Chapter XXXVIII

132 3 6
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 38~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"Gusto ko, kaso... Itigil na natin to." Nakatingin lang siya sa harapan niya. Diretsong tingin.

Itigil? Haha! Baka naman po kasi umaarte nanaman siya di ba? 

Parang yung ginawa niya lang kanina. Kainis to. Lolokohin pa ako. Akala niya ah!

"Hahaha! Bee naman... Nakabawi ka na ah. Umaarte ka nanaman." Hinampas ko pa siya ng mahina sa braso niya.

"Nicole..." Tinawag niya ako sa pangalan ko! Hindi Honey! Ano ba kasi yun?

"Teka... lolokohin mo nanaman ako.. Ayy nako Bee..." Kunyari tampo ako. Tapos nagpout pa ako.

"Sorry talaga Nicole...Itigil na natin to."

"Hmmppff... Bee naman. Ang panget mong umarte. Hahaha!" Ang sama ko pero kasi kinakabahan na ako eh. Ang seryoso niya na talaga.

"Nicole, please look at me." Hinawakan niya yung dalawang balikat ko tapos pinaharap sa kanya.

Hindi ko magawang tumingin sa mga mata niya. Anytime, tutulo na luha ko.

"B-Bakit?" Nauutal kong sabi sa kanya. Nakatingin lang ako sa likod niya. Hindi sa kanya mismo.

"Hindi ako nagbibiro. Totoo 'to. A-Ayoko ng niloloko ka. Alam mong playboy ako."

"Pero di ba nagbago ka na?" At this time tumingin na ako sa kanya. Ang seryoso na talaga namin.

"Akala mo lang yun. Marami na akong sinabihan ng mahal ko sila at isa ka na doon. Ayoko na. Nagsasawa na ako Nicole. Stop this nonsense thing. Okay?" NON-SENSE? Kailan pa naging non-sense ang magmahal? Ang sakit! Pinapaasa lang ba niya ako? Akala ko ba nagbago na siya? 

"P-pero di ba sinabihan mo akong a-ako lang? Di ba--" Medyo nagbublur na yung eyes ko dahil sa luha.

"Oo pero naniwala ka ba talaga doon? Seiously? Hahaha! Please Nicole, For Pete's Sake, marami na akong nasabihan din niyan. Mahal kita at mahal ko rin sila. Di ba mas maganda yun? Marami? Ang inosente mo talaga. I'm sorry for what I did. Sorry kung akala mo ikaw lang." Binitiwan niya na ako at tumingin ulit sa kawalan.

"Bee.. B-Bakit mo na-nagawa to?" Di ko alam pero naiinis ako! Akala ko talaga totoo. Totoong nagbago na siya. Totoong mahal niya ako. Di ba pinakilala niya pa ako sa mga magulang niya? Di ba dinala niya pa ako sa simbahan para pakasalan daw? Di ba? Di ba? Tapos ano tong ititigil na namin?

"I'm really sorry. Nicole. Hindi ko talaga kayang hindi maging playboy. As what i said, Hindi ako seryoso sa'yo. Hindi lang ikaw. Hindi mo ba napapansin na palagi kong nginingitian ang mga babae kapag magkakasama tayo? Hindi ba? At lalong lalong hindi kita minahal." Yun. Sapul. Doon na nagpapatunay na hindi nga totoo. Hindi totoo yung mga pinakikita niya at pinararamdam niya sa akin.

Wala akong ginawa. Yumuko ako tapos umiyak. Di ko na kasi mapigilan.

"Sige na. Sampalin mo ako. Karapatan mong gawin yun." Napansin niya siguro na nakakuyom yung kamay ko.

"Para saan  pa?" Ayokong gawin yun. Bakit? Kasi papatunayan ko lang na nasaktan niya ako. Magiging masaya pa siya hindi ba? Ang sakit. Ang sakit sakit talaga. Bakit sa akin pa niya ginawa 'to?

"Di ba ganyan naman kayong mga babae? Masaktan mo lang sasampalin ka na. Napakainosente mo talaga." Naiinis ako sa mga sinasabi niya. Hindi siya yung Bee na nakilala ko.

"Inosente man ako sa paningin mo pero hanggang itsura at ugali lang yun. Tandaan mo ang puso ko hindi kailanman naging inosente pagdating sa'yo dahil alam nito na mahal ka niya noon pa man. Kaya nga ako nasasaktan ngayon di ba?" Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako ng peke. Bitter na kung bitter ako. Hindi ko alam kung saan ko nakuha yun basta ang alam ko nasasaktan ako ngayon.

"N-Nicole" Balak niya sana akong hawakan sa balikat ko pero umurong ako.  Ayoko na. Ayokong mahawakan niya ako.

Patuloy lang sa pagluha yung mga mata ko. Wala na akong gagawin. Hindi ko kayang pigilan eh.

"Sige na. Umalis ka na baka kasi hanapin ka na ng ibang babae mo." Ang bitter ko no? Hindi ko naman maiiwasan yun eh. Nasaktan niya ako.

"Sige. Aalis na ako. Tutal matanda ka na. Alam mo na paano umuwi sa resthouse. Alam mo na ang tama sa mali." Bumaba na siya noon at ako naman napaupo na lang sa pinakatuktok ng hagdanan.

Naiinis na talaga ako sa kanya pero di ko man lang magawang magalit sa kanya. Hindi man lang niya sinabing hindi siya aalis at nagkamali siya.

Ang sakit malaman na isa lang din pala ako sa mga babaeng pinaglaruan niya. Ganito ba kapag unang beses na nasaktan o palaging ganito kapag nasasaktan?

Feeling ko talaga wala akong halaga sa kanya. Ni minsan hindi niya pinahalagahan at minahal. 

"Bakit nandito ka pa?" Napatayo agad ako at lumingon sa nagsalita.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

A/N: Musta naman po kayo? Sorry late po nag-update.

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon