Chapter XXXVI

136 4 1
                                    

 +++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 36~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

"Best! Gising na! Gising na." Ano ba yan? Ang aga aga nanggigising eh. Sarap matulog eh.

"Hmmm" Yun na lang nasabi ko sa kanya.

"Anong hmm ka dyan? Tanghali na oh. Mag-aalas dose na." What?! 12 na?

Napabangon kaagad ako ng marinig ko kung anong oras na.

"Buti naman at bumangon ka na. Kanina pa kita ginigising pero ayaw mo naman gumising. Ano bang meron sa'yo at ang sarap sarap ng tulog mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala naman ah. Malamig lang talaga. Teka, nasaan na si Xavier?" Pagtatanong ko sa kanya. Di ba nga magkatabi pa kami natulog kagabi?

"Eh di nasa kwarto nila. Ano ba yang pinagtatanong mo?"

"Ha? Di ba dito siya natulog kagabi? Tapos ikaw nasa kwarto nila?" Nakakapagtaka namang hindi alam ni Christelle kung ano ang sinasabi ko.

"Best, Hindi kita maintindihan. Magkasama kaya tayong natulog kagabi dito at paano naman mapupunta si Xavier dito eh nakalock tong pinto natin?" 

"Ibig sabihin panaginip lang yun?"

"Siguro? Ikaw ah! Napanaginipan mong magkasama kayo ni Xavier kagabi dito? Nako Nicole. Akala ko ba kay kuya Zedrick ka lang?"

"Oo nga. Ewan ko. Parang totoo kasi yung panaginip ko eh."

"Sus. Baka naman naiinlove ka na kay Xavier."

"Hindi ah. Naloloka ka na."

"Haha! Oh sige na denial queen, maligo ka na at aalis pa daw tayo."

"Baliw ka talaga. Di ako denial queen ah. Wala naman ako idedeny eh."

"Sige na. Sige na. Maligo ka na." 

Sumunod na ako sa sinabi niya. Grabeee!! Ang lamig lang. Wooohh! 

Para talagang totoo yung panaginip na yun. Hindi ko alam paano naging panaginip yun eh kasi naman nararamdaman ko pa rin yung pagkayakap ko sa kanya nung natatakot ako eh.

"Aisshh! Tigilan mo na nga yan Nicole. Baliw ka lang" Ayan kinausap ko na yung sarili ko. 

Nasa iisang table ulit kami tapos kumakain na rin kami ng tanghalian.

"Honey, tinawagan ko pala ang parents mo pati parents ko para makasama natin sila magbakasyon dito." Sabi ni Bee sa akin. Totoo? Tinawagan niya para makasama namin sila?

"Talaga? Kailan sila pupunta?" Excited na rin kasi ako makita sila. Kahit na sandali palang kami nagkakahiwalay at sana isama niya na rin si kuya. 

"Yup. They say mamaya nandito na daw sila."

"Ang bilis naman ata nila?"

"Ewan ko? Siguro excited rin yung mga yun na mameet ang isa't isa." Oo nga pala, hindi pa nila nakikita ang isa't isa.

"Dito na rin ba sila didiretso o pupunta sila ng magkakasama?" Pagtatanong ko. Gusto ko kasi sila iwelcome. ^__^

"Dito na lang rin siguro yung mga yun magkikita."

Yehey. Ang saya. Ano kaya magiging reaksyon nila sa isa't isa? Magugustuhan kaya nila o kaya magiging close sila? Kapag nangyari yun sigurado pasadong pasado na si Bee kay Papa.

Si papa Charlie kasi ay hindi ko tunay na tatay. Actually stepfather ko siya kasi namatay na si papa pero ang tunay niyang anak sa amin ay si kuya. 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon