Chapter XLII

118 3 6
                                    

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

◄~~~ CHAPTER 42~~~►

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

Nicole's POV

"PAPA?!" Sabi ni Xavier kaya napatingala ako ng di-oras sabay bagsak ng mga luha ko. 

"Papa..." Bulong ko sa sarili ko. Bakit tinawag niyang papa ang papa ko?

"X-Xavier..." Gulat na sabi naman ni papa.

Teka, Ano ba ang meron? Pinunasan ko agad yung luha ko.

"Papa, Ano ang ibig sabihin nito?" Pagtatakang tanong ko sa kanya.

Gusto ko malaman. 

"C-Cheska... Umuna ka na muna."

"Pero pa---"

"Dali na." Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos ni papa. 

Hindi naman ako pwedeng magsuway sa kanya dahil magagalit lang siya sa akin.

Naglakad na ako paalis sa pwesto at pumunta na sa kwarto namin ni Christelle.

"Nicole! Ano ng nangyari sa inyo ni kuya Zedrick? Sinagot mo na ba? Ano? Dali! Dali, naeexcite ako eh." Pambungad na sabi sa akin ni Chrissy. 

"Ano kasi..." Hindi niya ako pinatapos sa sasabihin ko. 

"Ano? Dali naman. Wag ka ng pasuspense. Kinikilig ako eh. Ayiee.. Kayo na ba? Set this date ah! Waaahh!" What? Set this date? Wow lang ha. Ang sakit kasi eh.

"Christelle, di niya tinanggap." Diretsong sagot ko sa kanya.

"Ha? Anong hindi niya tinanggap? Ang alin?"

"Huminahon ka kasi muna. Salita ka kasi ng salita dyan eh!" Medyo naiirita kong saway sa kanya.

Sorry Christelle. Napagtataasan ko na kasi siya ng boses. (_._) 

Ano bang nangyayari ngayon? Parang ang weird naman.

"Sinagot ko siya pero sinabi niyang itigil nanamin ang kung ano ang meron sa amin."

"Ha? Bakit naman daw?" Pagtatakang tanong niya. Naka-upo lang siya sa kama samantalang ako naman naghahanap ng pampalit na damit.

"Hindi niya ako minahal."

"Imposible naman yun."

"Yun ang sinabi niya sa akin."

"Naniwala ka doon? Imposible talaga yun."

"Anong imposible doon? Sinabi niya na hanggang ngayon playboy pa rin siya. Hindi naman ganoon kadali baguhin ang isang babaero."

"Nabago mo siya no and I'm 100% sure mahal ka nun."

"Pero bakit sinabi niyang hindi na niya ako mahal?"

"Malay ko. Baka naman jinojoke time ka?"

"Hindi talaga. Christelle, edi sana masaya akong umuwi dito at siya ang kasama ko di ba?"

"Ganun ba? Teka, sino ba ang kasama mo? Halos magkasabay naman kayo ni kuya Zedrick ah."

"Si Xavier."

"Woaaahhh! Si Xavier? Nakakahalata na ako sa inyo ah."

"Anong nakakahalata ang pinagsasabi mo?"

"Madalas na kayong magkasama. Wag mong sabihin na may namamagitan na sa inyong dalawa?"

"Wala ah." Sabay kuha ko doon sa napili kong damit. "Teka lang. Magpapalit muna ako" Pumasok na ako sa banyo.

 Kahit na malamig dito magshashower pa rin ako. Ewan ko ba. Nakakainis talaga. 

Binuksan ko na yung shower at saka nagmukmok.

"Akala mo lang yun. Marami na akong sinabihan ng mahal ko sila at isa ka na doon. Ayoko na. Nagsasawa na ako Nicole. Stop this nonsense thing. Okay?"

Umiiyak lang ako dito sa loob ng Cr habang nagpapakabasa. Grabe! Ang sakit ng mga sinabi niya. 

Para akong sinasaksak habang naiisip ko yun. Ganoon na lang ba kadali yun?

"Oo pero naniwala ka ba talaga doon? Seiously? Hahaha! Please Nicole, For Pete's Sake, marami na akong nasabihan din niyan. Mahal kita at mahal ko rin sila. Di ba mas maganda yun? Marami? Ang inosente mo talaga. I'm sorry for what I did. Sorry kung akala mo ikaw lang."

Mahirap ba akong mahalin at kailangan niya pang saktan?

Hindi pa ba sapat yung binigay kong pagmamahal para masuklian niya? Kulang pa ba yun para may ibang babae pa siya?

"Sige. Aalis na ako. Tutal matanda ka na. Alam mo na paano umuwi sa resthouse. Alam mo na ang tama sa mali."

Bakit parang wala kaming pinagsamahan? Ni hindi siya nagcare para samahan ako? Paano kung hindi dumating si Xavier?

Ang sakit lang eh. T__T Ang sakit sakit. Para bang wala ng silbi ang buhay ko.

Hindi pa nga nag-uumpisa, tapos na agad. Ganoon na lang yun?

Tumutulo lang yung luha ko habang umaagos yung malamig na tubig sa mukha ko. 

Ewan ko ba. Hindi ako nakakaramdam ng lamig ngayon. Feeling ko nga nasusunog ako. 

Nasusunog ang buong katawan ko kahit na naliligo ako.

Natapos na ako. Sigurado, maga ang mga mata ko kakaiyak. Ayoko muna magpakita sa kanila. 

Ayokong makita nilang nagkakaganito ako. Ayoko. 

Nagbihis na ako at lalabas na sana ako ng biglang nandilim ang paningin ko.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sa akin.

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++

ENJOY! ÜÜÜ

© By: BluedevilOO7

+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++===+++ 

My Only WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon