napatayo agad ako at lumingon sa nagsalita.

"X-Xavier?" Si Xavier pala. Nakatayo lang siya habang nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa.

Akala ko bumalik siya. Hindi pala. Tuluyan niya na akong iniwanan dito. Bee :'( 

"Umiiyak ka?" Bwisit tong taong to. Nakita na nga itatanong pa. Umupo na lang ulit ako sa inupuan ko.

"Bakit nandito ka?" Pagtatanong ko sa kanya.

"Napadaan lang." 

"Lagi ka naman napadaan. Wala ka na bang ibang pwedeng idahilan."

"Wala na."

"Bakit ka pala umiiyak? Nalaglag ka ba sa hagdanan na yan?" Tinuro niya yung hagdanan. Anong sa tingin niya pinagsasabi niya?

Adik ba to? Buti buhay pa ako kung sakaling nangyari yun sa akin ngayon.

"Bakit mo tinatanong?" 

"Curious lang ako."

Napayuko ako ng di-oras. Kasi naiiyak nanaman ako eh.

"Si Bee ay hindi pala. Si Zedrick...."

"Oh? Anong meron doon? Panget naman nun eh.." Ang sama nito. Di naman panget si Bee di ba?

Sinamaan ko siya ng tingin nun. 

"Oo na. Sinaktan ka na nga nun pinagtatanggol mo pa." Oo nga naman. May point siya.

"Eh anong magagawa ko? Mahal ko siya eh." 

"Mahal mo nga, mahal ka ba?" Di ko alam. Siguro hindi. Sinabi na nga niya di ba?

"Hindi siguro."

"Yun naman pala eh. Eh di kalimutan mo siya."

"Hindi naman ganun kadali yun eh. Palibhasa ikaw hindi mo naman alam kung paano magmahal."

"Paano mo nasabi? Hindi mo naman alam na may mahal ako ah."

"Sige nga. Kung may mahal ka! Sino?" Iniwas niya yung tingin niya sa akin. Para sasabihin lang kung sino yung mahal niya ayaw pa. 

"Kita mo. Di mo masabi kasi hindi mo alam kung paano." Sabi ko sa kanya.

"Oo na. Di ko na alam kung paano. Tara na nga."

"Teka! Tekaa--" Hilahin daw ba ako pababa.

"Ano nanaman problema mo?" Pagtatanong niya.

"Wag mo kasi ako hilahin. Kita mong pababa yan oh. Paano kung masubsob ako?"

"Anong tingin mo sa akin? Pababayaan kang masaktan ulit? Hindi no." Ehh? Para kasing...

"A-Ang ibig kong sabihin, Aish! Bahala ka na nga." Naglakad na siya pababa. Di ko siya maintindihan. Meron ba siya? Babae ba yun? Bigla na lang nainis. Tinitigan ko lang naman.

"Oy! Xavier! Wait lang kasi. Iiwanan mo rin ba ako?" Sigaw ko sa kanya. Sana naman hindi niya ako iwanan di ba? Feeling ko kasi ako na lang mag-isa.

"H-Hindi ah! Oo na. Papunta na diyan." Tumakbo siya paakyat. Papunta sa akin.

"Tara na kasi." 

"Saan ba tayo pupunta?" Naglalakad na kami pababa. Sumusunod nga lang ako sa kanya eh. Nakakaasar talaga si Bee. Iniwanan na lang ako bigla. T__T

"Kahit saan. Basta hindi ka malungkot." Buti pa siya nandito palagi.

"Xavier..."

"Hmm.."

"Bakit ang bait mo sa akin?"

"Ewan ko. Gusto ko palagi kang masaya. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Di ba nga sabi ko sa'yo dati magalit ka na sa ibang tao basta wag lang sa akin kasi di ko kakayanin?"

"Ganyan ka rin ba sa ibang mga babae?" Baka kasi isa rin siyang playboy katulad ni Zedrick. Ginagawa niya rin sa iba ang mga ginagawa niya sa akin.

"Hindi. Ewan ko ba. Sa'yo ko lang gustong gawin to. Ang protektahan ka. Ang pasayahin ka..."

"Xavier, sana ikaw na lang ang nagustuhan ko. Sana hindi na lang si Bee.. Sana..."

"Gusto kong magustuhan mo ako ng dahil ako ay ako at hindi dahil kinkokompara mo ako sa kanya." Napalingon ako ng di-oras sa kanya.

"Ano? Wag ka ngang tumingin ng ganyan." Ngumiti lang ako sa kanya tapos niyakap siya. Niyakap bilang kaibigan. Kaibigang laging nandyan kapag kailangan mo ng karamay. 

"N-Nicole..." Di ko na siya pinatapos sa sasabihin niya.

"Salamat ha. Salamat at nandito ka." Buti at nakilala ko siya. 

“Sana palagi kang masaya. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Pwede bang ako ang magbigay nun?”

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon